Stare . . Naiwan naman kaming dalawa ni Marco ngayon sa mesa. Tumikhim na ako, dahil nakakabingi ang katahimikan naming dalawa. Hindi pa rin siya nagsalita, kaya ako na ang nauna. . "You've got a beautiful condo. Ang ganda ng mga paintings mo." . Ngumiti na ako habang pinagmamasdan siya. Pero ganun padin, ayaw niya pa rin magsalita, dahil tango lang din ang binigay na sagot sa akin. Tinitigan ko na siya ng husto. I find him so mysterious in many ways. Tahimik, pero masalita pag galit. Nag-angat agad siya nang tingin sa akin at nagtitigan kaming dalawa. . I feel the tense straight away. We stared and we never talk. His eyes blinked few times every now and then, at ganoon din ako. Mas napalunok na ako ngayon. Ano 'to magtitigan na lang ba tayo, Marco? At talagang hinahamon mo ako?