SOFIA Nang matapos ko ang trabahong ginawa ko sa base ng Magna El Cajon ay umuwi na agad ako sa bahay ko dito sa New Manila para magpahinga saglit. Na-miss ko ang aking malaking silid dito, lalo na ang malapad at malambot na kama habang bukas ang air-condition, kaya nakatulog agad ako matapos maligo. Gabi na nang magising ako dahil sa malakas at sunod-sunod na pag-ring ng cellphone na nasa ulunan ko. Biglang pumitlag ang puso ko ng makita ko ang number ni Chase sa screen ng cellphone ko. May bahagi ng isipan ko ang nag-uudyok na sagutin ko ang tawag niya pero nagdadalawang-isip akong gawin ito. Hinayaan ko na lang na maputol ang tawag ni Chase. Minabuti kong huwag ng sagutin ang tawag niya dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako handa na kausapin siya. Nakita ko ang galit sa mga mata n