KAREN Nagtungo ako sa opisina ni Dad dito sa bahay dahil pinapatawag daw ako nito. Two days siyang nawala at kababalik lang niya. Habang wala siya ay tahimik lang ako. Busy din naman ako dahil nagkaroon ako ng photoshoot buong araw kaya wala rin ako dito sa bahay. Sinundo nga lang at hinatid ako ni Jamie dahil hindi ko pa nakukuha ang kotse ko sa casa. May another car pa naman ako, regalo sa akin iyon ni Tita Wella pero tinatamad akong mag-drive. Kadarating ko pa rin lang, balak ko sanang magpahinga muna kaso pinapatawag daw ako ni Dad. Hindi na ako kumatok at basta na lang ako pumasok sa opisina niya. Napatigil sila ni April sa pag-uusap at napatingin sa akin. "Gusto n'yo raw akong makausap," saad ko nang tuluyan na akong makapasok. "I need you to cancel all your appointments," sago