“I guess, siya ang asawa ni Prince Yuri.” “Ang swerte niya.” “Talagang swerte.” “Infairnes, maganda siya ha.” “Paanong hindi gaganda ‘yan eh nabihisan na ng damit pang-mayaman.” Narinig kong bulungan ng mga babae. May mga bulungan pa akong naririnig pero hindi ko na lang pinakinggan pa. Hindi ko ba alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyayari ngayon o hindi. Hindi ko naman kasi pinangarap na maging sikat at pag-usapan ng maraming tao. Hindi ako famewhore or attention seeker. Nagulat na lamang ako nang biglang hinila ni Yuri ang kaliwang braso ko at ipinulupot sa kanang braso niya. Yumuko ito at bumulong. “Don’t mind them. Dumiretso ka lang nang tingin at maglakad na parang wala sila.” Tumingala ako kay Yuri at bumulong rin. “Hindi ko alam na sa kabila ng kagaspangan ng ugali mo,