“It’ll be your first time, I know Faye, but I hope it’ll be okay,” the handsome man told Faye while putting some food on his wife’s plate.
Wala sa sariling napatango naman si Faye na parang walang ganang kumain dahil sa hindi pa rin siya sumusubo. Hawak niya lang ang kutsara niya at tinidor na pinanghahalo sa pagkain niya.
“And please don’t feel any pressure or what Faye, just enjoy your first day. Your cousins will be there to guide you.” Again, wala sa sariling tumango na naman si Faye.
Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na nag-rebirth siya. She did maybe conclude it, but it was just some lame assumptions and conclusions, and she wouldn’t even dare believe it.
Mas gusto pa niyang paniwalaan ang una niyang hypothesis, which is 'yung pagkakaroon niya ng vision of what will happen to her in the future through dreaming.
Actually, hindi naman siya against sa mga tao o religion na naniniwala sa reincarnation or rebirth. She really loves reading stories in that kind of genre. It’s just that, gaya nga ng sabi niya, nababasa niya lang ang tungkol doon. So, she was really skeptical about that as a fact.
Pero paano naman niya maipapaliwanag ang lahat ng mga nangyari kung tanging panaginip at vision lang ang mayroon siya? They might think of her as crazy, but she also thinks she is crazy.
Frustrated, pabagsak niyang inilapag ang hawak na kutsara at tinidor, na tumama pa nga sa plato niya dahilan para makagawa iyon ng nakakangilong ingay.
“Lunez Faye!”
Doon lang siya parang nahimasmasan na napalingon sa sumigaw na niyang ama na bibihira lang kung gawin nito. Feeling guilty, napayuko siyang humingi ng sorry sa mga magulang.
“What is wrong with you, lady? Although I don’t look like I noticed something, I really do notice you acting strange from the moment you left your room. What happened, ha?” biglang mahinahon na tanong na ng ama ni Faye sa kanya.
“I’m sorry Dad. It was nothing. Masama lang ata ang gising ko ngayon. I was kind of sleep deprived from last night,” mabilis na palusot naman niya.
“I know you’re quite nervous and excited about this, after all, it’ll be your first time. But don’t be Faye. Your cousins will get your back,” her Mom gently soothed her.
Napabuntonghininga na lang siyang napatango bago maliit na nginitian ang dalawa.
Hindi naman kasi iyon ang iniinda at inaalala niya. Well, if this was before, that might be the case, pero ngayon? Malayong-malayo.
Since she doesn’t want her parents to worry more, isinantabi na niya muna ang katotohanan at ang dahilan at umaktong parang gaya lang ng dati.
So, after eating, sakay ng kotse ay hinatid siya ng daddy niya papunta sa university na papasukan niya. Bale, madadaanan kasi ang university niya kapag papunta sa kompanyang pagtatrabahuan ng daddy niya.
Habang nasa byahe ay kinakausap siya ng ama, asking her questions here and there while she would answer them one by one. Mukha man siyang kalmado habang papalapit sila ng papalapit sa campus, pero sa totoo lang ay medyo kinakabahan talaga siya sa loob-loob niya.
She was kind of nervous, and quite excited. She was nervous yet she was looking forward to seeing the people behind her doomed end.
Either way she was rebirthed or only had a vision, she would make the people who destroyed her, who ruined her, and who k*lled her paid a high prize.
She wouldn’t just asked for their lives, she also want them to taste the same things they instilled on her, doubled. At sisiguraduhin niyang lahat ng taong sangkot ay pananagutin niya, ng malaki.
Smiling slightly, she nodded to herself. Like yeah, that is what she’ll do. “We’re here lady.”
She looked at her dad when she heard him before looking outside the car. Seeing the familiar gate and the welcoming words above, her smile widened more.
“Seems like a movie, where I am just watching the familiar scene from it,” she softly muttered before looking back at her father, smiling. “Thanks, Dad,” she thanked her father and then dropped a sudden kiss on her father’s cheek.
Napahagikhik naman siya ng makita ang gulat na gulat na itsura ng ama niya. It was really funny seeing her father changed expression from his always calm visage.
