Kabanata 5. Hello

2270 Words
"You had me at hello."  . Hello  .  . Panay na ang linis ko sa condo. Emily is not coming here today because she attend a seminar. Ewan ko kung anong seminar iyon, negosyo raw. E, ang daming pyramiding business investment na ngayon, at parang ganoon ang sinalihan niya. Hindi ko lang alam kung legal ba talaga.  . Napansin ko rin ang inggay sa kabilang unit. Emily was right, I'm gonna have a new neighbour soon. Hindi na ako pwedeng magsabit ng mga damit ko sa balkonahe, dahil makikita na ito. Kaya gagamitin ko na ang dryer ko. Or else, I can hang them inside the bathroom area.  . May iilang halaman lang ako sa balkonahe at diniligan ko na. Napatingin pa ako sa kabila, at parang naging giraffe pa tuloy ang leeg ko dito. I can hear a woman's voice giving instructions to the workers inside. . OMG! Babae ba ang magiging kapit-bahay ko? Ang saya-saya nito! Nakaka-excite! Gusto ko pa naman ng babaeng kapit-bahay talaga.  . Tumikhim na ako at lumapit sa gilid, para mas malapit ako sa kabilang balkonahe. Napatingin pa ako sa baba, at ang taas nga naman ng gusali ito. It's okay, I'm not scared of heights anyway. Nasanay na ako sa ganito, dahil na rin sa propesyon ko. Lalong lalo na pag nasa-site visit ako sa mga iilan kong building interior na desenyo.  . I wonder who is her Architect inside? Kilala ko kasi ang halos sikat na mga Architecture Engineer sa syudad na ito. Tumaas na tuloy ang leeg ko masyado sa kakatitig sa pinto ng balkonahe niya. Pero wala naman ni isa na lumabas mula rito, kaya pumasok na ako sa loob. Kinuha ko lang ang vegetable salad na ginawa ko, at kinain ito sa labas ng balkonahe mismo. . Papansin ka talaga, Fia ano? Isip ko.  . Oo, nagpapapansin ako sa sino man ang bagong kapit-bahay ko ngayon. Hanggang sa may lumabas na rito. From the sideview of her face I knew her straight away. Si Thea Alcantara-Moreno, isa sa pinakasikat at kilala sa syudad na Architecto. She's my Senior, and one time our mentor. I don't know if she knew me, but I doubt it. Hindi niya ako kilala, alam ko.  . "Hi!" Sabay kaway ng kanang kamay ko. . Para tuloy akong batang excited na magkaroon ng kalaro. Ngumiti rin agad siya sa akin at kumaway nadin. . "I'm Fia Sarmiento, kapit-bahay mo. Nice meeting you!" Sabay nguya.  . Ngumiti na siya at napansin ko rin ang pagtitig niya sa akin na mula ulo hanggang paa. Napatingin na tuloy ako sa sarili ko. Nakalimutan ko 'atang mag suot ng bra. Masyado 'atang halata ng hinaharap ko, dahil manipis lang ang suot kong puting damit at maikli pa ang short ko ngayon.  . Well, its okay! Babae naman siya, kaya okay lang. Mas ngumiti na ako habang kinakin ang vegetable salad ko.  . "Ako nga pala si Thea-" "Thea Alcantara-Moreno! I know. Kilala na kita," putol ko sa pagsasalita niya, at mas natawa lang din siya. "Naging mentor ka namin noon." "Talaga? Are you an Architect too?" malawak na ngiti niya at mas lumapit na siya sa banda ko. "Oo!" Sabay tango ko. "Aw, that's great! Magkakasundo tayo," ngiti niya.  . Sabi ko na nga ba! Magkakasundo talaga kaming dalawa! She was about to say more but her phone rang and she answered it straight away. Sumenyas lang din siya sa akin at tumango na ako. Tumalikod siya at tinitigan ko pa talaga ang likod niya. Hindi naman ako nakikinig sa pinag uusapan nila ng kausap niya, dahil hindi ko naman naririnig ito. Hanggang sa humarap na siyang muli sa akin at kumaway na. Tinakpan niya muna ang cellphone bago nagsalita. . "I have to go, Fia! It's wonderful to meet you. Let's catch-up next time." Kaway niya.  . I nodded and gave her my smile. Napatingin na ako sa sarili at pumasok nadin sa loob. I think I have to start wearing my bra before going out in the balcony. Nakakahiya rin naman sa kanya, pero babae nga naman siya! At may sarili din naman siyang hinaharap na katulad ko 'di ba? So, what's the big deal, Fia?  . I shrugged my shoulders and got ready for my shower. I've managed to finished everything and I feel so productive today. Aside from that, I have a new neighbour too. Ang saya lang din ng ganito, dahil babae ang bagong kapit-bahay ko.  .  . MY Sunday morning came. There wasn't a noise happening next door. Linggo nga naman at walang trabaho kaya pupunta akong sports centre field. I always go there once a week every weekend. It's either Saturday or Sunday. I'm a VIP member and most of the staff around the area knows me.  . I park my car on my designated spot. Pahirapan ng parking space rito, pero nagbabayad ako para sa parking lot ang sasakyan ko. Wearing my sport attire, white short and white top. Nakaputi ako lahat ngayon at pati na ang sapatos ko. Nakangiti pang bumati sa akin si Almia, isa sa mga staff dito.  . This place is private. Only members can get in and you can be their VIP's too. Well, you just need to pay a membership fee for a year. A VIP member can use everything around here, and their track field is huge too. Pwede kang mag ikot at tumakbo sa kaya mo.  . "Good morning, Ms. Fia!" si Armando. Isa sa mga gym fitness instructor dito. "Morning!" Kaway ko. "Are you going out in track field?"  . Lumapit na siya at napaku ang tingin ko sa braso niya. Its pumping as his muscles are so hard and evident. Gym fitness instructor nga naman siya. Ganito naman kasi halos lahat sila, at ang mga babaeng nagpapa-enrol ay nagpapacute lang din dahil sa katawan nila. . "Oo, gusto ko lang tumakbo. Ang dami ko kasing kinain na matataba!" malakas na tawa ko.  . Natawa na siyang namaywang pa. Tumingin ako sa oras at lagpas alas sais na. Magiging late na naman ang takbo ko nito, kaya umatras na ako para umiwas na kanya, dahil kung hindi ay panay lang ang chismisan naming dalawa. Ganito kasi siya makipagkwentuhan sa akin, na parang wala ng bukas talaga. . "I have to run, Armando," ngiti ko. "Okay, I'll catch up with you later."  . Tumalikod na ako at iniwan na siya. Mauubos lang ang buong oras ko sa kanya, dahil hindi niya ako titigilan talaga. Nilangap ko agad ang preskong amoy ng hangin ng makalabas ako. Straight away I stretched my arms in the air and put my hands in my hips. May iilan na tumatakbo dito. Naglakad na muna ako at pinaikot-ikot ang mga kamay sa ere, hanggang sa tumakbo na ako.  . I did a few laps before I stopped for a break. I'm catching my breath in my lungs while walking on a slow mode. Napansin ko rin ang dalawang lalaki na kanina pa panay titig sa akin. Every time I walked past them, they have the widest smile on their faces. Kaya ngumiti na rin ako sa kanila. Hindi naman ako ang tipong snob talaga.  . I walk more. Lakad na lang dahil pagod na ang katawa ko, hanggang sa napansin ko na may kasabay na ako ngayon.  . "Fia, how are you?" Bahagya akong nahinto nang lakad at nilingon siya, si Conrad. He's smiling widely at me. "Was that you before? Oh my god, I'm sorry. Hindi kasi kita namukhaan kanina, ikaw pala!" Tawa ko.  . Ang baliw ko talaga. Si Condrad naman pala ang lalaki kanina na panay titig sa akin. Anong klaseng mga mata ba 'tong mata ko? Paningin lang 'ata ang meron ako at hindi tumatak sa utak ko kung sino siya. Conrad Turner-Mondragon, sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya.  . "That's okay. Ganyan ka naman talaga. Ang mga mata mo lang ang nakakakita pero hindi inirerehistro ng utak mo kung sino akong talaga," bahagyang tawa niya. "Sorry. I haven't seen you for a while? Nag out of town ka ba?" Mahina lang ang lakad namin. Nakatakbo na naman ako, kaya okay na ako sa lakad na lang na ganito. "Yes, I visited the resort in Panglao. May proyekto kasi akong pinapagawa na bago." "Talaga? Nagpapayaman ka na talaga ng tudo ah. Oh I forgot, Mondragon ka pala!" ngiwi ko.  . Natawa na siya at umiling iling pa. I know him for years, dito lang din kami nagkakilala. Noon panay ang bisita ko rito dahil ito lang ang tanging outlet ko sa buhay. Kailangan ko naman ito dahil sa uri ng trabaho ko. Nakakapagod at naakaka-stress kaya rito ko rin siya nakilala.  . "May boyfriend ka na ba?" direktang tugon niya. "Mondragon ka nga naman, ano? Huwag mo akong igaya sa mga babae mo!" "I know, I'm not saying I'm gonna court you, but hey, look?" Sabay nguso niya at tinuro ang mga lalaki sa gilid na nakaupong nakatingin sa amin ngayon. "Yeah? Why?" Hindi ko tuloy makuha ang gusto niyang ipahiwatig. "I can say you don't have a boyfriend. Hindi ka rin papayagan ng boyfriend mo na tumakbo na ganyan ka sexy," sabay tingin niya sa legs ko. Umiling iling na ako. Baliw talaga 'tong mga lalaking 'to! "Hindi mo lang napapansin, pero lahat ng mga lalaki rito kanina pa nakatingin sa'yo. And that includes me," ngisi niya. "Ang manyak mo!" Irap ko at natawa na siya. "Hoy Conrad may kakilala ka bang Marco?" Pamaywang ko at humarap na ako sa kanya mismo.  . Naalala ko lang kasi ang lalaking iyon. That damn Marco Walter Mondragon! Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan ng pesti na iyon ano!  . He smirked when he saw the expression of my face. He even shook his head and looked at someone behind me. . "Yes of course. Hi bro! Marco." . Tinaas niya ang kamay sa ere at ngumiti sa sino man ang nasa likod ko. Namilog na ang mga mata ko. No way! Holy s**t! Pinsan nga niya ang tigreng ito. I don't know if I should turn around to see him because Conrad walked past me already. . "Are you done running?" baritonong tugon niya. "Oo, but I have someone here. Let me introduce you to the girl that I really like," si Conrad sa kanya. "Fia..."  . I froze at this moment. Hindi ko alam kong igagalaw ko ba ang katawan ko para humarap sa kanila o magkukunwari akong wala akong narinig mula sa kanya. I looked down below and my eyes darted on my running shoes. Lumuwag ang sintas nito at kailangan ko itong italing muli. Kaya napaupo na ako at tinali muna ito. . "Go-on, Marco. I will catch up with you next time," mabilisang tali ko nito.  . Kinabahan na akong masyado. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya ngayon. At ayaw kong masira ang buong araw ng Linggo ko ng dahil lang sa pesting Marco na 'to. But it's too late because both of them are standing right in front of me. Conrad even bend down and helped me fix my shoelace. . "Palaging ganito na lang ba ang papel ko, Fia. Sagutin mo na ako," pabirong tugon niya.  . Napangiwi pa akong tinitigan siya, at halatang pigil hininga niyang tawa ngayon. Ang baliw niya talaga! Anong ka-dramahan na naman ito, Conrad? Ang sarap sabunutan talaga!  . Parang nahinto ang mundo ko nang sabay kaming tumayo ni Conrad at napatitig ako sa kanya. Nakangiti siyang nakatitig sa akin pero nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. I know what is he thinking right now? Okay, he probably notice me now... His face suddenly turns sour towards me. . "Marco, this is Fia, and Fia my darling, this is my cousin, Marco Walter Mondragon," pagpapakilala ni Conrad sa aming dalawa.  . Bumuntong hininga na ako at tumango na lang din. Ano pa nga bang magagawa ko ngayon? Wala na 'di ba!  . His hands are still on his hips and he just look at me from head to toe. At talagang inulit pa niya ako nang tingin talaga. Hanggang sa napako ang mga mata niya sa dibdib ko. Kaya napatingin nadin ako rito.  . Damn it! Ganito ba kalaki ang hinaharap ko para lahat ng mga mata nila dito napapako? FIY ang liit nga ng dibdib ko ano! Dios ko!  . "Hi," He moves his head on the side. He never even offer his hand for a hand shake. . Ang snob nga! Hard to get! Pesti! Napuno na tuloy ng mura ang isip ko habang pinagmamasdan siya. He's not friendly towards me, not at all... . "Hello!" Kibit balikat ko at pinaikot ko lang din ang mga mata ko. . I look at Conrad and he's looking at the two us. He smirked in a funny way because of our reaction to each other. . "Do you know each other?" "NO!!" At talagang nagsabay pa kaming dalawa sa pagsagot. Mas natawa na si Condrad ngayon. "Well, that explains why," pamaywang ulit niya. "I have to go, Conrad. See you soon!"  . Umiwas na agad ako at hindi ko na tiningnan si Marco. Kumukulo pa ang dugo ko sa kanya sa inis talaga! I don't know what it is on him, but I feel so defeated every time he laid his eyes on me. I wish not to see him again, because I don't want to see him anymore! And why is he here?  . Goodness me, don't tell me he's one of the member here too? Ano ba 'yan! Ang sarap manakal ng tao! Pesti talaga!  . . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD