Iniuwi din ako ni Sameer matapos nang hindi magandang kinahantungan ng pagpunta ko ro'n sa kanilang mansion. Lubos din ang pag-hingi ng pasensya sa akin ni Señora matapos nang hindi magandang pag-uusap at sa inasal ng anak niyang si Rahul. Wala namang imik si Sameer sa buong biyahe, at naiintindihan ko kung bakit. Iniisip niya ang kapatid niya at katigasan ng ulo nito pero sa amin lahat ako dapat ang mabagabag dahil ako ang pinaguusapan dito. Tungkol ito sa akin. "Sameer, salamat sa paghatid." "Ako dapat ang magpasalamat dahil sumama ka sa 'kin kahit 'di ka komportable and I'm really sorry for my brother's behavior, sadyang may gapak lang ang isang iyon but don't be threatened, nasabi niya lang iyon sa iyo dahil galit siya, hindi ka niya gagawan ng hindi maganda, I'll promise." Gusto