Chapter 1: Meet the Parents

1998 Words
It's been a week since I signed that bullshit paper and now. I am Mrs. Brent Lopez. I gritted my teeth. This is not what I want. Not even him. He's so playful and a monster. "Thinking of me, huh?" sabay sulyap sakin. "Huh! In your dreams Brent. In your dreams!" Singhal ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at nag focus na siya sa pagmamaneho. Tonight, We're going to visit his family. They wanted to meet me. Ang babaeng kinahuhumalingan at pinakasalan ng kanilang playboy at nag-iisang anak. S’yempre, we will act sweet in front of them kasi nga ‘di ba? We’re madly, deeply in love with each other. He lied to his parents kaya dapat na umarte ako kahit hindi ko ito gusto. Thinking of that makes me angry. "Kung si Miguel ang iniisip mo sinasabi ko na sa ‘yo, itigil mo na ‘yan. I don't want you to think of him while we're together." Humigpit ang kapit nito sa manibela. "You’re funny! Hindi mo hawak ang pag-iisip ko. Oo lahat ng gusto mo nakukuha mo at nagagawa mo pero yung manduhan mo ang pag-iisip ko do’n ka talo...” I smiled sweetly. "Then you're wrong. I bet one of these days ako na ang iisipin mo. Walang iba kundi ako. Sigurado ko ‘yan." Bwisit na lalaki to! Ako pa din ata ang naiinis imbes na siya. "That will never happen! I hate you! Sabihin mo na lahat ng gusto mo sabihin pero hindi mo mababago na si Miguel ang MAHAL KO . I LOVE HIM I LOVE HIM! I REALLY LOVE HIM!" I shouted and started to punch his right arm. Biglang preno ng sasakyan kaya napakapit ako sa braso niya. Galit na humarap siya sa akin at marahas akong hinalikan. Nagpupumiglas ako sa ginagawa niya pero wala pa din akong sapat na lakas para itulak siya. Dahil na rin sa pagod kaya tinigilan ko na lang. DAMN! He's a good kisser. I want to respond pero nagtatalo ang isip ko dahil sa gagawin ko iisipin niyang ako ang talo. Pero hindi ko na kaya sabi ko ‘di ba? He is a damn good kisser kaya unti-unti din akong tumugon sa kanyang halik. Aaminin ko masarap sa pakiramdam kahit kinamumuhian ko siya ay hindi ko maipagkakaila na gusto ko ang ginagawa niya. "I love you Angela Eunice Dela vega! Babawiin kita sa kanya!" Umalingawngaw ang salitang iyon sa isipan ko dahilan upang ako ay matauhan. Nag-ipon ako ng lakas para itulak siya. "Stop it! No!" Sigaw ko sa kanya. Tumigil naman siya at tinitigan ako sa aking mga mata. Hindi ko kayang makipag eye to eye contact sa kanya kaya umiwas ako. "You're getting into my nerves! 'Wag mo kong pilitin na gawin ang bagay na alam kong hinding hindi mo magugustuhan! Isa pang marinig ko ang pangalan niya hindi ako magdadalawang isip na hubaran ka dito sa loob ng sasakyan!" Singhal niya sakin sabay buhay sa makina ng sasakyan. Hindi na lang ako nagsalita kasi pagod na din ako. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa labas kahit nagngingitngit ako sa galit. Araw-araw naman kami nagsisigawan, ganoon kami mag-usap. Ay, hindi pala, ako lang kasi yung palaging nakasinghal sa kanya. Sisigawan niya lang ako pag punong puno na siya. Madaling uminit ang ulo ni Brent pag babangitin ko ang ex-boyfriend kong iniwan ko para sa kanya, pero ‘yon ang akala niya. I already knew him since high school. Matanda siya sa akin ng isang taon. Sikat ito sa pagiging playboy sa school. He's a f*cking playboy paano gwapo naman siya eh kaya malakas ang luob. Plus he's hot daw pero tingin ko he's arrogant and not-so-appealing man. Magulang din niya ang may-ari ng school kaya madami ding babae ang nahuhumaling sa kanya. Bukod do’n hindi ko na siya kilala personally. I don't care about him. I just don't like playboys. Wala kaming pakialamanan noon at hindi kami nagpapansinan. Sikat din naman ako sa pagiging beauty and brainy but I just shrugged it off. Focus ako sa pag-aaral noon. Pero nung college. Nag-iba lahat, Nagpakilala siya sakin pero hindi ako interesado kaya tinalikuran ko na lang siya. He loves pissing me off. Tama nga yung impression ko sa kanya. Hindi ko naman sya kinakausap ng maayos maliban sa lagi kong sinasabi "Leave me alone and stop pestering me!" Pero hindi niya ko tinigilan tingin ko nga walang magawa ‘yon kundi guluhin ako kahit na may kasama siyang babae, worst moment pa noon ay naghalikan sila sa harap ko! WTF! Hindi na nahiya yung hudyo sa harap ko pa pero katwiran niya "I'm used to it.” Si Miguel Sanchez nakilala ko nung nag summer vacation ako sa province noon. Si Leila Perez which is my bestfriend ‘yong nagpakilala sa akin sa kanya. Magpinsan kasi sila. Nagbakasyon din si Leila noon sa Iloilo dahil doon din ang province niya. Miguel is very much opposite to Brent. Magalang, Mabait, Maginoo pero medyo bastos. Just kidding! Ah basta ! ‘Yong ideal nang isang babae nasa kanya na. Siya na ‘yong, eh. Kinikilig ako kapag nasa tabi ko siya kaya one day no’ng nagtapat siya sakin aba sino ba ako para tumangi beside he is my type after all. He's popular din dito sa kanila pero hindi siya aware doon. Masaya ‘yong relationship naming dalawa na tumagal nang ilang buwan. Hindi mayaman si Miguel. I met his family one time at doon ko nalaman na farmer ang papa niya at housewife ang mama niya. Mayroon siyang dalawa pang kapatid na mga bata pa. I'm so inlove with him kaya his status doesn't matter. So what king hindi siya katulad ko na may kaya sa buhay. Until that day dumating ang worst nightmare sa buhay ko. "We're here,” Brent announced. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Argh! I never imagine na ganito mararamdaman ko ngayong andito na kami. C'mon Eunice this is not your first time na ipakilala sa pamilya ng isang lalaki! Pero kasi as Mrs Lopez na ko ngayon hindi as girlfriend. At never kaming dumaan sa stage na ‘yon. "Hurry up!" He snapped. Agad akong natauhan. Pinagbuksan pa niya ko as if naman totoong gentleman siya. "Thanks.” I muttered. Hinapit niya ang bewang ko. Okay! Alam ko na. It's acting time. Kaya hinilig ko ang ulo ko sa kanya napaangat naman ang kilay niya. "What?" asik ko. "N-nothing" He stuttered. Nakarating kami sa main door ng bahay. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. I am impressed. Sobrang ganda ng bahay nila. From the furniture's and structure ng bahay ay napahanga ako. "Good evening Sir Brent and Maam?" bati ng matandang nakauniporme ng puti. "Eunice po,” dugtong ko sa sinabi niya. "Ah, Maam Eunice. Sir, nasa dining po sila Maam kanina pa po kayo hinihintay.” Umalis din agad ang matanda. "Let's go.” He guided me. Then a woman in her late 50's appeared in front of us wearing a nude maxi dress. From the looks, I can say she's simple yet elegant woman. Nakangiti ito sa amin kaya ginantihan ko din ng ngiti. Katabi nito ang tingin ko'y asawa niya. He looks like Brent. He's still handsome even if he's old. "Sorry Mom and Dad for making you wait." He kissed his mother's cheek. "That's okay, son. I know both of you are busy giving us grandchildren.” Pagkuway sabi ng kaniyang ina which made my cheeks turns to red. Tumawa lang si Brent sa sinabi ng ina. "Welcome to our family, hija. You're so beautiful! Alam mo bang ikaw pa lang ang dinadala nitong anak ko dito. He's always talking about you right, Hon?" baling nito sa asawa. Niyakap niya ako. Na-miss ko tuloy ang magulang ko. One year na silang patay dahil sa car accident at ako na lang ang naiwan kasama ang mga pinamana nila sakin. "Yes hija that's true and we're glad that you're here. Well, I know both of you are starving so let's start our dinner!" saad ng kanyang ama. Pinaghila ako ni Brent ng upuan at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. He caress my face. Pinandilatan ko nga ng mata. "I didn't know you're so sweet, son." Natatawang nakatingin samin ang parents niya. Ah, nakakahiya! Nagsimula na kaming kumain. Si Brent ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. "Brent, andami na niyan ‘di ko ‘yan mauubos" bulong ko sa kanya. "I will eat your leftover food don't worry,” sabi nito at abala ng kumakain. Hindi ko alam kung tama bang kiligin sa sinabi niya. It's just an act. ACT! ACT! Nagsimula na din akong kumain. Tumikhim ang papa niya kaya sabay kaming napatingin dito. "When will be the church wedding?" he asked while eating his food. Napalunok ako sa tanong na ‘yon. Bumuka ang bibig ko pero walang lumalabas na kahit isang salita doon. "Is that mandatory? You know we're already married. It's not important right now and she's busy with her study." He answered. Napatingin ako sa kanya at napainom ng tubig. Hindi ako magpapakasal sa kanya sa simbahan para sakin ay sagrado ‘yon. Ibang usapan na ‘yon. ‘Yong nangyayari samin ay napilitan lang ako. Ano nga ba maasahan ko sa kanya eh walang pakialam ‘yan. Kahit nga siguro mahal ko siya hindi nya maiisip na ikasal kami sa simbahan. "Yes, tito. Kasi hindi namin iyon maasikaso pa-graduate na po kasi ako and Brent is right, we're already married so why do we need to have a church wedding." I looked at him and smiled sweetly. "Besides, the important here is... he's my husband and I'm his wife." After saying this I pinched his nose. "Babe! Stop it!" Pinandilatan ako ng mga mata. Humagikgik naman sa kilig ang dalawang matanda. Akala naman nila sweet gesture ko ‘yon. Neknek niya, noh! Masakit kaya ‘yong ginawa ko kaya alam ko patay ako neto sa kanya mamaya namula ‘yong ilong, eh. "Hija. You should start calling us dad and mom. Besides, you are now part of our family. Pag nagbago isip niyo we can start anytime to prepare your church wedding.” Mom said while smiling at me. "Yes Ti—I mean, M-mom...” nahihiyang sabi ko. "We heard na wala na ang parents mo and you don't have any siblings. I know na mahirap ‘yong pinagdaan mo.” "Yes Mom. Last year po namatay ang parents ko. I always think of them lalo na sa mga panahong may mabigat akong PROBLEMA,” diniin ko talaga ang salitang iyon. From my peripheral vision napahinto si Brent sa pagkain and he clenched his jaw while looking at his food. "Problem? Ano ba iyon, hija?” Ang papa naman nya ang nagsalita. "Ah, tapos na din naman po ‘yon, Dad. My husband helped me with my problem. Naalala ko lang.” Kimi akong ngumiti at kumain ulit. "Oh! You did a great job as her husband, son." Mom said at uminom ng tubig. "I will always here for my wife mom no matter what. Hindi na to MAKAKAWALA sa ‘kin," he said while looking at me. Kinilabutan ako sa huling sinabi nya. Talagang wala siyang balak na maging masaya ako sa piling ng lalaking gusto ko. How selfish! Kinuyom ko ang aking kamao at bumaling sa kanya. "Yes, babe I know that. Alam kong hinding hindi na ko makakawala sayo." Ngiting ngiti na sabi ko pero sa luob ko gusto ko nang tusukin ng tinidor ang mga mata nya sa sobrang inis. After our dinner nagpaalam na din kami sa kanila. "You should visit us more often. I want to bond with my daughter-in-law you know." Sabi ng mama niya habang hinahatid kami sa main door. "Sure, mom" I said. Totoo yung sinabi ko. Gusto ko na makilala pa ang magulang niya kasi mabait naman sila. Isa pa, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng magkaraon ng magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD