SOFIA “Ano'ng pangalan mo?” mahina at maingat na tanong ko sa babaeng kausap ko. “Liberty,” tipid na sagot nito. “Kung natatakot ka para sa kaligtasan mo, Liberty, I can assure you na walang ibang makakaalam ng tungkol dito maliban sa ating dalawa pero kung hindi ka makipag-cooperate sa akin, I have my own ways, para makuha ko ang kailangan ko and I'm telling you, it's not a nice way at all,” pormal at walang emosyon na sabi ko sa kaniya. Nakita kong natigilan ang babaeng kausap ko at biglang nag-lumikot ang mga mata niya. Bakas ang pagkalito sa kaniyang mukha at para bang biglang natakot para sa kaligtasan niya. “Pero kapag makipag-cooperate ka sa akin, I can guarantee na ligtas ka, gano'n rin ang pamilya mo. Kaya kitang bayaran kahit magkano. Money is not a problem at all, basta mal