Prologue
“Tell me Nero, why did you do this?” Kalmado lang si Lorenzo ngunit sa loob-loob niyan ay sabog na sabog na ang binata. But, he kept being cool for now.
Napayuko si Nero may alam itong kailangang malaman ni Lorenzo ngunit, tila nais na manahimik ng taong ito mula kay Lorenzo.
Inalis ni Lorenzo ang takip sa bibig nito at nag-antay na magsalita si Nero ngunit, ni pagbuka ng bibig ay wala itong ginawa.
Lorenzo laughed loudly. Ilang minuto muna siyang tumawa na ipinagtaka ni Nero dahil walang nakakatawa.
Hindi nito alam na ito ang pinagtatawanan ni Lorenzo. Mamatay na nga lang ito ay may pinagtatakpan pa siya.
“I’m not afraid to kill you, Nero. Sabihin mo man o hindi wala pa ring magbabago. Malilibing at malilibing ka sa araw na ito.” Nakangising sabi ni Lorenzo.
Whatever he said, it will be true. Swerte lang ni Nero dahil mismong ang dating boss ang gagawa nang paraan para malibing ito ng tuluyan. Nero shivered in fear.
Naihi na ito sa pantalon dahil alam na alam nito at napanood nito nang maka-ilang beses kung paano pinaparusahan ni Lorenzo ang mga tumatraydor sa kanya.
Why did Nero put himself in this situation when he’s already experiencing heaven while working for Lorenzo?
Ah’ binubulungan nga pala ito ng mga demonyo na gawin iyon para naman magalit ang tunay na demonyo.
Mas tamang sabihin na sinunod niti ang utos ng mga demonyo kapalit ng perang nanakawin nito kay Lorenzo.
Kamangmangan ang ginawa ni Nero. Isang malaking kamangmangan ang traydurin si Lorenzo.
“B –Boss…” Takot nitong wika habang nauutal. Kitang-kita nito ang mukha ni Lorenzo. Madilim ang mukha niya.
Ang mga mata ay tila itim na itim kahit hindi naman. Hindi alam ni Nero kung pakiramdam nito lang ba iyon o talagang nangyayari iyon.
Takot na takot si Nero. Takot na takot na kahit na sumigaw ito ay walang makakarinig sa kanya habang sinasakop ng demonyo ang buo nitong kaluluwa.
Lorenzo looks like a demon ready to devour his prey while watching Nero’s trembling body.
“I already told everyone, once you enter on my businesses, handa kang kainin ng demonyo oras na tinraydor niyo ako.” Tila nasaniban ng demonyo ang binata habang sinasabi ito at tila mas lalo lang dumilim ang mukha niya nang banggitin ni Nero ang hindi dapat banggitin.
“T–They wanted me to be their ears and eyes, B –Boss. I can’t do anything, hawak nila ako sa leeg. Alam nila ang lahat, alam nila pati ang kung anong meron kay Heronisa Blythe Sakal,” maling-mali ang banggitin ang pangalan ng babaeng pagmamay-ari ni Lorenzo habang nasa ganitong sitwasyon.
He felt threatened. Ito ang nais nilang gamitin sa kanya upang pabagsakin siya. He grinned evilly at Nero. He can do things his enemies can’t imagine when his baby doll is involved.
They should better be hiding than hurting his baby doll. Kanina lang ay nakita ni Nero na nasa harapan nito lang si Lorenzo ngayon ay sakal-sakal na siya nito. Lorenzo was choking him tightly.
“I know who are they Nero and let me tell you this. Lorenzo Giovanni Dizionario is the devil himself. This devil will devour every fiber of your being.”