KAREN "Stop it. Kung ayaw mong mauna ang honeymoon bago ang kasal natin." Umirap ako sa kaniya. "Red flag ka rin pala kung ganoon." "I can be the greenest. Try me," hamon nito. Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya. "Modelo ka hindi ba? Mahilig ka sa damo, mas berde pa ako sa kinakain mo." Pinaikot ko ang mga mata ko. Gulay ang sinasabi niya, or leafy foods. Baka mamaya ibang damo ang isipin kung may makakarinig sa kaniya. Iyong damong literal na nakakabaliw. "No, thanks. Mukha namang lanta kana." Ngumisi ito. "7 inches kapag lanta pa." Asar na tiningnan ko siya, muntik pang malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Gulay. Gulay ang tinutukoy." Ngumisi lang ito sa akin. Nakakabaliw siyang kausap. Kapag iyong malambot parang ang arteng kausap. Kapag ito namang kaharap ko ngayon. Ma