SOFIE Dahil nasira ang damit na suot ko kanina, kaya wala akong ibang option kung ‘di ang manatiling suot ang damit ni Chase habang naghihintay kaming dumating ang taong inutusan niya para bumili ng damit na isusuot ko pauwi. Hindi ako puwedeng lumabas na damit niya ang suot ko o kaya naman ay muli kong isuot ang pinunit niyang skirt at uniform ko. Mabuti nga at maayos pa ang bra ko. Tanging ito na lang ang nagamit ko dahil bukod sa nasirang zipper ng skirt ko ay natanggal rin pala ang butones ng blouse ko. Kahit ang underwear ko ay napunit rin, kaya wala tuloy akong suot na kahit anong panloob. Ang awkward tuloy sa pakiramdam na t-shirts lang ni Chase ang nasa katawan ko, kaya nanatili na lang ako dito sa loob ng silid niya dahil nahihiya ako sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa matal