EPISODE 4
SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW.
BUNTIS AKO. Buntis ako at si Caden ang ama. What have I done?! This is a big problem. Magkakagulo ang lahat kapag nalaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko ngayon. Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Aiden kapag nalaman niyang nabuntis ako ng kanyang kambal.
“Sabina Veronica Generoso Santiago!”
Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pag sigaw ni Mommy sa buo kong pangalan. Hindi ko namalayan na nag sa-spaceout na pala ako at hindi ko narinig na kinakausap na pala ako ngayon ng aking ina. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at bumuntong-hininga bago nag-angat ng tingin kay Mommy na matalim na nakatingin sa akin ngayon. Nandito kami sa aming dining area at kumakain ng aming dinner. Kasama ko rin na kumakain ngayon ang mga kapatid ko na si Mavi, Sabelle, at Macey.
“Y-Yes, mom? I’m sorry for spacing out po,” mahina kong sabi at bahagyang napayuko.
“What’s wrong, Veronica? May problema ka ba?” tanong naman ni Dad na alalang nakatingin sa akin ngayon.
Bahagya akong ngumiti kay Dad at umiling. “N-No, Dad. Wala po akong problema. Pagod lang po ako sa work ko kaya wala ako sa sarili ngayon,” sagod ko sa tanong niya. Napatango naman si Daddy at muling ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Nang mapatingin ulit ako kay Mommy ay seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin ngayon.
“You’ve been spacing out for days, Veronica. Are you really sure that you have no problems, Hija? Niloko ka ba ni Aiden? May iba bang babae ang lalaking ‘yun? Sabihin mo lang, susugurin ko kaagad ang lalaking ‘yun at isama na rin natin ang ama niya,” seryosong sabi ni Mommy.
Napalunok naman ako sa aking laway at mas lalong kinabahan sa pagbabanta ni Mom ngayon. Mag bestfriend si Mommy at ang Dad ng kambal na si Tito Trevor Gideon Coleman. Ang isa sa kinatatakutan ko ay ang masira ang friendship ni Mom at ni Tito Trevor. Yes, matalik silang magkaibigan pero iba na ang usapan kapag ako na ang involve. Palaging sinasabi sa akin ni Mom kahit noong bago pa lang kaming mag jowa ni Aiden na sasakalin niya si Tito Trevor at si Aiden kapag niloko ako ng boyfriend ko. Masyadong protected sa akin ang aking mga magulang dahil ako ang una nilang anak ni Daddy at babae pa ako.
Paano na lang kaya kung malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko? Siguradong magkakagulo ang dalawang angkan… ang angkan ng mga Generoso at ng mga Coleman.
F-ck. Bakit ko ba kasi hindi ako nag-iingat? Dapat ay alam ko kung sino ang boyfriend ko sa kambal dahil kilala ko si Aiden kahit na nakapikit pa ang mga mata ko, pero nagkamali ako—ang aking malaking pagkakamali. Nagpadala ako sa init ng aking katawan at isinuko ko ang sarili ko sa kakambal ng aking boyfriend na si Gideon Caden, ang lalaking kinaiinisan ko sa lahat.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa kong kataksilan sa boyfriend ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“O-Okay lang naman po kami ni Aiden, Mommy. Hindi naman po siya nagloloko at busy rin po siya sa kanyang trabaho sa studio,” paglilinaw ko kay Mommy.
Si Aiden ay isang producer sa kanilang entertainment company. May banda sila noon, pero nabuwag ito ng maaksidente si Aiden at nabali ang kanyang daliri kaya hindi na ulit siya makaka tugtog ng gitara at ayaw niya na rin na kumanta dahil na rin siguro sa nangyaring aksidente. Dahil sa trabaho ng boyfriend ko ay minsan na lang kaming nagkikita at kapag naman free day niya ay ako naman ang laging busy. Hindi swack ang oras namin sa isa’t isa.
“Nako! Siguraduhin mo ‘yan, Veronica. Pero alam ko naman na mahal ka ng Aiden na ‘yun at nakikita ko ito sa mga galaw at kung paano ka niya alagaan, anak. I’m hoping na kayo na talaga ni Aiden hanggang sa ikasal kayong dalawa,” sambit ni Mommy bago siya muling nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Parang kumirot bigla ang puso ko nang sabihin iyon ni Mom. Napayuko ako at pinigilan ang aking sarili na mapaluha. Gusto ko rin na makasal ako kay Aiden. Simula nang maging mag boyfriend at girlfriend kami noong nasa high school pa lang kaming dalawa, nakikita ko na ang future ko na kasama si Aiden. Pero ngayon… parang ang labo na. Kapag malaman nila ang totoo ay sigurado akong lalayuan ako ni Aiden at kamumuhian niya ako. Iniisip ko pa lang ngayon ang mga posibleng mangyari ay nasasaktan na ako.
Nang matapos na kaming kumain sa aming hapunan ay dumiretso kaagad ako sa aking kwarto at ni lock ko ang pinto at humiga na ako sa aking kama habang nakatingin sa kisame. Habang nandito ako sa pamamahay ng aking mga magulang ay hindi ko maiwasan na mag overthink sa mga pangyayari… mga posibleng mangyari. Naguguluhan pa rin ako kung ano ang gagawin ko. Sasabihin ko ba kay Caden ang totoo? Hindi pwedeng ako lang ang magdusa nito! Hindi siya nag suot ng condom habang nagtatalik kami at binuntis niya ako kaya kailangan niya rin na magdusa at hindi lang ako.
Napabangon ako at mabilis ko na kinuha ang aking cellphone at mabilis ko na hinanap ang numero ni Caden at tinawagan ko siya. Alas nuebe na ng gabi at sigurado ako na nakauwi na siya ngayon sa kanyang condo unit.
Makalipas ang ilang pag ring ay sinagot na niya ang aking tawag.
“Nic? Bakit napatawag ka sa akin ngayong gabi? Akala ko ba ay hindi mo na ako kakausapin,” sabi ni Caden sa kabilang linya.
Napapikit ako sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili bago ko kausapin si Caden.
“May kailangan kang malaman, Caden,” seryoso kong sabi.
Matagal siyang hindi makapagsalita sa kabilang linya at akala ko ay nawalan ako ng signal. Makalipas ang ilang segundo na katahimikan ay nagsalita na ulit siya.
“What is it?”
Huminga ako ng malalim at napahagod ako sa aking buhok bago ko aminin kay Caden ang totoo.
“C-Caden, buntis ako.”
F-ck! Sa wakas ay nasabi ko na rin ang totoo sa kanya. Hindi siya nakapag salita at wala akong narinig na anumang tunog sa kabilang linya. Nagtaka ako at napatingin ako sa aking phone at nakita kong hindi pa naman niya ito pinapatay.
Natulala ba siya at nagulat sa aking sinabi? Syempre naman! Bakit ko pa ba tinatanong ang tanong na iyon na alam naman na obvious masyado.
“Caden? Magsalita ka naman diyan, please,” tawag ko sa kanya. Napayuko ako at napahawak sa aking noo.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Ipalaglag ko ba ang nasa loob ng aking tiyan? Pero hindi legal ang abortion dito sa Pilipinas at sigurado akong hindi makakapayag ang aking mga magulang kapag nalaman nila ang gusto kong gawin.
Kaya ngayon, kahit na ayaw na ayaw ko nang makausap at makita si Caden ay kailangan ko pa rin ang tulong niya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kailangan ko siya para malaman kung ano ang dapat na gawin.
Tuluyan na akong naiyak at napa hikbi ngayon at hindi pa rin nagsasalita si Caden sa kabilang linya.
“Caden, natatakot ako. Hindi pa ako handang magkaroon ng anak at… at mahal na mahal ko ang kambal mo. F-ck! This is all my fault. Kung hindi lang sana ako naging tanga ay hindi mangyayari ito ngayon,” nanghihina kong sabi habang patuloy pa rin sa aking pag-iyak.
Kumunot ang aking noo nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan at mga bosena sa kabilang linya. Nagdadrive ba ngayon si Caden? Nasa may kalye ba siya at pauwi pa sa kanila?
“C-Caden, nandyan ka pa ba?” tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang kanyang paghinga sa kabilang linya.
“Papunta na ako dyan sa bahay niyo. Nandiyan ka ba ngayon, o nasa condo unit ka? Pupuntahan kita, Veronica.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa sinabi ni Caden.
No! Hindi siya pwedeng pumunta dito sa bahay dahil mapapatay siya ni Mommy!
“H-Huh? Nasaan ka na ngayon?” nauutal kong tanong.
“Nandito na ako sa labas ng subdivision niyo. Papasok na ako sa loob, Nic.”
Sh-t!
Patakbo akong lumabas sa aking kwarto at bumaba upang maabangan ko sa labas si Caden at hindi siya tumuloy sa pagpasok sa bahay. Hindi pa ako handa na malaman ng pamilya ko ang problema ko ngayon. Sh-t! Hindi pa ako handang malaman na si Caden ang ama ng pinagbubuntis ko.
“C-Caden, ‘wag mong itigil ang sasakyan mo sa labas ng gate namin. Palabas na ako ngayon, sa may malayo mo itigil ang sasakyan mo at mag usap tayo,” seryoso kong sabi sa kanya.
Bago ako lumabas sa bahay ay nakita ko ang kapatid ko na si Mavi sa may living room habang nanonood ng palabas sa TV.
“Ate, saan ka pupunta? Gabi na.”
“A-Ah, magpapahangin lang. Papasok din kaagad ako,” sabi ko at lumabas na ng bahay.
Nang makalabas na ako sa may gate ay agad kong naaninag ang sasakyan ni Caden sa hindi kalayuan. Patakbo akong lumapit dito at lumabas na rin siya sa kanyang sasakyan at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan ako sa aking mukha.
“Bakit ka ba tumakbo? Paano na lang kung napada ka at may nangyaring masama sa inyo ng baby?” alala nitong sabi.
Bahagya akong nagtaka at naguluhan sa kanyang sinabi sa akin. Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat at tinignan ko siya ng masama.
“Anong pinagsasabi mo dyan?! Caden, buntis ako!”
Napahawak siya sa kanyang bewang at bumuntong-hininga at tumango.
“I know, Nic. Hindi ako bingi, narinig ko ang sinabi mo kanina.”
“Anong gagawin natin?! Hindi makakapayag si Aiden nito! M-Magagalit siya sa akin… sayo. Gugulo ang lahat kapag nalaman nilang nabuntis mo ako, Caden,” nahihina kong sabi at muli akong napaiyak.
Umiwas siya ng tingin sa akin at umigting ang kanyang panga. Muling huminga ng malalim si Caden at seryoso siyang humarap sa akin ngayon.
“Pananagutan ko ang bata, Veronica. Aakuin ko ang responsibilidad at tanggapin ko ang galit ng pamilya ko at ng pamilya mo,” seryoso niyang sabi.
Napaawang ako sa aking labi at hindi makapaniwala sa sinabi ni Caden ngayon sa akin.
“Hindi ako makakapayag na ipalaglag mo ang bata, Sabina Veronica Santiago. I will take the responsibilities and we will have that baby together.”
TO BE CONTINUED...