"Parang gusto kong umiyak! pero walang lumalabas na luha sa aking mga mata kailangan kung makaalis dito hindi ko na hihintaying ihatid pa ako ng pesteng lalaking yun. Lumabas ako ng silid at tuloy-tuloy na naglakad, nakita kung busy ang mga ito at mukhang may meeting ang mga abnoy. Kaya hindi ako narinig. At nakita kung nakadaong na kami. Kaya walang lingon na lumakad ako. Mahirap na at baka makita pa ako ni Steven, sabagay malayong pigilan pa ako nito. Dahil pinauuwi na nga ako at babayaran pa raw ang isang gabi ko anong tingin nito sa aking pokpok. Kaunting hakbang na lang at malapit na akong makababa ng yate. "Saan ka pupunta? Ada" galit na tanong ni Steven. At hinawaakan ako sa bewang upang pigilan. "Uuwi na ako mr Clark! tutal naman nakuha mo ang nais mo, siguro naman hahayaan mo n