"It's okay if you don't like me. Not everyone has a good taste."
-Fia-
.
Snob
.
.
Humarang agad ang dalawang bodyguard na bouncer sa harapan ko. Hindi pa nga ako nakahakbang sa hagdanan, ay pumwesto na agad sila. Nakakainis lang din ah! Kaya pinakita ko na ang VIP pass ko. They moved in each side and let me in.
.
It's like I'm counting my footstep while looking at him. Nakatalikod na siya at halatang may kasama na siyang babae sa tabi niya. Napatingin pa sa akin ang tatlong lalaki sa gilid na may mga escort nadin. Napalunok akong muli nang makita ang lahat dito.
.
This is really a different level from down below. Kakaiba dito, dahil pormal, decente at cool lang din ang mga tao. I looked at around in each room. Dalawang bukas na private room ang nalagpasan ko. Inside is like a studio bar, but I bet there's more than that. Nanayo lang din ang mga balahibo ko.
.
So where is he? Okay, konti na lang Fia at malapit ka na sa kanya.
.
Hindi pa ako lasing. Hindi naman talaga nakakalasing ang tequila. Nalalasing ng mabilis ang isang tao pag pinaghalo-halo mo ang inumin mo. Kaya ang bilis nalasing ng dalawang kasama ko. Nahinto ako nang makita ang kabuuan ng likod niya. Nasa baywang ng babaeng katabi niya ang isang kamay nito, at panay lang din ang bulong sa kanya ng babae. Halatang naghaharutan na ang dalawa.
.
This is so stupid! Why do I have to do this?
.
Napahawak na ako sa hawakan at tiningnan ang dalawa sa baba.
.
"Go, Fia!" sigaw ni Ceilo. Ang baliw lang din niya talaga!
"Get him girl!" si Pinkie.
.
Ang dalawang lasing na baliw ngayon sa gabing ito. Maingay na naman, pero napalingon ang iba na nandito dahil sa sigaw ni Ceilo. Nilingon ko ulit si Marco. I'm sure his name is Marco Walter Mondragon, that's what I've heard from Ceilo before. I swallowed hard again while looking at him.
.
No, I don't think so!
.
"Sorry!" Sabay iling kong nakatingin kay Ceilo at Pinkie sa baba.
.
Nagmura na si Pinkie. Lasing na nga ang bruha! At mas natawa na ng husto si Ceilo ngayon. Umiling iling na ako. Ayaw ko kaya, Nakakahiya! Kung lasing lang siguro ako, ay talagang gagawin ko. E, hindi eh! Gising pa ang lahat ng kaluluwa ko ngayon at hiya.
.
Sumenyas na si Pinkie sa kamay niya, na ibig sabihin twenty thousand pesos ang ibabalik ko sa kanya. Ngumiwi na akong nakakunot ang noo habang pinagmamasdan siya. Sayang din naman ang pera! Ipapadala ko na lang din kay Mommy. Kung iisipin kaya ko naman at may pera naman ako. Pero hindi ko kasi ugali ang magtapon na lang ng pera na parang wala!
.
"Okay, fine!" Sabay hawi ng buhok ko.
.
Napansin na niya agad ito, dahil nakaharap na siya sa akin ngayon. Bumitaw na siya sa babaeng kahawak niya kanina at humarap sa akin.
.
Holy s**t! Ang lakas ng dating niya. Mondragon nga naman siya.
.
But he's not happy, and he looked at me in a perplex manner. His forehead furrowed as he moves his head in each side. I swallowed hard again. He simply got the look, an ideal masculinity.
.
Ngayon lang ba ako nakakita ng ganito ka gwapo sa buong buhay ko? Hindi ano! Tsk, ano ba Fia! Ang rupok mo na!
.
"Excuse me, I came with a dare. Can I-"
"No!" malamig na tugon niya.
.
Straight away he pinned me with his stare and I frizzed. I blinked with so much astonishment in me.
Huh, straight away he rejected me!
.
Nilingon kong muli sina Cielo at Pinkie, at nagkibit balikat na ako sa kanilang dalawa. Well, wala na akong magagawa kung ayaw niya. E, huwag pilitin! Baka makasuhan pa ako nito ng s****l harassment! Dahil lang humalik ako sa kanya. Huwag na na lang ano! Magbabayad na lang ako.
.
"Are you that stupid to pull down your standard just because it's a bet? And you want a kiss?" baritonong tugon niya.
.
Mas napakurap na ako, at uminit lang ang pisngi ko. Kahit papaano ay tama nga naman siya. Ang tanga ko lang din 'di ba? Ang malas ko talaga. Tigre kasi ang kaharap ko ngayon. Napatingin agad siya sa kabuuan ko at umiling na, at bahagyang natawa pa.
.
"Do you know her? Did you invite her in?" saad ng babaeng katabi niya.
"No, babe. She's just a wannabee," ngiti niya sa babae.
.
May jaw dropped when I heard it. Me a wannabee? Ano ako spice girl? Hmp, ibang klase din 'tong tigreng 'to! I was about to say something but someone pop-in and joined the conversation.
.
"Whoa! Who's this angelic hot baby here?" saad ng lalaking kararating lang din. Halatang kaibigan niya ito.
"Not mine, Conrad," sagot agad ni Marco.
.
Mula ulo hanggang paa naman ang titig niya sa akin. Like Marco, he's got the looks too, and I bet he's more friendly than this freaking tiger in front of me! Kumunot na ang noo kong tinitigan siya, at nagtaas pa siya nang kilay talaga. I nearly lost my manners. Kaya bago paman mawala ang tamang pag-uugali ko ay mas mabuting umalis na rito.
.
"Sorry, excuse me!" Sabay irap ko.
.
I can even heared him smirked when I turned around. I just rolled my eyes. Ang arte ng lalaking 'to, feeling gwapo! At ano raw ako? Wannabee? E, 'di ikaw pesti!
.
Nahinto ako nang hakbang at humarap akong muli sa kanya. I hold my posture and plastered my best smile. I don't want him to belittle me. Wala pang lalaki na inayawan ako, at siya lang din ang una!
.
"Did you called me a wannabee?" taas kilay ko.
He smirked again and shook his head. He never say a word and just stare at me.
"For your information I am more than a wannabee, because I'm a real queen bee!" Sabay irap ko.
Rinig ko naman ang bahagyang tawa niya.
"Bro, bulag ka na 'ata? I know her," saad ng lalaking katabi niya.
"I don't care and I'm not interested!" pabagsak niyang tugon.
.
Hindi ko na pinansin at padabog na akong bumaba sa hagdanan. Nakatingin pa sa akin ang dalawang bouncer guard na nandito, at sumipol ang iilan na kalalahikan.
.
"Ang mamanyak n'yo!" Sabay irap ko. Natawa lang din sila.
.
Nakita 'ata ni Ceilo ang nangyari kaya panay na ang tawa niya ng husto. Wala naman sa sariling isip si Pinkie at panay inom lang din.
.
"Ano? Masarap ba ang h-halik niya?"
.
Halos matumba na si Pinkie mula sa pagkakatayo. Mas lumakas lang ang tawa ni Ceilo sa akin ngayon.
.
"Umiwi na nga tayo! Ang daming manyak dito, at may isang pesti pa! Akala mo naman gwapo! Hoy ang pangit mo!" pasigaw kong tumingin sa kanya sa itaas.
.
Nahinto ng sayaw ang ibang babae na malapit sa table namin at tumingala na rin. Tumili pa ang iba sa kanila na mukhang naglulupasay sa kilig, nang makita ang mukha niya. Nakatiim-bagang siyang nakatitig sa akin at pinandilatan ko na siya ng mga mata.
.
"I forgot to tell you, Fia. That Marco Walter Mondragon is a snob. Lahat ng kaibigan kong model ay inayawan niya,"mas malakas na tawa niya.
"Gaga! E. 'di sinabi mo sana sa akin kanina at ng 'di ako napahiya!" Pamaywang ko, at natawa lang siya.
.
Kinuha ko na ang sling bag sa gilid at sinuot ang blazer ko. Hindi naman kalandian ang damit ko ano, dahil medyo pormal naman ito. My goodness! Simula't sapul ang mga lalaki ang nagkakandarapa sa akin, pero ngayon lang ako inayawan talaga.
.
Isang beses lang ako nagkaroon ng boyfriend at high school pa ako noon. Umabot din kami ng tatlong taon, hanggang sa naghiwalay kami dahil lang din sa babae. Kaya wala na talaga akong tiwala sa mga lalaki!
.
"Let's go, Pinkie! I will r****d you tomorrow," inis na tugon ko.
.
Mas uminggay ang lahat at nakabibingi ang tili ng mga babae dito. Hanggang sa naramdaman kong may humawak ng baywang ko.
.
"Did you say you want a kiss because it was just for a bet?" bulong niya.
.
Ang nakakaakit na mga mata niya agad ang nagpatayo ng mga balahibo ko. Nagtagpo ang kilay niya at halata ang galit sa mga mata niya. Napalunok na ako at mas tinitigan siya.
.
He's got the most tantalizing deep brown eyes. His thick brow suits him. His pointy long nose, and his trimmed beard makes his face manly and matured. Kakaiba ang ka-gwapuhan niya kumpara sa mga lalaking kilala ko. Isama mo pa ang bango niya at pati na rin ang hininga.
.
Dang it! Ang rupok mo, Fia!
.
Inilapit na niya ang mukha sa akin. I feel tense straight away. Is this gonna happen here? Is he going to kiss me in front of everyone? Holy s**t! Pumukit na ako at inihanda ang sarili ko sa kanya. Nanghina lang kasi ang tuhod ko ngayon, at parang na hipnotismo na ako ng tudo.
.
"Sorry baby, but I don't kiss a mere cheap woman," bulong niya sa tainga ko, at mabilis na bumitaw.
.
I open my eyes and his forehead creased. He gave me a frosty look and smile, but the smile on his face quickly turns to a sneer.
Pinagtatawanan lang ako ng pesting tigre na 'to!
.
Umisang hakbang na ako at umatras na siyang umiling iling pa. Napahawak naman si Ceilo sa kamay ko ngayon. Ramdam niya siguro na sasabunutan ko na talaga si Marco.
.
Yes, I was about to grab him but Ceilo caught my hand in action. Kilala niya talaga ako.
.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, dahil panay ang inggay at tili ng mga babae dito. Hanggang sa makalabas na siya, kasama ang isang babae at ang dalawang bodyguards pa. Hindi ko na napigilan ang sarili sa sobrang inis kaya napasigaw na ako.
.
"Ang pangit mong tigre ka!" pasigaw ko.
.
Pero walang silbe na ito dahil hindi na niya narinig pa. Napatingin na ako sa likod ko ngayon, at panay lang din ang titig nila sa akin. Hinila ko na si Pinkie at pa ekis-ekis naman si Ceilo na natatawa pa.
.
"Ano ba!" inis na tugon ko sa kanya.
"Type mo ba?" ngiti ni Ceilo at pumasok na siya sa kotse ko.
Ipinasok ko na rin si Pinkie sa likod. Great! Ako ang driver ng mga bruhang 'to!
"Sa susunod na maglasing kayong dalawa, tawagan n'yo ang mga boyfriend n'yo! Ano pa bang silbe nila?" Inis ko, sabay andar ng kotse.
"Type mo nga si Marco!" mas malakas na tawa ni Ceilo.
.
Tinitignan ko na siya at inirapan pa. Bago pinaandar ang sasakyan, ay tinitigan ko muna ang sariling mukha sa rear view mirror.
.
Hmp, ang baliw lang din, Fia!
It's okay if he doesn't like me. Not everyone has a good taste. Ang pangit nga naman ng taste niya, dahil sa hitsura ng babae kanina!
.
.
C.M. LOUDEN, Vbomshell