EPISODE 30 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “MAHAL kita, Veronica.” Hindi ako makapaniwala na umamin na rin si Caden sa kanyang nararamdaman para sa akin. I always wish that someday, he will like me just like how I like him… how I love him. Our feelings for each other are mutual. ‘Yung saya na nararadaman ko ngayon ay nag-uumapaw, at hindi rin ako makapaniwala sa inamin ni Caden. Hinalikan niya ako sa aking labi. Sa gulat ko ay hindi ako makagalaw at hindi ko siya nahalikan pabalik dahil mabilis niyang inilayo ang kanyang labi sa akin at umatras siya palayo. Kumunot ang aking noo at nagtataka ako sa pag atras ni Caden. Yumuko siya at hindi siya makatingin sa akin. “C-Caden,” tawag ko sa kanya. “Mahal kita pero hindi pwede….” mahina niyang sabi at muli siyang nag angat ng tingin sa ak