Chapter 16: His Family "Waah! Kuya! Ang ganda-ganda ng girlfriend mo!" Nabigla kaming lahat nang dali-daling inilapag ng babaeng maganda ang mga prutas na bitbit niya at mabilis akong dinampa ng yakap kaya napabitaw si Dee sa aking kamay. "Dang it, Gold! Get off her!" bulyaw ni Dee sa babae at pilit nitong tinatanggal ang pagkayakap sa'kin. "Ang damot mo naman, kuya! Ngayon nga lang ako nakakita ng human doll, eh! Payakap lang naman. Hindi ko naman siya aagawin sa'yo! Hmp!" nakangusong untag nito at tila iiyak. Pero ano raw? Human doll? Ako? Human doll? Kelan pa naging doll ang dyosang tulad ko? "Eh, hehe... Hindi ako laruan ,ah. Dyosa ako. Dyosa ng mga endangered species," untag ko na ikinatigil nito. Narinig ko naman ang pagtawa ng tatlo maliban kay Dee. Nag-angat ito ng tingin