Umupo muna ako sa kama at nag-iisip kung saan ko makikita ang papel na pinirmahan ko raw, kuno. Naku! Makita ko lang talaga 'yun ay siguradong pagpupunitin ko iyon. Ano kaya kung sunugin ko na lang itong bahay ni Steven! At sure akong sunog din ang papel na 'yun. Shittyy! Ano bang pumapasok sa utak? Jusko! po! Sana ay gabayan ninyo ako sa pagtitigil ko sa bahay nito. Bigla akong napatingin sa pinto ng cr nang bumukas ito at lumabas ang lalaking bastos. Pansin kung papalapit ito sa'kin, kaya bigla akong tumayo sa kama upang umiwas dito, baka meron na namam itong maisip na kalokohan sa utak nito. "Misis! Bakit ka umiiwas? Na paghahalata ka tuloy," wika nitong mapang-asar. "Hmmm! Huwag mo akong kausapin, Mr. Clark, baka magdilim ang paningin ko ay kung ano'ng magawa ko sa 'yo," pahayag ko