CHAPTER 2

741 Words
CELINE MAAGA akong nagising ng umagang iyon. Masakit ang ulo ko siguro dahil sa alak na pinagsaluhan namin ni Wade nagdaang gabi. Nandito pa rin kami sa isla ng Siargao dahil sa isang linggong pag-stay namin dito. Napatingin ako sa tabi ko—tulog na tulog pa rin si Wade ang asawa ko. Napangiti ako nang mabungaran ko ang mukha nito sa bagong umaga na mayroon sa buhay ko. Hinigit ko ang sarili kong hininga—mahal ko si Wade mahal na mahal. Sumiksik ang sa balikat nito niyakap ko ito paharap sa akin. “Goodmorning, Sweetheart!” bati ko sa kaniya nang magmulat ang mata nito. Nararamdaman kong antok pa ito nang sumulyap sa akin. “Ang aga mo naman magising,” aniya nito sa akin. Hinalikan ang nuo ko. “Sumakit kasi ulo ko,” sagot ko sa kaniya. Niyakap ako nito ng mahigpit, hindi ko napigilang samyuin ang siyang mabangong hininga nito kahit bagong gising lang ito. “Maayos ba tulog mo?” tanong niya sa akin. Ngumiti akong tumango-tango sa kaniya. “Maayos naman, ikaw ba?” balik tanong ko sa kaniya. “Maayos naman, mahalko,” tugon nito sa akin at muli akong hinalikan sa nuo ko. “Nagugutom ka na ba?” Ngumiti itong nakakaloko nang kumuwala ito sa pagkakayakap sa akin. “Gusto mo ba breakfast in bed?” pilyo nitong tanong sa akin. Natawa nalang ako rito sabay na umiling-iling. Medyo kasi ramdam ko pa ang siyang pananakit ng katawan ko sa pinagsaluhan namin kagabi. “Matulog ka pa muna. Ipaghahanda nalang kita ng makakain natin, gutom na rin ako e.” Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Patihaya itong humiga tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Lumantad sa mga mata ko ang kalahating hubad na katawan ni Wade. “Iloveyou, Celine,” sabi nito sa akin na nagbigay ng ngiti sa labi ko. Hindi na rin kasi ito madalas magsabi sa akin ng iloveyou and I feel happy thi day dahil muli ko itong narinig at naramdaman sa asawa ko. “Loveyoutoo, Wade,” aniya ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at ganoon din ako nito— matapos magpaalam para ipaghanda na ang makakain naming dalawa, tumalima na ako. Iniwan ko muna ito at alam kong babawi pa ito ng pahinga. Masaya akong naghanda ng makakain namin nang umagang iyon. Itlog na ginisa sa kamatis at sinangag ang siyang hinanda kong makakain na pagsasaluhan namin—masaya akong ginawa ito sa tagal din kasing panahon ngayon ko lang ulit napagsilbihan ng maayos si Wade. ^ WADE NAGISING akong muli sa tunog ng caller tone ng phone ko. Si Megan ang siyang tumatawag sa akin—napabalikwas ako ng bangon agad na tiningnan sa paligid ko si Celine kung naroon ba ito. Muli pa itong tumawag ng 'di ko sinagot ang unang tawag nito. "Hello! Megan?" bungad ko rito nang sagutin ko ang tawag nito. Narinig ko ang siyang buntong-hininga nito sa kabilang linya. "Wala ka na yatang balak na tawagan ako? Nagkakalimutan na ba tayo, Wade?" mataray nitong ganti sa bungad ko sa kaniya. Napahawak ako sa sarili kong bibig sa kabang nararamdaman ko na baka mahuli ako ni Celine na may kausap na ibang babae at hindi lang ito basta babae ng buhay ko dahil isa ito sa mga malalapit na kaibigan ni Celine noong nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. "Celine is there, Megan," sabi ko sa kaniya. "And, I don't care, Wade—ang gusto ko lang makausap ka! Mahirap ba iyon? Hindi pagkat kasal ka na sa kaniya, kakalimutan mo na ako!" may kalakasang turan nito sa akin. Napatikhim ako kilala ko si Megan alam ko kung ano ang kaya nitong gawin kung hindi ko napagbigyan ang siyang gusto nitong manyari. Muli akong napatikhim. "Kakausapin kita pagbalik namin ng Manila ni Celine. But not now, Megan. We are here for our honeymoon. I want you to know that." Narinig ko ang siyang pagbuntong-hininga nito at agad na nagpaalam. Nakahinga ako ng malalim ng masigurado kong walang alam si Celine tungkol sa pagtawag sa akin ni Megan. Mabuti nalang talaga at wala ito kundi alam kong isa na namang malaking gulo ang siyang mangyayari. Knowing Celine alam kung hindi na buo ang tiwalang binibigay nito sa akin sa lahat ng kasalanan kong nagawa sa kaniya noon at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung masasaktan na naman ito at ako ang siyang magiging dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD