Chapter Twenty Two

2464 Words

Paano kaya kung hindi ko kasama ang dalawang ito? Paano kung hindi ko sila nakilala at naging kaibigan? Baka sa araw-araw na nasasaktan ako hirap na hirap akong bumangon dahil wala man lang akong mapagsabihan. Simula noong dumating sila sa buhay ko ay hindi lang gumaan ang pakiramdam ko sa bawat araw, kung hindi naramdaman ko rin ang magkaroon ng maituturing na kapatid mula sa ibang mga magulang.     "What's with the topic? Bakit usapang love life? Sa lakas ng boses ni Lei ay iyon agad ang naririnig namin?" Agad na naimulat ko ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.     Si Rusty ang unang bumungad sa akin na nakatayo sa tabi ni Lei. Bahagya pang sumakit ang ulo ko dahil baliktad ang tingin ko. Mabilis akong bumangon at inalalayan naman ako ni Lei bago sila hinarap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD