Dalawang araw na walang ng gugulo sa akin. Ang tanging dasal ko lang ay mag tuloy-tuloy na ang pananahimik ng buhay ko. Nakakainip din dito sa bahay, nagtataka tuloy ako sa sarili ko. Dati naman kahit halos maghapon akong nakakulong dito sa kwarto ko hindi ako na iinip. Ano kayang nangyayari sa akin? Gusto kong maglakad-lakad sa labas na iinip talaga ako. Hindi na ako nagpalit ng damit? Dahil sa labas lang naman ako. Wala kasi si Jenny, kaya wala akong makausap. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang marinig kong may mga dumating na mga sasakyan. Pasimple akong sumilip sa bintana at lumaki ang mata ko nang makita ko si Steveng bastos kasama rin ang boss ni Jenny. Mabilis akong tumakbo patungo sa kusina. Dito ako dadaan upang hindi makita ng bastos na si Steven, umikot ako sa likod bahay at