KAREN Inilibot ko ang tingin sa paligid. Liberated na ang mundong ginagawalan ko maging ang trabaho ko pero hindi pa rin ako sanay na sa harapan ko mismo nag-iispadahan ng mga dila ang dalawang taong pareho ng kasarian. Napapangiwi ako sa tuwing may makikita akong mga naglalampungan habang si Kira naman ay kilig na kilig. Pumapalakpak pa ito kapag may nakikitang mga sweet na magkapares. Siguro kailangan ko lang sanayin ang mga mata ko. Nang magsimulang tumugtog ang dance floor ay niyaya ako ni Marco na sumayaw pero hindi ako sumama sa kanila ni Kira. Nanatili lang ako sa pwesto namin kaya silang dalawa lang ang nakigulo sa mga nagkakasiyahan. Pakiramdam ko out of place ako sa ganitong lugar dahil alam ko naman na iba ang nais ng mga nandito. Kanilang mundo ito at naligaw lang ako dahil h