bc

STAND BY YOUR MAN #3: Bulag na Pagmamahal

book_age18+
109
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
second chance
scandal
manipulative
drama
bxg
abuse
betrayal
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

"Ikaw ang lahat sa akin."

Hanggang kailan ka maging bulag sa pag-aakalang perpekto mong pamilya. Hanggang kailan ka maging bingi sa sinasabi nila sa pinakamamahal mong asawa. Iyong inaakala mo ikaw lang ang kanyang mahal ay hindi pala.

Ilang ulit mong patawarin ang isang taong walang ginawa kundi saktan ang damdamin mo. Makakaya mo kayang manatili sa kanyang tabi sa kabila ng kanyang ginagawa?

Tunghayan ang pagiging bingi at bulag ni Olivia dahil sa kanyang pag-ibig kay Stephan De Vera.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Happy Anniversary, mahal!" maligayang bati ni Olivia sa kanyang asawa. Seventeen year na silang may relasyon simula noong sixteen pa lang sila, kabilang doon ang pitong taon nilang mag-asawa. Dalawa na rin ang kanilang anak. Ang panganay nilang anak na babae ay anim na taon na at grade-one na siya samantala ang kanilang bunso na lalaki ay four years old na rin; nag-aaral ng kinder sa pribadong paaralan kasama ng kanyang ate. Hinalikan siya sa labi ng kanyang asawa at niyakap ng mahigpit. "Happy Anniversary, mahal ko! Salamat sa pagmamahal na ipinaparamdam mo sa akin at pagbigay mo ng dalawang bibong mga anak." "Walang ano man, mahal, nagpapasalamat din ako dahil napakabuti mong asawa at ama ng mga anak natin. Napakaswerte talaga namin sa iyo, " malambing na sabi ni Olivia sa kanyang asawa at humilig sa kanyang balikat. Wala nang mahihiling pa si Olivia sa Panginoon dahil binayayaan siya ng mabuting asawa. Childhood sweetheart silang dalawa. Bata pa lang ay kilala na nila ang isa't isa dahil magkapit-bahay lang noon ang kanilang pamilya; bago nagmigrate sa Canada ang kanilang mga magulang noong twelve year old siya. Naiwan siya sa kanyang lola at lolo para tapusin ang kanyang pag-aaral hanggang sa maghigh school patuloy na naging magkaibigan silang dalawa. Sixteen siya nang naglakas loob si Stephan na ligawan siya at agad niya namang sinagot. Mula noon naging magnobyo sila hanggang sa nakapagtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng trabaho. Hindi na siya sumama sa kanyang pamilya sa Canada dahil pinili niya ang buhay kasama si Stephan. Hindi pinagsisishan ni Olivia ang desisyong iyon dahil pinatunayan ni Stephan sa kanyang magulang na worth ang pagpili niya sa kanya. Binigay ni Stephan ang kanyang gusto. May sarili na silang bahay sa isang subdivision dito sa Cavite, mga middle class ang halos nakatira dito, ngunit malawak na napiling bahay at lote ni Stephan dahil nasa dulong bahagi ito ng block namin. Malapit na nila itong mabayaran sa developer, ilang taon na lang. Katuwang siya ni Stephan sa pagbabayad nito dahil ipinundar nilang dalawa ito para sa kanilang pamilya. "Mommy! You and Daddy has to blow the candle already!" excited na utos ng aming panganay na anak. Agad namang tumalima ang mag-asawa at pagbigyan ang mga anak. Kasama nilang nagcelebrate ng kanilang kasal ang mga kapatid ni Stephan na nakatira lang malapit sa kanila, kaya tuwang-tuwa ang kanilang mga anak kapag namasyal ang kanilang mga pinsan. Nagsipalakpakan ang mga bisita nina Stephan at Olivia, lalong lao na ang kanilang mga anak, Agad nilang hinati ang cake at binigyan ang bawat dumalo. "Nakakatuwang isipin na ang tagal n'yo na pa lang may relasyon, Olivia, ng kapatid ko," sabi ng ate Susan ni Stephan. Madalas kasi silang tinutukso noong bago pa siya niligawan ni Stephan, boto talaga sila sa kanya kaya naging maganda ang relasyon ni Olivia sa pamilya ni Stephan hanggang ngayon. "Kaya nga po, ate. Napakaswerte ko po sa kapatid n'yo. Wala pong nagbago sa kanya mula noon. Hanggad ko nga sana na hindi siya magbago hanggang kailan," tugon ni OLivia sa kanya. "Mahal na mahal ka at ng mga anak ninyo ng kapatid ko, Olivia. Kaya siguradong hindi siya magbabago," kampanting sabi ni Ate Susan kay OLivia. Tiwala rin si Olivia na hindi mababago ang kanyang asawa, dahil lumipas ang mga buwan nagpatuloy ang kanilang masayang pamumuhay. Katunayan bumili pa ng sasakyan si Stephan para may magamit siya sa kanyang trabaho. Private company din ang pinagtatrabahuhan niya pero mas mataas ang tungkulin ni Olivia kaysa sa kanya. Meron silang sasakyan pero company car ito ni Olivia, na ipinagamit sa kanyang pang-araw araw na pagpasok sa trabaho. Sampung buwan ang makalipas biglang nagbago ang lahat nang biglang ipinabili ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Stephan ang kanyang share sa isang business tycoon. Nagkaroon ng mass layoff sa mga lumang empleyado dahil papalitan sila ng mga bago. Isa sa mga nawalan ng trabaho ay si Stephan. Parang gumuho ang mundo ni Stephan sa nangyari sa kanya, lalo na at may binabayran pa siyang sasakyan at natitirang p*****t sa kanilang bahay. Bagsak ang kanyang mga balikat na umuwi sa kanilamg bahay. Naabutan na niyang naroon si Olivia. Mabilis na inasikaso ni Olivia ang kanyang asawa. Nag-aalala siya dahil para itong nabagsakan ng daigdig. "Anong nangyari, mahal? May problema ka ba?" Nanghihinang umupo si Stephan sa upuan sa harap ng mesa. Ipinatong niya ang kanyang mga palad sa kanyang ulo. "Natanggal ako sa trabaho, mahal!" Napasinghap si Olivia sa narinig. Agad na napaupo sa tabi ng kanyang asawa at niyakap siya. "Paanong nangyari iyan, mahal. Wala namang balita sa business world na nalugi kayo o ano." "Biglaan lang din ang nangyari, sinadyang hindi ipinaalam ng magy-ari ang pagbenta niya ng kompanya. Ang ikinagugulat namin ang mass layoff na ginawa ng bagong namamahala sa halos kalahati ng empleyado." "Ano naman ang rason nila bakit kailangang tanggalin kayo ng ganoon-ganoon lang. Dapat may abeso silang ginawa. It was against the law!" protesta ni Olivia. Hindi makatarungan ang kanilang ginawa sa mga empleyadong pinagtatanggal nila. "Kaya nga kumuha na ng abogado ang leader namin para ipaglaban ang aming karapatan. Sa ngayon wala talaga kaming magagawa. Binayaran lang kami sa aming araw na pinasukan at ibang benefits," malungkot na pahayag ni Stephan. Mahigpit na niyakap ni Olivia ang asawa. Ang tanging magawa niya sa ngayon ay supportahan ang kanyang asawa. "Hayaan mo at makakahanap ka rin ng panibagong trabaho, mahal." Ngunit lumipas ang mga araw, walang makitang trabaho si Stephan at mabagal din ang usad ng kanilang kaso na ini-file sa korte laban sa dati niyang kompanya. Nagiging mainitin din ang ulo nito kapag umuwi siya sa kanilang bahay na bigo makahanap ng trabaho. Nag-aalala si Olivia sa kanyang asawa, at iniintindi ang ugali nito. "Mahal, bakit hindi na ka na lang lang muna magpahinga at alagaan ang mga anak natin. Malay mo makahanap ka rin ng trabaho sa mga susunod na linggo o buwan. Kaya ko pa naman eh," malambing na sabi ni Olivia sa kanyang asawa. Marahas na napabuntong hininga si Stephan. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, mahal. Pero maghahanap pa rin ako ng trabaho kapag may pagkakataon para may katuwang ka sa mga gastusin dito sa bahay." "Ayus lang, mahal. Basta ano mang desisyon mo supportahan kita. Kung gusto mong tumayo ng negosyo, sabihin mo lang sa akin ah," buong pag-unawang tugon ni Olivia. Napatango lang si Stephan at parang wala sa sarili dahil ang nasa kanyang isipan ay kung paano makatulong sa kanyang asawa, kaysa magtambay lang sa kanilang bahay. Ngunit mukhang mailap sa kanya ang pagkakataon dahil lumipas pa ang mga buwan walang isa sa kanyang pina-applyan ang tumanggap sa kanya. Nanatili siyang taga-alaga sa kanyang mga anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook