AGATHA
Malakas ang ihip ng hangin habang unti-unting dumidilim ang kalangitan. Luhaan na nakatayo ako habang nakatitig lamang sa harap ng dalawang puntod na bagong tabon ng lupa.
Sila ang mga magulang ko. Sabay silang namatay sa araw mismo ng seventeen birthday ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Masaya kaming lahat habang kumakanta si papa nang favorite song nila ni mama ng bigla siyang natumba sa lupa at umagos ang puting likido sa nakaawang at bumubulang bibig.
Nataranta kaming lahat, lalo na nang bigla na lang bumagsak sa sahig si mama. Napako ako sa kinatatayuan ko habang hindi ko malaman kung sino sa kanilang dalawa ang uunahin kong dalhin sa ospital at iligtas nang mangyari ang trahedyang iyon sa buhay ko.
Dead on arrival si papa. Lason ang ikinamatay niya na mabilis kumalat sa buong katawan, habang si mama ay idineklarang patay na after an hour dahil hindi na na-revive matapos atakihin sa puso.
In instant, naging ulila ako. Bigla ay mag-isa na lang dito sa mundo. Tulala at hindi ko alam kung paano magsisimula habang nakatitig sa bangkay ng mga magulang ko.
Nang mga oras na iyon, magulo ang takbo ng isip ko at gusto ko na rin mamatay. Panay lamang ang tulo ng luha ko dahil halos hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para magsalita dahil nauuwi sa malakas na hagulhol sa tuwing sinusubukan ko. Wala na ako sa sariling katinuan lalo na at hindi ko alam kung saan kukuha ng malaking halagang pambayad sa lahat ng mga gastusin sa burol at libing ng mga magulang ko.
Laking pasasalamat ko sa mga ka-baryo namin dahil nailabas ko ang mga magulang ko sa ospital. Napakalaking responsibility para sa akin ang burol at libing nila. Wala akong kahit anong ipon. Estudyante pa lang ako at umaasa sa mga magulang ko na nagpapaaral sa akin.
Luckily, dumating ang half sister ko. Si Ate Crista, kapatid ko siya sa ama sa unang asawa ni papa. Para siyang anghel na bumaba sa langit ng bumungad siya sa pintuan ng bahay namin, kung saan nakaburol ang mga magulang ko.
Sophisticated, maganda at halatang mayaman. Kahit naka-itim siya ay hindi maitatago ang karangyaan sa pananamit na suot niya.
Si Ate Crista ang tumutulong sa amin dito sa probinsya. Nakatira siya sa Maynila at nagtatrabaho doon. Tinawagan ko siya agad at ipinaalam ang nangyari sa mga magulang ko. Laking pasasalamat ko na dumating siya at hindi ako pinabayaan na akuin lahat ang responsibilidad na alam kong wala akong kakayahang pantayan ang ginawa niya para sa mga magulang ko.
"Let's go, Agatha, malapit ng dumilim. Hindi safe para sa atin ang magtagal dito, lalo na at mga babae tayo," malumanay na sabi ni Ate Crista.
Walang imik na tumango ako dahil hindi ko kayang magsalita o ibuka man lang ang bibig ko. Pakiramdam ko kasi parang may bikig sa lalamunan ko na kaunting kibot ay iiyak na naman ako.
Ayaw kong iwan ang puntod ng mga magulang ko, pero kailangan ko nang sumama kay Ate Crista pabalik sa bahay. Kami na lang kasi ang naiwan dito sa sementeryo dahil matagal ng umalis at nagpaalam ang mga taong nakiramay at nakilibing kanina.
"Sakay na," utos ni Ate Crista.
Ang ganda ng sasakyan niya, halatang mamahalin at pang mayaman. Hindi ko alam kung anong trabaho ni Ate Crista at hindi na rin ako nag-abala na magtanong pa, dahil masyadong magulo ang isipan ko sa mga oras na ito.
Umuwi kami sa bahay. Akala ko ay magpahinga muna kami, pero sabi ni Ate Crista ay kailangan na niyang bumalik ng Maynila at dapat ay kasama ako.
"Ate, pwede po bang hindi muna ako sumama sa iyo at dito muna sa bahay hanggang matapos ang forty days para sa daily prayer nina papa?" malungkot na tanong ko.
"Hindi pwede, Agatha. Babae ka at dalaga na. Hindi kita pwedeng iwan dito ng mag-isa. Tayo na lang dalawa ang natitira ngayon dito sa mundo. Hindi ko gustuhin na pabayaan kang mag-isa, baka multuhin pa ako ni papa," pormal na sagot ng kapatid ko.
Wala akong nagawa kung hindi ang mabilis na ilagay sa bag ang ilang piraso ng mga damit ko. Hindi man lamang kami kumain ng mabilis na sumakay ng sasakyan ni Ate Crista sabay harurot na akala mo ay may hinahabol siyang byahe.
Sa bilis ng takbo nang sasakyan ni Ate Crista ay nakarating kami agad sa Maynila. Ilang oras lang ang naging byahe namin mula sa probinsya namin sa Zambales dahil para siyang nakikipag-karera sa ibang sasakyan. Mabuti na lang talaga at may mga nagtitinda ng pagkain sa kalsada at kahit paano ay hindi ako na gutom lalo na at hindi naman kami kumain bago umalis sa bahay.
Malaki at matatayog na building ang bumungad sa akin ng sa unang pagkakataon ay nakita ko dito sa lungsod. Nakakatakot tingnan at nakakalula, lalo na ng sumakay kami ni Ate Crista sa elevator. Pakiramdam ko parang lumilindol sa kinatatayuan ko. Kinabahan at talagang na takot ako ng gumalaw at umandar paakyat sa itaas ng building ang maliit na silid at purong salamin habang lulan kaming dalawa ng kapatid ko.
Halos umikot ang paningin ko ng biglang tumigil at bumukas ang pintuan. Nangangatog pa ang tuhod na humakbang ako palabas at sumunod sa kay Ate Crista na naglalakad ng mabilis na akala mo ay walang nangyari at normal lang ang sumakay sa elevator.
Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok kami ni Ate Crista sa isang magarang bahay. Larawan ito ng karangyaan, malayo sa buhay namin sa probinsya.
Laking pasasalamat ko na hinatid ako ng kapatid ko dito sa silid na tinutuluyan ko ngayon. Dahil sa pagod, mabilis akong nakatulog at tanghali na ng magising. Pagmulat ko pa lang, laking pagtataka ko ng makarinig ako nang sunod-sunod na ungol at sigaw na nanggagaling sa kabilang bahagi ng silid na tinutuluyan ko.
"Ahhhh! Sige pa!" Malalakas na ungol na narinig ko.
"Oh my god! Tama 'yan, ang sarap!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sigurado akong boses iyon ni Ate Crista mula sa silid niya. I wonder kung ano kayang kinakain niya at sarap na sarap siya.
Nag-inat ng mga braso na bumangon ako. Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at sinilip ang labas pero lalo lamang lumakas ang mga ungol at halinghing ni Ate Crista.
"Deep, baby! Ohhh…"
Kumakabog ng malakas ang dibdib na naglalakad ako para sundan ang ingay na naririnig ko para matunton kung nasaan ang kapatid ko. Hindi naman malaki ang bahay niya, pero pang mayaman, lalo na at napakataas pala ng lugar na kinatatayuan nito.
Sinundan ko ang mga impit na ungol at tili ni Ate Crista at dinala ako sa harap ng isang pintuan. Kakatok na sana ako ng napansin kong nakaawang ang pinto kaya dahan-dahan na tinulak ko ito. Hindi ko inaasahan ang makikita kong bumulaga sa inosenteng mga mata ko nang mainit na tagpong bumungad sa paningin ko.
Nakahiga si Ate Crista patihaya at nasa dulo ng kama. Nakalaylay sa sahig ang isang paa, habang ang isa naman ay naka-sampay sa balikat ng malaking katawan ng isang lalaking hubot-hubad na nakatalikod sa akin, habang panay ang sayaw at giling ng katawan nito, dahilan para lalo pang lumakas ang ungol at halinghing ng kapatid ko.