Chapter 29

1728 Words

CHASE “Daddy Chase!” Patakbong lumapit sa akin si Ella ng makita niyang lumabas ako sa pintuan at mabilis na niyakap ng mahigpit. Binuhat ko siya at mabilis na naglakad palapit sa sofa, kung saan nakaupo at naghihintay sa akin ang sister-in-law ko na si Roxy. “May problema ba?” agad na tanong ko pero kay Roxy nakatingin. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Ella at naluluha ang mga matang niyakap ako. “Daddy Chase, inaaway po ako sa school,” malungkot ang tinig na sumbong sa akin ni Ella. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko dahil ginagawa ko ang lahat para protektahan siya simula ng mawala ang kapatid ko. “Bakit ka nila inaaway sa school?” kunot ang noo na tanong ko sa pamangkin ko. “Ang sabi po ng mga classmates ko sa akin ay wala raw po akong daddy,” humihikbi na sagot ni Ella.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD