Next Time . . Lumabas na muna ako ng banyo at pinaandar ang musika sa stereo. Iniwan kong nakabukas ang sliding door ng balkonahe, para makapasok ang preskong hangin para sa mga halaman ko sa loob. I went back to my room and to my bathroom. With my naked body I soaked in the bathtub. . Hindi ko na alam kung anong oras na. Nakatulog 'ata ako habang babad ang hubad na katawan ko sa bathtub na ito. Kung hindi lang din sa inggay ng cellphone ko ay hindi ko magigising dito. Mahina ko itong inabot sa gilid habang nakapikit ang mga mata pa. . I have ten messages and eight miscalls. Napakunot-noo ako dahil numero lang naman ito at wala ito sa registry ng phonebook ko. Umayos akong naupo sa lalim ng tubig at pinunasan ang kamay ko ng hand towel, tsaka binasa ang mensahi. . [Your mu