chapter 6

2169 Words
(*Alexie Balbuena*) Nakarinig ako ng mahihinang katok sa aking pintuan, mayamaya pa'y bumukas iyon " Seniorita inaantay na po kayo sa baba ng lolo at daddy nyo" ang magalang na sabi sakin ng isa sa aming kasambahay.  Ngumiti ako, "Ok lang ba tong ayos ko , maganda na ba ako?" Ang kabado at nahihiya kong tanong.  Ngumiti naman siya ng maluwag sakin  "Nako seniorita kahit naman po anong ayos nyo at suot maganda parin po kayo, pero ngayon araw super ganda nyo po" ang sabi nito sakin ng buong sigla at kumindat pa sa'kin.  Napangiti na rin ako ng matamis at isang beses pang sinulyapan ang aking sarili sa salamin at saka lumabas na ng aking kwarto. We are just invited for a dinner by a Family Mondragon.  At ngayon ding araw dumating ni Matthew actually, kagabi  pa sya dumating. I'm quite excited to see him kahit pa hindi naging maganda ang huli naming paghihiwalay two years ago.  Masaya pa nga ako nuong una kase nakatanggap pa ako ng gift mula kanya noong 16th birthday ko. After that, wala na akong natanggap kahit nga konting balita about sa kanya kung anong pinagkaka abalahan nya in the past two years.  Kahit pa malapit kong kaibigan ang dalawang nakababata nitong kapatid. Iniwasan kong magtanong isa pa, hindi rin sila nagkwekwento sakin about sa kanya.    Ang alam ko lang nag aaral sya about sa negosyo. Marami ng nagbago kung tutuusin, siguro kung meron mang hindi nagbago sa nakaraang dalawang taon ,e yon ay ang nararamdaman ko para sa kanya.  Yong epekto nya sa akin kahit marinig ko pa nga lang ang pangalan nya. Yong kaba at excitement na nararamdam ko kahit marinig ko lang ang pangalan nya.  Agad kaming pinagbuksan  ng pintuan ng kanilang  katulong at masayang sumalubong samin si Tito Marcuz at Markey. Si Markey ang pangatlo sa mga kapatid ni Matthew at naging malapit kona ring kaibigan. Bali apat silang magkakapatid at si Matthew ang panganay... Masayang nag batian ang mga ito at pagkatapos ay  pumasok na sa loob.  Akbay akbay pa ni   tito Marcuz si lolo habang masaya silang nag uusap kasabay din si daddy.  Binati rin ako ni Markey at sinabayan  papasok sa loob, deritso sa dining area.  Bahagya akong natigilan ng makita ko si Matthew na nakaupo na sa harap ng mesa katabi ang isang napakagandang babae at mukhang hindi nalalayo sa edad nito sa ka nya.  Wala na ata talaga sila ni ate Trisha. Ang pagkakaalam ko pagka alis ni Matthew umalis na rin si ate pabalik ng US akala ko nga susundan nya si Matthew sa England.  But look Matthew now, seems  very happy together with a new woman, sa sobrang ka sweetan nga nila parang di pa nila kami napansin na dumating.   Napangiti ako ng mapait at umiwas ng tingin mula sa paglalambingan ng dalawa. Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na kirot na yon. Pero sanay ka nanaman di ba? Expected mo na, di siya natitingga at laging maraming babae ang nakapaligid sa kanya. Pero ayan umasa ka parin! Ang galit na sabi ng   pakialamerang bahagi ng utak ko!   Agad tumayo si Marvin at Shielo para batiin kami. Pangalawa si Marvin sa magkakapatid, pangatlo si Markey at bunso naman si Shielo na isang taon lang ang tanda ko sa kanya at nag iisang babae.      " Hi Alexie masayang bati nito at nakipag beso beso sa akin   ganun din si Marvin. Kahit nga yong kasamang babae ni Matthew na nagpakilalang Karla ang pangalan ay masaya akong binati.  Nagpakilala rin ako dito at sinuklian ko naman ng simple pero genuine na hi at ngiti. Napag alaman kong kakauwi lang din nito mula sa England at sabay sila ni Matthew na umuwi.  Samantalang maski sulyap ay di ata ako tatapunan ni Matthew which is naiintindihan ko naman. Baka nga ayaw pa ako nitong makita tulad ng sabi nito dati.  Akala ko nga di na ako babatiin nito. Alanganin rin naman akong mauna kaya ng hinila ako ni Shielo paupo sa tabi nya'y sumunod nalang ako at umiwas ako ng tingin sa kanya.  Kung maari gusto kong kumilos ng normal. At iwasan nalang ang mapatingin sa gawi nila Matthew at ng babaeng kasama nito.  Kahit pa alam kong parang mahihirapan akong gawin yon. Nakaupo na ako ng maramdaman ko nalang na nasa gilid kona sya at walang emosyon akong beniso. Saglit na nagtama ang aming mga mata at alanganin akong ngumiti.  Ni wala itong reaksyon. Siguro napilitan akong batiin. Syempre nga naman mahahalata nila na may something wrong sa pagitan namin kung hindi man lang nya ako babatiin kahit pilit.   Napapagitnaan ako ni Markey at Shielo na masayang nagkwekwento about sa mga school activities ng mga nito.  Iisa lang ang university na aming pinapasukan kaya madalas kaming magkita kahit pa magkaiba kami ng kurso. Maya maya pa'y iniba nito ang paksa.  "Lumabas na yong pangalawang commercial mo sa tv. Ang ganda ganda mo talaga Alexie. Pag ikaw na nga yong nasa tv napap upo sa harap ng tv si kuya Markey kahit di naman mahilig manuod". Ang masayang kwento ni Shielo at tinapunan ng mapanuksong ngiti at tingin si Merkey.  "At mayroon syang picture mo sa phone nya katulad ng nasa billboard mo" Pahabol pa nito.  "Pwede ba bakit mo naman ako binubuking kay Alexie, Shielo."  Ang kunwari  nahihiyang sabi Markey.  Awtomatikong nag init ang aking mukha ngunit nangiti na rin ako habang nakatingin kay Markey na pakamot kamot sa batok.  "Nako kung balak mong manligaw kay Alexie dapat ngayon palang magpa alam kana kay Raul at Roberto" pasegunda ni tito Marcuz.  Alam kong biro lang lahat pero di ako komportable lalo na't medyo katapat ko lang sa harap ng mesa si Matthew.  Napasulyap ako sa kanya at nabanaag ko ang tila pag dilim ng mukha nito. Pero saglit lang at bumaling ito sa katabing babae at ngumiti ng ubod ng tamis.   "Alexie, kung ikaw ang magiging girl friend ni kuya Markey full support ako dyan" ang biro pa ni Shielo at kumindat sa'kin. Shiiit! Pakiwari ko'y isa isa nila akong ginigisa.  Lagot ka sa'kin Markey! sa loob loob ko.  "Ano ka ba Shielo, magtatapos muna kami ni Alexie, pero kung halimbawa pumayag si tito Raul at don Roberto pwede rin siguro mag umpisa na akong manligaw bukas na bukas din tutal isang taon nalang tapos graduate na'ko." Nagtawanan ang lahat kahit nga ako'y natawa at pasimpling binulungan ko si Markey. "E enjoy mo pa" ang pigil ngiti kong bulong. Nakuha nito ang ibig kong sabihin humarap sakin ito at buong tamis na ngumiti.  Palihim kong sinulyapan si Matthew, nakatingin ito ng masama samin ni Markey.  Napayuko ako at tinuon nalang ang pansin sa pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay nag punta sila sa sala para ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan.  Hinila naman ako ni Shielo papunta sa garden para makapag kwentuhan. May kalahating oras narin kaming nagkwekwentuhan ng dumating si Markey.  "Shielo pwede bang pumasok ka mona sa loob kakausapin ko lang ang future ate mo." Ang walang ano mang sabi  nito.  Tawang tawa naman si Shielo at nanunukso pa ito bago umalis. " Ayiiihh ! Sigi galingan mo kuya ha para naman magkatotoo yang pantansya mo." Ang sabi pa nito at kumaripas na papasok sa loob. Umupo si Markey sa aking tabi pang apatan ang kinauupuan namin banko pero mas pinili nitong dumakit sa'kin.  "Panay nakaw ng tingin mo kay kuya ah hwag kang mag alala one week lang itatagal nung babae single nanaman yon." ang bulong nito sakin kasunod ang mahina at nakakaloko nitong tawa binangga pa ng balikat nya ang balikat ko.  Napa busangot ako sa kanya.  "At ikaw, enjoy na enjoy ka naman na asarin ako! Patingin nga yang picture ko na sinasabi ni Shielo na nilagay mo sa phone mo?" Hinila ko pa ang tainga nito.  "Aw! Aaah! Baka matanggal tainga ko di na'ko magustuhan ni Rebecca nyan." ang reklamong sabi nito.  Habang hawak hawak ang tainga nitong nasaktan. Isang taon ng magkasintahan ang dalawa pero ayaw ipaalam ni Markey sa ama nito ang kanilang relasyon.  Medyo mapili kase si tito Marcuz lalo na pagdating sa mga babaeng nasasangkot sa anak nito.  Si Shielo nga ay bantay sarado ng bodyguards nito lalo na noong nalaman ni Tito na may nanliligaw dito sa university at nagkataon simple lamang ang pamumuhay ng lalake.  Nag iisa itong babae kaya marahil ganon nalang ito higpitan.  Kilala ni Shielo ang ama kaya siya na ang kusang umiwas sa lalake sa takot na manipulain ng ama nito ang unibersidad at tanggalin ang lalake sa scholarship.  Natatakot din si Markey na di magustuhan ng ama nito si Rebecca kaya napilitan itago ng dalawa ang kanilang relasyon. At bilang pag suporta sa dalawa kong kaibigan lalo na kay Rebecca e pumayag akong maging third wheel sa dalawa.  Akala ng buong pamilya na sakin ito may gusto kaya lagi kami magkasama ngunit ang totoo, silang dalawa ni Rebecca ay magkasintahan.  Alam din nito ang kabaliwan ko about sa brother niya. Ang di ko lamang sinabi dito eh yong muntikan ng may mangyari samin ni Matthew.  Nag init nanaman ang aking mukha at bumilis ang t***k ng aking puso sa pag balik tanaw sa ala alang iyon.  Ganito lagi ang aking nararamadam sa tuwing maaalala ang tagpong yon. Kasunod ng tila kakambal nitong kurot sa aking puso.  Nangako ito sakin na kapag nakatapos na siya sa pag aaral at kaya ng tumayo sa sariling mga paa e ipaglalaban nito si Rebecca.  Naiintindihan ko naman ang kanilang setwasyon. At may tiwala rin ako kay Markey. Nakita ko ang pagmamahal nito sa aking kaibigan.  Ganun din naman si Rebecca kay Markey, in short mahal talaga nila ang isa't isa.  Sa ngayon mahirap talagang kalabanin ang ama nito lalo na't di pa sya nakakatapos sa pag aaral, ganun din si Rebbeca.  Nasa pangalawang taon palang  si Rebecca sa kolehiyo samantalang huling taon na naman ni Markey sa kurso nitong Engineering. "Kung hindi ko lang talaga masyadong love si Becca nako mata lang walang latay sayo"  "E kaso masyado mong love ang mahal ko syempre love mo rin ako kaya thank you mooi" ang bulong nito dinikit pa ang balikat nito sa balikat ko.  " Aba at nakiki mooi mooi kana rin samin aah, samin lang tatlo yon dahil best friends kami noh!" Ang kunwari pairap kong sabi sa kanya.  "Bestfriends nyo narin naman ako noh" ang sabi nito at pinisil pa ang ilong ko. Napanguso ako pero napangiti narin kalaunan.  Bahagya kong inihilig ang ulo ko sa balikat nya. Sa totoo lang bestfriends narin ang turing ko dito. Nuon pa man malapit na silang dalawa ni Shielo sa'kin at lalo pang naging malapit si Markey noong manligaw ito kay Rebecca at naging sila.  Nasa ganon kaming posesyon habang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang tila dyamanteng bituin na nagsabog sa kalangitan.  At ang kahanga hangang ganda at liwanag ng buwan. Sabay kaming napalingon ng may tumikhim mula sa aming likuran.  "Mukhang totohanan na yan." boses ni kuya Marvin at may halong panunukso. Hindi namin namalayan ang paglapit nito.  Medyo napalayo ako kay Markey ng makita kong nasa likuran ni kuya Marvin si Matthew, kasama si Karla na nakakapit sa braso nito.  "Ano ka ba Marvin ok lang yan bagay naman sila." ang segunda ni Karla habang nakangiting nakatingin ito samin.  Mukha talaga itong mabait at napaka ganda rin nito at mukhang galing din sa may kayang pamilya. Nakita ko ang talim ng tingin samin ni Matthew.  Inatake ako ng kaba sa klase ng titig nito sa'kin. Yong titig na para bang gusto akong sakmalin.  Naramdaman ko ang bahagyang paghaplos ni Markey sa aking braso. Sending me a comfort.  "Kaya pala pamilyar ka sakin ikaw pala yong napakagandang babaeng naka paskil sa malalaking billboard. At yong napakagandang commercial mo sa flower field wow I really like it" Ang sabi pa ni Karla at tukoy nito sa isang brand ng mamahaling pabango.   Mababakas sa mukha nito ang puno ng panghanga sa akin.   "Thank you" ang matipid kong sabi at nahihiya akong ngumiti.  "Kaya nga proud na pround ako dito kay baby Alex, hayaan mo baby pagbubutihan ko pa ang pag aaral para naman maipagmalaki mo ko." Namula ako at di ako makatingin sa kanila lalo na nang mag umpisang tuksuhin kami ni kuya Marvin at Karla samantalang tahimik parin si Matthew at lalo pang dumilim ang mukha nya sa pakiwari ko.  "Hindi ko na talaga pakakawalan tong si baby Alex mahirap na baka mapunta lang siya sa mga babaero dyan sa tabi tabi" ang dagdag pa nito sa mga panunukso nila. Natawa naman ang dalawa.  Habang akoy pasimpling kinurot ko ito ng pino sa braso.  "Aw! argh!"  Bahagyang hiyaw nito. Napatigil sa pagtawa ang dalawa at napa tingin ulit samin.  "Malamok na ata dito ah, baby Alex pasok na tayo sa loob baka mapakasal nyan tayo ni daddy Raul ng wala sa oras." Ang sabi pa nito diniinan ang salitang "Dady."  Hinampas ko ng medyo malakas! Napahiyaw pa ito  at natatawang  hinila nako nito papasok sa loob. Dinig na dinig pa namin ang tawanan ni Kuya Marvin at Karla.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD