Chapter 3

1615 Words
AGATHA "Ate, kapag sumama ba ako sa kanila, ipagagamot po ba nila ako?" Malakas ang kaba na naisip kong itanong bigla kay Ate Crista. "Anong ipapagamot sa iyo?" agad na tanong ni Mr. James na nakuha ko ang atensyon ng marinig ang sinabi ko. "C-covid po. May virus po ako, sir. Kaya nakakulong ako dito sa bahay ni Ate Crista, para hindi po ako makahawa," naluluha at nauutal na sagot ko, habang lihim na nanalangin na huwag sanang magkatotoo ang sakit na sinabi ko, dahil ito lang ang naisip kong isagot para hindi nila ako isama. Napanood ko kasi sa balita na kapag tungkol sa sakit na ito ang usapan, lahat ay natatakot, kaya naisip kong baka p'wede ko itong gamitin para iligtas ang sarili ko sa panganib na nasa harap ko. "Punyeta! Bakit hindi mo sinabi agad ng maaga?" bulyaw na tanong ni Mr. James kaya lalo lamang akong napaiyak. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganito. Never akong sinaktan ng mga magulang ko, pero itong mga taong kasama namin dito ay handang gawan ako ng masama. Masama man ang magsinungaling, na bihira ko lang gawin, dahil natatakot ako sa karma ay napilitan ako dahil ayaw kong kunin nila ako at gawing parausan ng may edad na lalaking na budol daw ng kapatid ko. "Lumayas ka sa harap ko babae ka! Baka mamatay ka sa bala ng baril ko at hindi sa lintik na virus na iyan!" malakas na singhal ni Mr. James, kaya dali-dali akong tumakbo palayo sa kanila. Mabilis na pumasok ako sa silid na tinutuluyan ko at humihingal na sumiksik sa gilid ng kama sa takot na baka magbago ang isip nila at kunin ako. Hindi nagtagal, narinig ko ang malakas na mga kalabog ng pintuan. Mukhang umalis na sila dahil tahimik na at hindi ko na naririnig ang mga ungol ni Ate Crista, pati na rin ng mga lalaking gumamit sa kanya. Hindi ko alam kung anong buhay dito sa Maynila meron ang kapatid ko, pero isa lang ang sigurado ako at iyon ay magulo at mapanganib, lalo na maraming lalaki ang nakita kong nakakatalik niya. Naisip ko na hindi kaya pokpok ang kapatid ko? Panginoon ko, huwag naman sana. Isipin ko pa lang na ganito ang trabaho niya ay sobrang nakakapanghina na. Nag-angat ako nang luhaang mukha ng bumukas ang pintuan at pumasok si Ate Crista. Nakasuot na siya ng roba na may tali sa maliit niyang bewang. Ito rin ang suot niya kanina na hinubad sa kanya ng mga tauhan ni Mr. James bago siya pinagpasa-pasahang angkinin. "Kung anuman ang mga nakita mo, normal na lang iyan sa araw-araw na buhay ko, Agatha," parang walang nangyari na sabi ng kapatid ko na nakatayo sa harapan ko at mukhang relax na, hindi gaya ko na heto at nanginginig pa sa takot. "Mag-isa lang ako dito sa Maynila. Ayaw kong habang buhay na naghihirap, kaya ginagamit ko ang katawan at utak ko para ma-maintain ko ang magarang bahay at sasakyan na meron ako, pati na rin ang exciting na lifestyle ko." Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakasiksik sa gilid ng kama at pinakikinggan siya. Magulo pa rin kasi ang utak ko at hindi pa makapag-isip ng tama, kaya hindi ko magawang kausapin siya. "Gusto mo bang turuan kita?" tanong ni Ate Crista kaya mabilis na umiling ako. "Ate, natatakot po ako," agad na sagot ko. Tumawa ng malakas ang kapatid ko na sinuri ang kabuuan ko. "Tama si James, maganda ka. Malaki ang magiging pakinabang ko sa iyo, lalo na at gaya ko ay matalino ka. Ang galing mo kanina, nalusutan mo siya," sabi pa nito kaya napayuko ako. "Ipapasok kita sa restaurant ng kaibigan ko. Malaki ang kikitain mo kung susundin ko ang gusto ko, Agatha. Maraming mayayaman ang pumupunta doon at kapag ginamit mo ang utak at katawan mo, siguradong yayaman ka rin gaya ko," nakangiting sabi ng kapatid ko na parang walang takot sa diyos na sinabi sa akin kung paano ginagamit ang katawan para mang-scam ng mayamang mga kalalakihan. "Kailangan mo iyan para kumita, Agatha. Pera ang nagpapagalaw sa mundo. Kapag meron ka n'yan, lahat ay magagawa mo," sabi pa ni Ate Crista, kaya natulala na lang ako. Hindi nga ako nakuha ni James pero heto, gusto ni Ate Crista na pumasok ako bilang waitress sa isang sosyal na restaurant at gamitin ang katawan ko para kumita ng limpak-limpak na pera. Isipin ko pa lang na tatapak ako sa lugar na iyon ay kinikilabutan na ako. Ano pa kaya kapag nagtatrabaho ako doon at gagawin ko ang gusto niya para kumita ng malaking halaga? "Ate, gusto ko rin pong kumita ng pera. P'wede po bang kahit waitress na lang muna ako?" nahihiya at kinakabahan na tanong ko. "Bahala ka," balewalang sagot ng kapatid ko. "Maligo ka ulit at mag-bihis ng maayos na damit, dadalhin kita sa kaibigan ko at doon ka muna. Mas ligtas ka kapag stay-in ka sa restaurant. Hindi gaya dito sa condo na natunton na ng mga naloko ko," sabi ng kapatid ko na muling sinuri ang kabuuan ko. "Bilisan mo at may gagawin ako. Maghahanap rin ako ng malilipatan mamaya, dahil siguradong babalik dito si James," seryosong sabi pa ni Ate Crista. Ang bilis ng mga pangyayari. Pinasuot ako ni Ate Crista ng maikli at hapit sa katawan na kulay pulang damit at pinarisan ng mataas na sapatos. Siya rin ang nag-ayos ng buhok at make-up sa mukha ko, kaya halos hindi ko nakilala ang sarili ko ng humarap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. "Kailangan sophisticated ka kung kumilos at magsalita, Agatha. Huwag gan'yan na napakakupad mong kumilos tapos mahinhin ka pa. Hindi uso ang Maria Clara na pananakit mo dito sa Maynila. Hindi dito katulad sa probinsya na ayos lang kahit manang at lusyang ka," magkasunod na sabi ni Ate Crista. Isa kasi ito sa napupuna talaga sa akin noon pa. Masyado raw akong mahiyain at mahinhin kung kumilos at magsalita, bagay na proud ang mga magulang ko sa akin. Kahit kasi dalaga na ako at malaking bulas ang katawan ko ay never akong nag-paligaw at tumanggap ng manliligaw. Makapag-tapos sa pag-aaral ang main goal ko sa buhay. Malimit kasi ay sinasabi ni mama sa akin na darating ang araw, gusto niya akong makitang successful at may hawak na diploma. Hindi gaya sa mga kadalagahan sa nayon na maagang na buntis at may mga anak nang priority, kaya hindi na nakatapos kahit high school man lang. "Baba na, Agatha!" malakas na utos ni Ate Crista na kanina pa pala ako kinakausap at nakahinto ang sasakyan sa harap ng isang maganda at kumikinang na establishment. Nakatulala lang kasi ako simula kaninang sumakay sa sasakyan niya at nakatutok ang mga mata sa daan. Ngayon ako nakaramdam ng labis na takot at kaba matapos makita ang malawak na kalsada at nagtataasang mga building na para bang kapag bumaba ako sa kotse ni Ate Crista ay baka mawala ako dahil hindi ko talaga maalala ang daang tinahak naming dalawa. Sa isang magandang opisina ng kaibigan ni Ate Crista kami tumuloy. Agad na sinuri nito ang kabuuan ko matapos maupo sa harap niya. "Malakas ka sa akin, Crista at maganda ang kapatid mo kaya tanggap na siya," sabi ng may edad na lalaking hindi ko inaasahan na magiging kaibigan pala ng kapatid ko. Ngumiti si Ate Crista at sinabing ang kausap niya na raw ang bahala sa akin. Bumaling siya sa akin at sinabing stay in umano ako hostel na provided ng restaurant para sa mga staff ng establishment. "Isa lang ang ayaw ko, ang tamad at makupad," masungit na sabi ng bumaling na kaharap ko sa akin, kaya kinakabahan na yumuko ako, dahil mukhang alam na niyang mahinhin at mabagal nga kung kumilos. "Gagawin ko po ang best ko na maging maganda ang trabaho ko dito, sir," magalang na sagot ko. "Sabi ko naman sa iyo, George, maasahan si Agatha," maluwag ang ngiti na sabat ng kapatid ko na tinanguan lang ng kaharap. "Oh, paano, ikaw na ang bahala sa kapatid ko, George," malambing na sabi pa ni Ate Crista sa kausap. Nakangiting bumaling sa akin ang kapatid ko na tila ba masaya ito, bagay na nagpakaba sa akin ng husto. "Magpakabait ka dito at gawin mo ang lahat ng gusto at ipag-uutos ni George, maliwanag ba, Agatha?" may ngiti sa labi na tanong ni Ate Crista kaya agad na tumango ako. "Magaling." Tanging narinig ko bago pumalakpak ang dalawang mga kamay ni Ate Crista at inilahad ang kanang palad sa kaharap. "Here's your cheque, Crista," sabi ni Sir George, matapos pilasin ang kapirasong papel na pinirmahan niya. "Make sure na susunod ka sa usapan," seryosong sabi ng matandang amo ko, bagay na hindi ko maunawaan. Hindi ko alam kung anong laman at nakasulat sa kapirasong papel, pero hindi na ako nagtanong pa. Nakita ko na lang na maluwag ang ngiti ni Ate Crista at nagniningning ang mga mata na bumaling sa akin. "Pakabait ka kay George, Agatha," sabi nito. Isinilid na niya sa loob ng dalang magara at mamahaling handbag ang pinilas na papel, bago tumayo at naglakad papunta sa pintuan. Tinawagan naman ni Sir George ang kung sino at sinabing pumunta dito dahil may new staff raw dito sa restaurant na kailangang turuan. Wala akong nagawa kung 'di ang ibaling ang paningin ko sa saradong pinto kung saan lumabas ang kapatid ko. Umaasa ako na sana lang, this time, hindi ako nagkamali na sinunod ko ang gusto ni Ate Crista. Sabi naman niya kanina ay para sa kaligtasan ko, kaya dinala niya ako dito. Siguradong babalik daw kasi si Mr. James sa condo at hahanapin siya. Ayaw niyang mapahamak ako, kaya pumayag at nagtiwala ako sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD