UNDERWEAR 6

1806 Words
"Ooohh~ Ada, anong nangyari sayo? Para kang namaligno." tanong ni Jenny. "Hindi lang kasi ako makapanila na magnanakaw na pala ako ng brief. Diyos ko po nababaliw na siguro ako. Kailangan ko na sigurong pumunta sa albularyo. Hindi ko na alam kong ano ang nangyayari sa akin. Puwede bang hanapan mo ako ng magaling na albularyo," baliw na wika ko. "Tumigil ka nga Ada. Nagugutom ka lang. Kung ako sayo kumain ka muna bago matulog. Saka aling brief ang ninakaw mo?" tanong nito. "Alam mo ba kung ano ang ipinunta ng pesteng NBI na 'yon at kung bakit ako hinahanap" dahil nagreklamo raw kuno ang mall na pinuntahan ko kanina at nagnakaw daw ako ng brief, jusko pag hindi kanaman mabaliw sa mga tao ngayon. "Kala ko ba ang brief na hawak mo kanina ay ibinigay ng isang baliw? tanong nito. "Oo bigay nga. "Ehhh~ sa malay ko bang nakaw din pala iyon. Ano bang mayroon, ilang araw ko nang napapansin minamalas ako. Nagsimula ang kamalasan ko noong na holdap ang panty ko. At heto na nga nagsunod-sunod na nga ang kamalasan ko." "Magsuot ka ng butas na panty Ada. Iwan ko lang kung mahoholdap ka pa," usal nito. "Huwag na kaya akong magpanty? Ano sa tingin mo?" baliw na tanong ko kay Jenny. "Ikaw? Tray mo kung kaya ng loob mo, why not, baka katawan mo na ang maholdap." Tumingin ako rito. "Nahawa ka na talaga ng boss mo," saad ko pa. "My gosh! Never akong mahahawa roon.Saka habang tumatagal nagiging demanding ang abnoy kong boss,'' pahayag nito. Tumingin ako rito. "Kaya nga habang tumatagal nagiging ganoon ka rin sa boss mo," wika kong nakangisi pa "Iwan ko sayo Ada!" Hiyaw nito." Nagdadabog na umalis si Jenny at pumanhik sa kanyang kwarto nito. Napapailing na lang ako sa inaakto ng kaibigan ko. Pumanhik din ako sa kwarto ko, upang magbihis. Maaga pa naman kaya gusto ko munang lumabas. Nagsuot na nga ako ng panton, mahirap na at baka makasalubong ko uli ang holdaper na mukhang panty. Naglakad na lang ako papunta sa Mall. Sa ibang Mall ako pumunta dahil hindi na ako papasok sa pesteng Mall na pinuntahan ko kanina. Malapit na ako sa mall ng makita ko si Mama at ang anak niya, masayang nag uusap ang mga ito, at parang bigla akong na inggit sa anak ni Mama. Simula pagkabata hindi ako minahal ng ina ko parang iba ang turing niya sa akin. Ang tingin nga niya sa akin ay salot o kaya ay malas. Biglang lumingon sagawi ko si Inay. Kaya nagkunwari akong hindi siya nakikita pero nakikita ko sa gilid nang aking mata na hinihintay ako. "Ooohh~ Ada. Mabuti at nakita kita rito. Sumunod ka sa akin at may sasabihin ako sayo," wika ni Mama. At wala man lang kalambing-lambing. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Nakahanap agad kami ng pwesto, walang imik na umupo ako. "Anak, umorder ka na ng iyong kakainin," wika ni mama sa mahal niyang anak. Hindi na ako umaasa na maaalala rin ako ni mama. "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa, Ada. Baka may pera ka riyan? Kaarawan kasi ng anak ko nextweek kulang ang pera ko. Siguro naman ay may pera ka?" tanong ni Mama. "Magkano po ba ang kailangan ninyo?" tanong ko. "Two hundred thousand ang kailangan ko, kasama na ang gown ng anak ko," wika nito. "Ma! Wala po akong two hundred thousand." "W-what? Wala ka talagang kwentang anak manang-mana ka sa ama mo. Dapat talaga hindi na lang kita binuhay noon. Hindi ka rin naman pala makakatulong sa akin. Ngayon ako nagsisi kung bakit isinilang pa kita!" tahasang wika n Mama. Kahit alam kong tutulo na ang luha ko.Pinigilan ko ito. Ayaw kong makita ni Mama na mahina ako at na sasaktan. Tumingin ako kay Mama. "Sorry po Mama! Hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. May pera naman akong nakatabi pero hindi kalakihan, Ma," paliwanag ko. "Huwag na, Ada! Kulang na kulang pa rin ang ibibigay mo. Hindi ka man lang makatulong sa magulang mo. Nakakahiya kang anak. Wala ka talagang kwenta. Matutuwa pa siguro ako kung oramismo ay mawala ka na sa paningin ko. Nagsisi talaga akong binuhay pa kita." Masakit ang mga binitiwang salita ni mama, pa rang pinipiga ang puso ko gusto kong umiyak. Pero ayaw kong ipakita rito na mahina at nasasaktan ako sa mga masaaakit na salitang binitiwan ng Mama ko. "Umalis ka na nga sa harap ko Ada! Nakikita ko lang sa 'yo ang ginawa sa akin ng ama mo. Sanay sumama ka na sakanya parihas kayong walang kwenta!" mariing wika nito. Tumayo ako pero hindi agad umalis. "Ma! Matutuwa ka na ba oras na mawala ako sa paningin mo?" tanong ko. "Yes! Matutuwa ako nang sobra, baka nga magdiwang pa ako nang isang buwan. Alam mo bang peste ka sa buhay ko" kayo ng ama mo." Hindi na ako nagpaalam kay Mama. Tumalikod at lumakad na lang ako paalis sa harap ng Ina ko. Dapat talaga hindi na lang ako pumunta dito sa mall nasaktan na naman ako. Patuloy lang akong naglalakad nang walang direksiyon. Dumaan ako sa isang tulay kaya sumulip ako, nakita kong may tubig sa ibaba. Naririnig ko rin na may bumubulong sa aking tumalon ako. Kaya sumilip uli ako sa tulay. Kung tatalon kaya ako rito mamatay kaya ako? Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko halos wala akong makitang tao sapaligid, maliban sa isang kotse na nakaparada sa 'di kalayuan. Kaya sumampa ako sa tulay, ito lang ang tanging paraan para matuwa si Mama sa akin. Mas maige pa ngang sumunod na ako kay Papa. "Tingnan ninyo yung babae tatalong ooohh~" Dinig kung wika ng mga tao. "Diyos ko po! Magpapakamatay iyong babae, pigilan ninyo!" Hiyaw ng mga taong nakakakita sa akin. "Hindi ninyo ako mapipigilan sa balak ko!" sigaw ko sa mga taong papalapit. Kaya hindi ako nag-isip at walang babalang tumalon sa ilog, tuloy-tuloy na bumagsak ang katawan ko sa tubig at bumulusok pailamin. Ibinuka ko ang bibig ko upang makapasapok ang tubig sa loob nang bibig ko at dumiretso sa loob ng baga ko, para matuluyan na akong matigok. Ramdam kong nauubosan na ako ng hininga nang may humila sa buhok ko upang madala sa ibabaw ng tubig. Shittttyy! Sinong siraulong humihila sa buhok ko.Nang madala ako sa ibabaw na tubig ay habol ang paghinga ko. Kahit papaano may nainom naman akong tubig. Malapit na sana akong matigok kaso may pumigil sa balak ko. Tumingin ako sa nagligtas sa akin. Naka suot na ito ng salamit at sumbrero at meron 'ding nakalagay na face mask sa bibig. Pero hindi ko malilimutan ang NBI ito. "Bakit mo ako iniligtas?" Halos maiyak na tanong ko, sobrang sama rin ng tingin ko rito. "Nababaliw ka na ba?" bakit dito ka magpapakamay? Sisirain mo ang kalinisan ng ilog. Nagbabagang tingin ang ibinigay ko rito. "Huwag kang mag alala. Sa ibang ilog ako pupunta!" Bulyaw ko sa mukha ng lalaki. Ngunit nagulat ako nang basta na lang hilahin ang palapulsuhan ko at sapilitang dinala sa kotse niya. "Hey~ teka lang muna saan mo ako dadalhin?" tanong ko. Pero ang lakas ng kabog nang dibdib ko. Pero hindi siya umimik. Ipinasok ako sa loob ng kotse at pumasok ibinagsak pa nga ng lalaki ang pinto ng kotse. Umikot ito sa kabilang side at pumasok na rin dito sa loob. Hindi ba siya nag-iisip nabasa ang kasuotan ko at mababasa ang upuan ng kotse niya. Nakita kong tumigil kami sa isang simbahan. "Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko. "Lilinisan ang utak mo at masyado nang marumi." asik nito. Hinila ako sa pulsuhan. Pumusok kami sa loob ng simbahan, napansin ko agad si father. Umikot ang mata ko sa loob ng simbahan. Parang bigla akong nagsisi sa ginawa kung pagpapakamatay. "Mr Clark! Nakangiting lumapit samin si Father." "Father" gusto kong kausapin mo ang babaeng iyan, dahil nagbabalak magpakamatay!" galit na wika ng NBI. Tumingin sa akin si father at inaya akong maupo sa isang upuan. "Sige hija! Sabihin mo sa akin ang iyong problema, makikinig ako sayo, ilabas mo kong ano ang bumabagabag diyan sa dibdib mo." malumanay na wika ni Father. Kaya lahat nang dinadala kong sakit sa aking dibdib sinabi ko kay father. Ang pag ayaw ng mama ko sa akin. Ang masasakit na salita ng Mama ko. Kaya binalak kong magpatiwakal. Parang biglang gumaan ang dibdib ko. Nang mailabas ko ang sama ng loob ko. Kahit sa mga kaibigan ko hindi ako nag kukwento tungkol sa mama ko. Sapagkat ayaw kong kaawaan nila ako. O sabihan nng hindi maganda si Mama. "Hija, hindi dahilan ang pagpapakamay dahil lang gusto mong matuwa ang ina mo, o matapos na agad ang pagsubok na ibinigay sayo ng panginoon. Sa ginagawa mo pagpapakamay ibig sabihin lang nun ay tumatakas ka sa pagsubok. Mas lalo lang madadagdagan ang iyong kasalanan sa pagkitil nang sarili mong buhay. Basta lagi kang lumapit sa kanya hija at makipag-usap sa itaas, sinasabi ko sayo gagaan ang loob mo. Magpakatatag ka lang. At pasasaan ba at darating ang araw mag kakamaayos rin kayo ng ina mo. May dahilan ang mga nangyayaring ito sayo. Ito ay isng pagsubok lang na ibinigay sayo ng panginoon. At kailangan mo itong malampasan hija. At kung sakaling malampasan mo ang unang pagsubok nang nasa itaas madali mo na lang din malampasan ang iba pang pagsubok na ibibigay sayo ng panginoon, basta huwag kang makakalimot sa kanya hija. Huwag ka rin huminto sa pagmamahal sa iyong Ina. Darating ang araw. Maliliwanagan din ang Mama. At Kung sakaling dumating ang araw na iyon. Tanggapin mo at buong puso mo siyang yakapin." Pahayag ni Father. Parang gumaan nga ang pakiramdam ko at naliwanagan ang utak ko. Jusko ano bang ginawa ko bakit pumasok sa isipan ko ang kitilin ang buhay ko.Patawarin ninyo po god." Mahina kong bulong. Tumingin ako kay father. "Maraming salamat po dahil po sa mga sinabi mo father, naging maayos na po ulit ang takbo ng kaisipan ko." "Basta hija, lagi ka lang lumapit sa kanay. Welcome tayo sa tahanan niya." pahayag ulit ni father. "Salamat po uli." Nagpaalam na rin ako kay father, hinahanap ng mga mata ko si Mr NBI. Nakita ko siyang may kausap sa cellphone, kailangan ko rin na magpasalamat sa lalaki. Kung hindi dahil sa pagligtas niya sa aking buhay. Siguradong kinakain na nang mga isda ang katawan ko. "Mr. NBI!" pagtawag ko sa lalaki. Lumingon naman siya sa akin. Kaya ang ginawa ko ay kumaway pa ako sa lalaki. Nakakunot ang noo at salubong din ang kilay ng lalaki. Pero hindi ko pinansin ang itsura niya. Bagkos nagmamadali akong lumapit dito. At walang babalang niyapos ko siya ng mahigpit. "THANK YOU SO MUCH! MR. NBI." wika ko. Nagtaka ako nang maramdama ko ang nanigas ang katawan ng lalaki. iyong tipong halos hindi na gumagalaw, ano kayang nangyayari sa lalaking ito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD