Chapter 13: Stupid 2.0 "A-are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Sir D matapos niya akong ibangun mula sa sahig. "Walanjo ka naman, Sir! Ikaw kaya ang bumagsak at nasapol sa puwet! Mukha ba akong alright ha? Mukha ba?" Malakas na bulyaw ko kay Sir D habang tinitingnan siya ng masama. Napalunok naman ito at mukha siyang... ...takot? Eh? Si Sir D takot sa'kin? Hihihi. Minsan lang 'to ha. Kaya dapat samantalahin mo na, Nisyel. Siguro kabilugan ng buwan mamayang gabi kaya nagkakaganito ang mabangis na dragon. "S-sorry. I was too late to catch you," nauutal na untag nito. Hihihi. Ang sarap panoorin ni Sir. Pero ano daw? Sorry? Ngumisi ako sa isip ko. First time 'to! Nagso-sorry ang masungit kong boss! "Sorry? Pagkatapos mo akong pinabayaang bumagsak at dinaganan yun lang ang sasa