PROLOGUE:
"Swimming? Buti naman at naisip nila na magkaroon ng Reunion. It's been three years since we graduated in highschool and that's the last time our section gathered" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa Poll na nasa group chat ng klase kung saan nandoon nakalista ang mga option na date ng magiging reunion
"For sure this will gonna be fun~" excited na sabi ko
Magvovote na sana ako sa poll pero natigilan ako at hinayaan nalang ang mga dating kaklase ko na magtalo sa mga dates
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa closet ko. Binuksan ko ito at pinagmasdan ang mga damit ko na nakaayos doon. Agad ko naman hinalungkat ang mga ito at naghanap ng pwedeng masuot niyan kapag natuloy ang reunion.
Masaya akong isinukat ang napili kong pair ng clothes na isusuot ko. It was a black basic croptop and a white high wasted short. Lumapit din ako sa sabitan ng mga kwintas kong nakolekta ko sa pagtratravel namin nila mama sa iba't ibang dagat. If you know the necklaces that has a black thin lace and a has a, seashell, wooden and marble pendant, ganon ang tinutukoy kong kwintas.
I chose the necklace that has my initials on the pendant and a pearl necklace. Kumuha na din pala ako ng anklet at isinuot sa paa ko. Style ba.
Masaya akong rumampa sa buong kwarto ko at kunwari pang nasa pageant. Masaya naman akong naglakad palapit sa full body mirror size upang tignan ang sarili ko, ngunit agad ding natigilan at iwinaglit nalang sa utak ko iyong salamin.
Basta ito na ang isusuot ko. Final, sure naman ako na pwede na ito at maganda ang combination.
"Andriette aalis na si Mama at Papa. I love you"
Napatingin naman ako sa bumukas na pinto ng kwarto ko at tipid na napangiti
"Okay Mama. I love you too" mahinang sagot ko at buntong hiningang humiga sa kama ko
"I really miss your hug mama. I want to feel your warm hug again" bulong ko sa hangin at pinunasan ang nangingilid kong luha
- - - - - - - - -
"Wooooh. Ang sayaaaa" sigaw ko pagkababa ko ng sasakya. The place is one of our classmate's private resort at may dalawang malaking swimming pool ito at sa baba nito ay ang malawak na dagat.
Kasabay ko ang mga kaklase ko nung highschool at mababakas din ang excitement sa mukha nila
Pagkarating namin sa bahay na kung saan kami mag stay ng isang gabi ay nagkaniya kaniya na silang kwentuhan at kamustahan. Habang ako ay masayang pinagmasdan sila.
They look so happy.
Maya maya pagtapos ng isang oras na kwentuhan ay nagka-ayaan na ang ibang magtampisaw. Hindi pa kami kumpleto at malabong makumpleto dahil may iba na hindi talaga kinaya ng schedule nila at hindi na talaga nakasama may iba naman na parating palang at susubukang humabol.
Maya maya ay naisipan ko nalang din muna na mag muni muni sa may dalampasigan. Pero bago pa man ako makababa ay nakasalubong ko ang dating class secretary at kumaway ako dito. Ngunit agad din naalis ang attention ko sakaniya dahil sa kasama niyang lalake nabaling ang tingin ko. Hindi ko ito kilala pero familiar siya at parang nakikita ko na siya dati sa school. Boyfriend niya siguro.
Nice.
Dati lang hindi siya malapitan ng kaklase naming boys dahil auto irap siya pag may lumapit na boys sakaniya dati. Napatingin din saakin yung lalake kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Naguguluhan man ay nagpatuloy na ako sa pagbaba at naglakad lakad sa tabing dagat.
Huminto ako nang ilang hakbang nalang ang layo ko sa tubig upang damhin ng simoy ng hangin.
"Peace" bulong ko at ipinikit ang aking mga mata upang mas lalo pang damhin ang mlmig na simoy ng hangin at hindi ininda ang pakonti konting talsik ng tubig saakin dala ng paghampas ng alon.
Muli kong inimulat ang mata ko at nakangiting naglakad lakad muli. Nang mapagod ako ay naisipan ko nang bumalik ng Rest house ngunit nakakailang hakbang palang ako ay natanaw ko yung lalakeng kasama ng class secretary. Nangunot naman ang noo ko nang mapagtanto kong deretso ang tingin niya sa dereksyon ko at patungo siya dito mismo sa kinalulugaran ko.
Agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko at naglakad paalis pero natawa din ako nang may mapagtanto ako. Bakit ba ako umiiwas at parang takot na takot dapat sila o siya ang matakot saakin.
umiling iling akong naglakad na muli pabalik sa rest house. nakayuko akong naglalakad at nilalaro ang buhangin na nilalakaran ko ngunit napahinto ako bigla nang may makita akong pares ng paa.
Ini-angat ko ang tingin ko at halos mapaatras ako sa gulat dahil nagtama ang mata namin ng lalakeng kasama ng class secretary namin kanina at konti nalang ang pagitan ng mukha namin.
"I wanna ask something" sabi nito, kaya naman gulat akong napatingin sa likod ko at wala naman akong makitang tao. chineck ko din ang tenga nito kung may suot siyang earpiece at baka may kausap pero kahit isa ay walang nakalagay sa tenga nito
"Ako ba kausap nito?" bulong ko sa sarili ko
"Oo ikaw" sagot nito at mas lalong mapaatras kaya muntikan pa akong matumba ngunit agad nitong nahawakan ang bewang ko na siya namang ikinataka ko.
Paano?
"N-nakikita mo ako?" takang tanong ko sakaniya at kumunot ang noo nito
"Yan nga dapat ang itatanong ko sayo. nakikita mo ako?"