(*Alexie Balbuena*)
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya mula sa paglulunoy sa swimming pool sa mansion ng mga Mondragon.
Nagyaya kase si Markey at Sheilo sa kanilang Mansion para doon magtambay Linggo ng hapon.
Markey, Rebecca and Sheilo still enjoying the water habang kami ni Roger ay una nang umahon at nakaupo sa round table na malapit lang sa pool at nag uumpisa ng kumain ng sandwiches.
Nagkatinginan pa kami ni Roger at nagngisihan ng makita namin kung pano nakawan ng halik ni Markey si Rebbeca.
Buti nalang at abala si Sheilo sa pag ahon kaya di n'ya yon nakita. Hindi pa kase alam ni Sheilo ang tungkol kay Markey at Rebecca tulad ng iba ang akala nito'y ako rin ang gusto ni Markey.
Ilang sandali pa'y nasa table na kaming lahat at magkakasalo sa lamesa. Masarap ang pagkakagawa ng mga sandwiches at napaka refreshing naman ang hinanda nilang napakalamig na orange juice.
Masaya kaming magkakasalo nang sabay sabay kaming napatingin sa mga boses na masayang nag uusap at nagtawanan papunta samin.
It was Matthew at may kasama itong bagong babae. They are walking towards us habang masayang naguusap.
Yon ko lamang unang nakita ang babaeng yon. She must be a new b***h of Matthew i guess. Maganda ang babae, morena at matangkad napaka sexy rin ito sa suot nitong hapit na bestida.
At tulad ng mga ibang babaeng nakikita kona kasama ni Matthew e, malaki rin ang dibdib nito. Umiwas ako ng tingin at napatingin kay Markey na halata naman ang pag aalala nito sa'kin.
Ngumiti ako rito ng tipid. Narinig ko pa ang paglalambing ng babae.
"Ikaw talaga sweety ko napaka maloko mo" ang malanding boses pa nito.Natahimik kaming lahat.
Akala ko nga namanhid na ako, dapat sanay nako sa mga ganitong tagpo.
Pero kaya pa palang makaramdam ng kirot ang puso ko. Kailan ko kaya makikitang masaya naman si Matthew na ang dahilan ay ako?
Yong ganon tawa niya at malambing na boses niya? Kailan ko kaya siya makikitang masaya nang dahil sakin, at kailan ko kaya makikita siyang naglalambing na ako yong nilalambing niya?
Ano kayang pakiramdam non? Ang sarap siguro niyang maglambing.. yong tipong yakap yakap niya ako habang binubulong kung gaano ako nito kamahal..
Lalong kumirot ang puso ko isiping yon. Mukhang malabo naman mangyari yon.
Ang alam lang atang gawin ni Matthew ay insultuhin at asarin ako. Kung kundi man e tila umaakto itong iwasan ako na para bang may nakakahawa akong sakit.
I bit my lower lip parang gusto kong maiyak pero hindi pwedi akong umiyak sa harap nila.
"Hi, kuya" Ang masayang bati ni Sheilo na bumasag sa pananahimik namin ..
"Hey andito pala kayo. Anyways, this is Marie my girlfriend and Marie these are my siblings Sheilo and Markey and their friends" Ang masayang pagpapakilala nito.
Iba talaga ang mahal kong Matthew kailan lang noong pinakilala niya si Karla ngayon iba nanaman.
"Wow, maganda ata talaga ang lahi nyo ah ang ganda ng kapatid mo at super gwapo rin nitong kapatid mong si Markey . Pero mas nahahawig nitong si Markey si Marvin"
Ang malandi parin sabi nito habang naka angkla ang mga kamay sa isang braso ni Matthew. Simpling hi lang ang naging tugon ni Markey.
Nagpakilala rin si Rebecca at Roger. At ako namay napilang magpakilala na rin. Pero nagulat ako ng biglang ipakilala ako ni Markey bilang girlfriend nya.
Actually, nagulat kaming lahat lalo na ako. Pero nagawa kong sakyan ang trip nya dahil alam kong gusto lamang ako nitong iligtas sa paningin ng kuya nito.
Ayaw ni Markey na magmukha akong kawawa.
"Kailan pa kuya Markey? Kayo ha hindi kayo nagsasabi ha kaya pala noong isang araw lumabas kayo ayaw nyo akong isama."
Nanghahabang ngusong sabi ni Sheilo.
"Of course special date namin yon, first date namin bilang magkasintahan tapos sasama ka pa? Istorbo kalang no!" Ani Markey na kunwari ay totoong totoo sa mga sinasabi nito.
Eh kung tutuusin lumabas nga kami noong nakaraang araw ngunit kasama namin si Rebecca at Roger.
At humiwalay kami ni Roger at nag solo date naman si Becca at Markey dahil anniversary ng mga ito.
Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang ngisihan ni Roger at Rebbeca.
"Baby, pwedi ba date tayo ulit sa susunod na Linggo punta tayo sa amusement park this time."
Pinatakan pa ako nito ng halik sa noo. Napatango nalang ako at napakibit balikat. I don't like the idea na kailangan umabot kami sa pagpapanggap bilang magkasintahan pero di ko magawang umangal.
Lalo na nang mapansin ko ang tila pag tiim bagang ni Matthew at ang tila tagos kaluluwa na titig nito.
I know he's mad but i'm enjoying it since may kasama nanaman siyang malandi.
Nakita ko naman ang tila amused na mukha ng babaeng nagpakilala bilang Marie.
"Wow ha masasabi kong ang swerte mong babae dahil napaka gwapo at mukhang mabait itong si Markey, but I think maswerte rin si Markey sayo. Napakaganda mong bata. And you look very familiar pero di ko matandaan kung saan kita nakita."
Ang sabi pa ng babae na tila hinahagilap sa isip nito kung saan ba talaga nya ako nakita. Maagap naman ang pagsagot ni Markey.
" Baka nakita mo na siya sa commercials or malaki nyang billboard sa Edsa at makati? My girlfriend is getting so famous in modeling industry." Ang pagmamalaki pa niyang sabi.
"Oh yeah! That's it! Sabi ko na nga ba nakita na kita. Ikaw nga yon. I like your styles and you kneeled all your pose girl."
Palatak nito at punong puno ng paghanga ang mga mata nito sa'kin.
"May ilang international offer na rin siya but she refused it " ang dagdag ni Roger.
"Bakit naman, oh my! thats one of my dreams pero hindi ako sino swerte sa modeling" she's still looking at me very amused.
"Ilang taon nako nag ta try pero di man lang ako nabibigyan ng break para makilala." Pagpapatuloy nito na medyo nalungkot ang mukha sa sinabi.
"Actually, pinag iisipan ko pa. Nag aaral pa ako at ok naman ang modeling career ko dito sa pilipinas. Gusto kase ng company na yon na sa America or Europe ako manirahan at mag Aral kung sakaling tanggapin ko yong offer. At hindi pa ako handa sa ganon. Maraming mga bagay na mahirap iwanan isa pa bata pako."
Ang mahabang pagpapaliwanag ko kay Marie. Napa wow nalang siya sa sinabi ko. Ewan ko pero dumako ang aking tingin kay Matthew na tahimik lamang na nakikinig.
I saw his soft gaze on me. Pero nawala rin yon agad. Umiwas ito ng tingin at bumaling kay Marie.
"Hey sweetheart tara na sa taas gusto na kitang masolo." Ani Matthew at pinalambing pa nito ang boses habang walang pakundangan nitong pinupogpog ng halik sa leeg si Marie.
Napaiwas ako tingin at napatungga ng juice mula sa aking baso. Ramdam ko kase ang panunuyo bigla ng lalamunan ko at hirap akong lumunok.
"Baby naman baso ko yan, inubos mo yong juice ko." Angal ni Markey." Nabigla din ako sa sinabi ni Markey.
" Baso mo ba to? Sorry akala ko akin eeh"
"Ok lang yan baby, indirect kiss na tayo sa susunod totoong kiss na talaga" Malambing na sabi nito at kinindatan pa ako.
Napaubo naman si Roger habang nakabungisngis naman si Rebbeca samantalang napangiwi naman si Sheilo.
Malanding tumawa si Marie habang nakatingin samin.
"Ang sweet nyo ha wow bagay na bagay kayo talaga. Halika ka na nga my lover boy para makarami tayo. Naiinggit ako dito sa young lovers na to e"
humagikhik pa Ito habang pinulupot ang dalawang braso sa leeg ni Matthew na matamang nakatingin sakin. Nagawa ko pa siyang irapan. Nakakabwesit talaga ang lalaking to!
Madilim na madilim ang mukha parin siyang nakatingin sakin. Napangiwi ako nang hinila na nito papasok sa loob ng mansion si Marie na naririnig pa namin ang kanyang hagikhik.
Bumigat ang puso ko sa isipin kung ano ang gagawin nang dalawa sa loob ng kwarto ni Matthew.
Kahit pa may idea na naman ako kung ano talaga ang mangyayari sa dalawa.
Kukuha pa ko ng juice sa kusina ani Sheilo at binitbit na ang pitcher na wala ng laman.
"Sorry hindi ko alam na baso mo pala ang nadampot ko. I was confused." Natawa si Markey.
"No, baso mo naman talaga yon sinabi ko lang na sa'kin to saved your ass in jealousy." Nakangisi nitong sabi.
"Gago ka talaga, nahihiya tuloy ako dito kay Becca." Kako na pahagya pang humaba ang aking nguso.
Natawa naman si Rebecca at parang alam nito ang ginawa ni Markey.
" You don't have to worry mooi, Alam kong kapatid lang ang turingan nyo ni mylabs. At alam kong baso mo talaga yon. You just confused because you were busy lookin and thinking of them with jealousy." Nakangising paliwanag nito.
" But you know what mooi? Sa nakita kong reactions ni Matthew habang nakatingin sa inyo ni Markey, parang selos na selos din siya. Ewan ko ha pero I sense something while he's looking to both of you. i liked it anyway." Ani Roger habang panay nguya sa sandwish nito.
Selos? sana nga! how i wish na ganon talaga ang nararamdaman niya. O, baka galit talaga siya kase nasaling ang ego.
Baka akala talaga niya e, pagkatapos ko siyang pagnasahan at pagkatapos niya akong tanggihan e sa kapatid naman ako bumaling... Naalala ko pa ang pang iinsulto niya sakin noong nakaraan..