Well, can’t blame her father. After all this was the first time she acted intimately towards her father. Sa totoo lang kasi ay mas close pa siya sa Tito at Lolo niya na parang sila pa ang tunay na tatay niya. Kung hindi lang niya siguro kamukha ang ama ay aakalain niyang ang Tito ang tunay na ama niya.
“Get used to it from now on Dad, because I’ll be as clingy as hell from now on. Bye Dad! Love ya’!” she happily said and then rushed out of the car.
Hindi na niya hinintay pa ang reaksyon ng daddy niya at masayang naglakad na papasok ng gate.
Well, she really means her words. Kung dati ay hinayaan niya lang ang natural na turingan nila ng mga magulang, this time she would change the past—or present—basta ang dating turing niya sa mga magulang. Dati kasi ay hindi na talaga siya naging close sa mga magulang, na dahilan kung bakit mabilis na nasira ang relasyon niya sa mga ito.
She could still clearly remember what happened that day, when she was completely ruined from her parents.
It was when she was about to graduate from senior high school. And was already a year in a relationship with Kirth. Amara, that b*tch did just actually told lies to his father and talk bad about her behind her back. At dahil mababaw lang naman ang relasyon niya sa ama, samantalang sinadya talagang mapalapit ni Amara sa ama, ay masakit man pero mas naniwala ang mga ito kay Amara kaysa sa kanya.
At isa pa, ilan sa paninira nito ay totoo. Lalo na ang dahilan ng mas ikinagalit at kina-disappoint sa kanya ng ama. Ang pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking ikakasal na pala sa iba.
Alalang-alala pa niya ang mukha ng ama ng linawin iyon sa kanya. He was really disappointed; it could clearly be seen from his face. Even her mom who was always gentle to her gave her a disappointed look.
At dahil wala siyang kaalam-alam noon, she believed in Kirth’s words. Na hindi sila ikakasal ni Amara, and that he would never do it as he thought of her only as a younger sister. What a fool she is, to believe his words, na ipinaglaban niya talaga ang bagay na iyon sa mga magulang and that, Amara is only ruining her from them. Pero ano nga ba ang aasahan niya na mas paniniwalaan ng mga magulang. Maliban sa hindi siya close at bukal sa mga ito. After all, Amara is a good actress.
Compared with the best actress Amara and a timid Faye, who would be more believable? Of course, the actress is.
Napailing na lang sa sarili na nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. With how she walked, she didn’t look like a new student, but instead, she acted like she was an old student.
“Lunes!”
Mabilis naman siyang napangiti at napahinto sa paglalakad ng marinig ang boses ng mga pinsan.
“Waahh! Insan Lunes, I miss you!”
She groaned when suddenly, Kaeley jumped to her back then linked her arms on her neck like a big tarsier. But instead of getting annoyed, she laughed and let her cousin ride on her back.
“Ley, para talagang unggoy. Kung saan-saan na lang sumasabit,” pang-aasar naman ni Kae sa kambal.
Imbes na mapikon sa sinabi ng kambal ay binelatan niya lang ito bago mabilis na hinalikan sa pisngi si Faye na agad namang napangiwi.
“Eww Kaeley, you’re still as gross as ever!” reklamo ni Faye na marahas pang pinunasan ang pisnging hinalikan sa kanya nang pinsan.
Natatawang bumaba naman mula sa likod niya si Kaeley at masayang hinarap siya.
“Grabe ka naman Insan Lunes maka, ‘as gross as ever!’ eh ngayon ko lang naman ‘yan ginawa!” kunwaring reklamo ni Kaeley kay Faye, bago ngumisi ng malapad sa pinsan. “Yaan mo pinsan, mula ngayon lagi na kitang i-ki-kiss sa pisngi para hindi ka magmukhang sinungaling,” nakangising dugtong nito na nagpairap lang kay Faye.
Nakalimutan niya kasing, iyon palang pala ang unang beses na ginawa iyon ni Kaeley sa kanya. Katulad kasi ng sinabi ng pinsan, ay magmula din nang araw na iyon ay lagi na siyang hinahalikan sa pisngi ng pinsan. Napangiti pa siya dahil, kahit naiba man ang sinabi niya ng araw na ‘yon, sa sinabi niya ngayon ay nagkaroon pa rin iyon ng parehong epekto.
“Buti na lang talaga Insan Lunes at naisipan nang mamalagi nina Tito dito,” pangunguna ni Kaevyn sa sasabihin din ‘ata ni Kaeley.
Hindi naman na nakipag-argumento si Kaeley at hinayaan ang kambal, pero inirapan niya muna ito bago tinignan muli ang si Faye, at sunod-sunod na tinanguan.
“Well, I guess it’s destined,” makahulugang sagot na lang ni Faye sa mga pinsan at nginitian pa ang dalawa.
Sabay namang napangiwi ang mga pinsan sa kanya na nagpahalakhak lang kay Faye.
“Nakakatakot ka talaga minsan Insan Lunes. Sa mukha mong yan, nakakaramdam pa rin talaga ako ng kilabot. Grabe, nagsisitayuan ang balahibo ko. Brr~” pag-aarte ni Kaevyn at hinimas pa ang mga braso.
Kaeley snorted at what her brother said, “Ang sabihin mo Kae, duwag ka lang talaga. Talo ka pa ni Insan Lunes, kahit pa nga ikaw itong leader ng gang sa atin,” sa wakas ay nakapaghiganti ring sabi ni Kaeley sa kambal.
Bago pa man humaba ang argumento ng dalawa ay inakbayan na lang niya ang mga pinsan sa balikat. “Ang mabuti pa ay pumasok na tayo. I don’t want to be late on my first day, you know?” singit niya sa mga ito, at hinila na ang mga pinsan papalakad.
Noong una ay hinayaan lang naman siya ng mga pinsan at sumabay sa kanya sa paglalakad papunta sa classroom nila. Nagkukwento pa nga sa kanya si Kaeley ng mga tungkol sa campus nang biglang huminto si Kaevyn na nagpahinto rin sa kanila.
Bago pa man siya makapagtanong ay nagtatakang napatingin sa kanya ang pinsan at tinanong siya, “Saglit nga muna Insan, paano mo nalaman ang daan papuntang room? At higit sa lahat, paano mo nalaman ang magiging room natin?”
Natigilan naman si Faye sa narinig pero agad namang nakaisip ng palusot. “Malamang kasi nakita ko na?” natatawang patanong niyang sagot.
“Eh, akala ko ba kararating mo pa lang?” takang tanong naman ni Kaeley na tinanguan pa ni Kaevyn.
“What? I was here almost half an hour now. Halos malibot ko na nga ang buong school eh,” parang wala lang na sagot niya, sounding like it wasn’t actually a lie.
Well, although she was lying when she said she was already here even though kararating niya pa lang, she wasn’t guilty since she really knows everything about the school.
“Eh? Bakit hindi ka agad nagsabi!” biglang sigaw ni Kaeley na nagpangiwi sa kanilang dalawa ni Kaevyn.
“Look, I’m sorry, okay? It was just that, I got so excited and was planning to surprise you two, but I so much enjoyed my little tour around the campus I’ve forgotten about you two,” she said it like it was actually a real fact.
And seems like they believe it as the two nodded synchronize with each other. And hindi na nila kinulit pa si Faye at nagpatuloy na lang sa room nila. At habang naglalakad papunta sa room ay ginawa ni Faye ang lahat sa isip on how to be friendly and approachable as she could be to them. Although she will not and will never be the one who would approach first.
However, she hated these bunch of classmates she has, they are still part of the plan and some of them also have their role so she would carefully thread everything in her hand. Maybe, she could start from them before with the culprit.
At dahil medyo boring, now that she has remembered it was one week before the guys enter the school and showed up. Thinking about what she would do in those days, nakaramdam agad siya ng pagkabagot.
Since sa buong linggo na ‘yun ay wala talagang mangyayaring exciting sa kanya since as of now, she was still an unknown newbie for everyone. No reason for them to feel jealous and hate towards her. No reason to bully her.
So why not make one for them?
At least with this, she would no longer find the reason of their hate and envy towards her so f*cking stupid, lame, and immature. She thought that with those minds, only idiots could think of it. So inhumane.
In short, they were all inhumanly idiotic in her eyes.
“Geez,” wala pa man ay nae-excite na siya. After this, they should thank her and be grateful to her, ‘cause she will make them all human-ly being.
to be continued...