I turned my back at the man I love with that hollow feeling inside my chest. Hindi ko siya kayang tingnan sapagkat mas ipapaalala lang sa akin na kahit ano pa ang gawin ko ay wala lang ako sa kanya. Noong nakita ko ang malalamig niyang mga mata ay pakiramdam ko gusto ko na lang umiyak sa kinatatayuan ko kanina… alam ko kasi na babalik na ulit kami sa dati. Lahat ng pag-asang unti-unting umusbong sa akin ay magkakasabay na namatay. Ang tanga ko. I feel so dumb thinking about him all the time when I know he is not thinking about me at all. Ang daya naman kasi! Para bang ipinaramdam lang sa akin ng tadhana ang panandaliang kasiyahan. Gusto ko tuloy itanong sa kanya kung bakit ang bilis namang bawiin? Hindi ba ako puwedeng humingi ng extension? Kahit ilang araw pa… I feel