Chapter 18

2047 Words

Althea's POV Nabobored ako, gusto kong lumabas para bumili ng tinapay pero wala naman akong makasama. Nakakalabas naman ako ng lugar na ito ng mag-isa, hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan nila ako na nakakalabas ng rancho ng mag isa maliban na lang kung nandito si Marcus dahil lagi nya akong sinusundan kahit saan ako magpunta. Madalas akong lumabas kapag wala si Marcus at kung minsan nagpupunta pa ako ng tindahan para bumili ng softdrinks at tinapay. May malapit kasing tindahan dito at mula ng dumating ako dito ay hinahayaan lang naman nila ako sa mga ginagawa ko. Hindi naman ako makalayo dahil liblib masyado ang lugar na ito, nakakatakot lalo na sa gabi dahil iilan lang ang bahay na nakikita ko, layo-layo pa ang mga bahay dito at madilim ang paligid dahil walang ilaw sa labas mali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD