SOFIA Dito sa loob ng silid ko inabot ng magdamag si Chase. Nauna pa akong bumangon sa kaniya dahil nangangalay na ang buong katawan ko. Nakadantay kasi sa mga hita ko ang binti niya, kaya hindi ako makagalaw kasi ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. “Good morning, Ate Em,” bati ko sa kaniya ng abutan ko siyang nagluluto dito sa kusina. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin. “Good morning, Sofie. Ang aga mo namang bumangon. Nagugutom ka na ba?” “Hindi pa, ate,” agad na sagot ko. “Ano ba ang almusal natin?” Lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung ano ang niluluto niya. “Sinangag ko ang tirang kanin kagabi para hindi masayang. Marami pa ang natira kasi hindi ka naman kumain dito,” paliwanag ni Ate Em. “Kasya ba ‘yan for three people, Ate Em?” tanong ko sa kaniya. “Bakit? May bi