KAREN "Welcome kumpadre, mabuti naman at nakarating kayo," nakangiting salubong ng ama ko sa mga bagong dating. "Syempre naman, we will be family soon," malaki ang ngiting sagot naman ng Governador sa ama ko. Parang sure na sure na ba ito na ikakasal kami ng anak niya. Napatingin sa akin ang asawa ni Governor Allegre. Tiningnan nito ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis ako nitong mabuti. Gaya ni Rachel ay naka Maxi Dress din ito na abot hanggang sakong nito. Sinalubong ko naman ang tingin niya dahilan para tumaas ang kilay nito pero hindi ito nagsalita. "Ito na ba si Karen?" tanong ni Gob habang nakatingin sa akin. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti. "You have beautiful daughters, Karlos." "Thank you po," magalang na sagot naman ni April habang hindi naman ako umi