SOFIA “Sofieeee!” Napa-ngiwi ako ng marinig ko ang malakas at matinis na tinig ni Sabrina nang bumaba ako sa kotse ko. “Daig mo pa ang may nalunok na microphone kung makasigaw ka ng pangalan ko. Pati tuloy mga kapitbahay mo, kilala na ako,” natatawang sabi ko sa kaniya ng makalapit sa akin. “Wrong! Wala kaming kapitbahay, Sofie,” nakangiting sagot ni Sabrina. Inikutan ko siya ng mga mata. “Nasa loob pa ba ang daddy mo, Sab?” agad na tanong ko sa kaniya. “Bakit siya agad ang hinahanap mo, Sofie?” maarteng tanong niya sa akin. “May kailangan kasi ako sa Daddy mo, Sab,” agad na sagot ko. Biglang humaba ang nguso ng kaibigan ko. “Natutuwa na sana ako at dinalaw mo ako ngayon dito sa bahay pero si daddy naman pala ang gusto mong makita,” tila nagtatampong sabi ni Sabrina . Biglang n