Maaga akong nagising kinabukasan. Five pa lang ay gising na ako at mukhang walang ibang tao sa loob ng bahay maliban sa amin ni Mareng Enzo. Mula sa araw na ito ay iyon na ang magiging tawag ko sa kaniya. Gusto rin lang niyang maging Eva, kaya pagbibigyan ko siya, sasakayan ko na lang ang trip niya sa buhay. Kaysa naman ma-stress ako na nag-iibang anyo ang asawa ko. Nagsimula akong maghanap ng lulutuin. Napangiti ako nang may makita akong isang tray ng itlog. Nagsalang muna ako ng kanin sa rice cooker. Kahit naman may mga katulong sa bahay ay marunong pa rin akong magluto kahit na papaano. Bene-baby lang ako ng mga kasambahay sa bahay namin, pero may time na nagkukusa talaga ako, saka nagpaturo talaga ako sa kanila kung paano magsaing. Nag-init ako ng tubig para mag-boil ng egg tapos s