Chapter 26

1546 Words

KAREN "What are you doing here?" gulat na tanong ko kay Enzo. Kita ko ang maarteng pagtaas ng kilay nito ng tumingin sa akin pero nang bumaling siya kay Kenji ay naging seryoso ang mukha niya. Umupo siya sa tabi ko dahil pandalawahan naman ang couch na kinauupuan ko at talagang tinulak pa ako ng pwet niya para umusog ako kaya napausog ako. Pinagde-kwatro bago inilagay ang isang braso sa may likuran ko. "Is it him?" tanong ni Kenji sa akin. Tinatanong niya kung ang lalaking nasa tabi ko raw ba ngayon ang boyfriend ko. "Are you trying to steal her?" Enzo smirked. "You can only do that if you know how to dodge a bullet." "I am not stealing her. Our parents want us to be together," sagot ni Kenji, napansin ko na parang palaban ang boses niya habang kausap si Enzo. Hindi ko sila pinansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD