Chapter 17: Real "Aaahhh!" Napakapit ako nang mahigpit sa headrest nang bigla itong nagpreno ng sasakyan. "Walang hiya ka talagang dragon ka! Kanina ka pa, ah! Namumuro ka na talaga! Argh!" Malakas na singhal ko sa kanya. "Finally you've spoken up. Tss," walang emosyong saad nito kaya tiningnan ko siya ng masama. Dumikit tuloy sa ibabang labi ko ang sticky note ng bigla nalang akong nagsalita. "Ang hilig-hilig mong manggulat! Paano na lang 'pag inatake ako sa puso at maagang mamatay, ha? Argh! Isasama talaga kita sa libingan ko! Nakakainis ka!" nanlilisik na bulyaw ko sa kanya pero hindi man lang ito natinag. "Do you think I will let that happen? Tss. Stupid." "Kita mo na! Ako pa ngayon ang stupid! Ikaw nga itong nang-away kay Gold na walang dahilan, eh. Stupido ka talaga kahit kail