AGATHA
"Aray!" malakas na daing ko ng kaladkarin ako ng taong may hatak sa akin at mahigpit na nakahawak sa braso ko papunta sa kung saan.
"Bilisan mo, bago ko pa pasabugin ang ulo mo!" malakas na singhal nito sa akin, habang malalaki ang hakbang palayo sa silid kung saan ako sumayaw.
Nahihirapan akong sumabay sa kanya. Bukod sa mabilis siyang naglalakad, mataas ang takong ng sapatos na suot ko. Masakit na rin ang paa at binti ko, kaya hirap talaga akong humakbang lalo na at kinakaladkad niya ako.
Sa isang silid ako dinala ng lalaking may hawak ng barìl at sinabi huwag akong gagawa ng ingay at itikom ko ang bibig ko, kaya napalunok na lamang ako, sabay yuko sa takot na baka barilin niya ako.
Laking pasasalamat ko nang iwan ako ng lalaking nagdala sa akin dito sa silid na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin ngayon, pero isa lang ang alam ko at iyon ay nanganganib ang buhay ko sa kamay ng sindikatong may hawak sa akin sa mga oras na ito.
Hinintay ko na lamang ang susunod na mangyayari. Kahit takot at kinakabahan, nakatulog ako. Nagising na lamang nang marinig kong bumukas ang pintuan at may nagdala ng pagkain ko.
Kasabay ng pag-sarado ng pinto ay ang sunod-sunod na patak ng mga luha sa mga mata ko. Tuluyan ko ng hindi napigilan ang kanina ko pa kinikimkim na takot at sama ng loob.
Pasalampak na nakaupo ako sa sahig at hinimas ang masakit na sakong. Nasugat rin kasi ang paa ko, dahil hindi naman talaga ako sanay mag-suot ng ganito kataas na sapatos kaya nahirapan ako.
Mahapdi ang nabaklas na balat at nakita ko ang natuyong dugo sa na sugatang daliri sa paa. Pakiramdam ko, saglit na nagdilim ang paningin ko at sumikip ang paghinga ko, matapos kong makita ang pulang likidong patak at mantsa sa sahig dahil naalala ko kung paano kumalat ang dugo mula sa ulo ni Gayuna ng barilin siya ng lalaking pumatay sa kanya kanina.
Pasalamat na lang ako at buhay pa ako at hindi sinaktan ng lalaking iyon kaya lang, natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin, lalo na at nakakulong lamang ako ngayon sa loob ng apat na sulok ng silid na ito.
Dahan-dahan na hinubad ko ang mataas na sapatos at pumunta sa banyo. Laking pasasalamat ko at may nakita akong roba na siyang ginamit ko matapos maligo dahil pakiramdam ko nangangati na ang balat ko dahil sa makapal na make-up na nasa mukha ko.
Nagulat ako ng sa paglabas ko, naabutan ko si Sir George na nakatayo at seryoso ang mukhang nakatitig sa akin. Pilit na pinalalakas ko ang loob ko habang nakatayo at mahigpit na hinawakan ang tali ng suot na roba at sinigurong walang siyang makikita sa kahit anong pribadong bahagi ng katawan ko.
Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makakilos ng humakbang siya palapit sa akin at pinasadahan ng mga mata ang buong katawan ko.
"Sayang at milyones ang katapat mo, Agatha. Matagal na akong nagpipigil na angkinin ka, pero malaking pera ang patong d'yan sa ulo mo. Kahit gusto na kitang tikman, magtitiis muna ako, pero kapag pinagsawaan ka na ni Madrigal, gusto kong hubad at nakahiga ka d'yan sa kamang iyan kapag papasukin kita dito sa silid na ito," nakakatakot at parang sinapian ng masamang espirito na sabi ni Sir George sa akin.
Nag-iwas ako ng mukha ng akmang hahalikan niya ako. Nandidiri ako sa kanya, lalo na sa mabaho at nakakasuka ang amoy ng hininga niya, pero wala akong nagawa ng sunggaban ni Sir George ang leeg ko at pisilin ang dibdib ko.
Nagpupumiglas ako, pilit ko siyang itinutulak habang nanginginig ang buong katawan. Masyadong malakas ang walang hiyang matandang puno ng pagnanasa sa katawan ko na niyakap ako ng mahigpit.
"Stop that, George, or else, I'll blow your fuckìng head!" malakas na utos ng isang lalaki mula sa speaker.
Humihingal na binitiwan ako ni Sir George. Tinapunan niya ako ng masamang tingin, sabay dila sa pang-ibabang labi at saka parang demonyong ngumisi, bago tumalikod at mabilis na lumabas sa silid na kinaroroonan ko.
Naiwan akong nanginginig sa takot habang umiiyak. Once again, nakaligtas ako sa masamang tangka ng walang-hiyang matandang iyon, pero hanggang kailan?
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo at umiiyak hanggang sa nakatulugan ko na ito. Wala rin akong ideya kung anong oras nagising dahil walang orasan o kahit ano dito sa silid maliban maliit na speaker at nakatutok na cctv camera na alam kong napapanood ng kung sinong nagkulong sa akin ang bawat kilos ko.
Hindi na ako nakalabas pa dito sa silid na pinagdalhan sa akin ng lalaking kumaladkad sa akin palayo sa entablado. Inabot na ng ilang araw, pero nanatiling nakakulong lamang ako sa k'wartong tinutuluyan ko.
May nagdadala lamang ng tubig at kakarampot na pagkain ko araw-araw para manatiling buhay ako. Walang kahit anong bintana sa silid na ito, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng labis na lungkot na halos ikabaliw ko.
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Sir George sa akin, pero may ideya ako na ipinagbili na nila ako sa lalaking tinawag niyang Madrigal, kaya lalo lamang akong nag-aalala sa maaaring sapitin ko sa kamay ng lalaking iyon.
Kain, tulog at ehersisyo para manatiling fit ang katawan ko ang routine ko sa araw-araw. Ito ang mahigpit na utos na sinabi ng babaeng kumuha ng pinagkainan ko na kahit narito ako sa silid, mahigpit ang bilin ng amo namin na dapat ay mag-exercise ako at sundin ang rules niya dahil kung hindi, parurusahan ako ng kan'yang mga tauhan.
Akala ko habang buhay na akong nakakulong sa silid na kulungan ko, pero sa pang-anim na araw, biglang may dumating na dalawang lalaking may sukbit na baril at sinabing sumama ako sa kanila. Dulot ng matinding takot ay nagpumiglas ako, hanggang sa naramdaman kong may itinakip sa ilong ko at bigla na lang ay nahilo ako.
Nanghihina at umiikot ang paningin ko ng sumunod na nagkamalay ako. Madilim ang kapaligiran ng imulat ko ang mga mata ko. Wala akong makitang kahit ano kung 'di puro dilim at tanging ang matinding lamig na nanunuot sa kalamnan ko ang nararamdaman ko, pati na rin ang naririnig kong malalakas na tinig at hiyawan ng mga taong hindi ko alam kung saan nanggaling.
"And now! For our final round, here's our prize and trophy!" malakas na sigaw ng isang lalaki na sa pakiramdam ko ay malapit lamang sa akin.
Biglang nawala ang itim na telang nakabalot sa kinaroroonan ko at nakakasilaw na liwanag ang sumunod na bumungad sa mga mata ko, kaya mabilis akong napapikit dahil nasilaw ako sa tama ng liwanag sa mukha ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong nakatali pala ang mga kamay ko paitaas sa loob ng isang hawla. Suot ang kakarampot na takip sa maselang bahagi ng katawan ko at napapalibutan ng napakaraming tao habang nasa ibabaw ng ring kung saan nakatutok sa kinatatayuan ko ang nakakasilaw na ilaw kaya nagpumiglas agad ako.
Paulit-ulit na nagmamakaawang pakawalan nila ako pero para silang mga bingi at kahit isa, wala man lang tumulong sa akin.
Gusto kong sumigaw pa ng mas malakas pero napaos na ako. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko na kaya ang matinding takot at stress na naranasan ko sa kamay ng sindikatong may hawak sa akin at mukhang ito na ang katapusan ko.
May tinawag na mga pangalan ang host. Bigla ay may dalawang lalaki ang pumasok sa ring. Pareho nila akong tinitigan na para akong masarap na pagkain na talagang hindi ko kayang tagalan kaya nag-iwas ako ng tingin.
"You'll be mine later woman," sabi ng isang lalaking kaharap ko na minura naman ng isa pa.
"Yan ay kung mabubuhay ka pa," naka-ngising sabi naman ng isa.
Nakaramdam ako ng matinding takot sa paraan kung paano nila ako tingnan. Nakakatakot ang mga mata nila na parang humihiwa sa balat ko, kaya na balot ng matinding pag-aalala ang puso ko sa sasapitin ko sa kamay ng kung sinong mananalo sa kanila, pagkatapos ng larong pinapanood ko.
Nasaksihan ko ang màrahas na laban. Malayo ito sa karaniwang boxing fight na napapanood ko sa tuwing may laban sa ring ang sikat na boxing champion na si Manny Pacquiao. Dito, madugò, walang ibang rules kung 'di matira ang matibay.
Buhay ang katumbas ng katawan ko at nang kung sinong matalo sa boxing match na ito. Buhay sa buhay, kapalit ko bilang premyo sa kung sinong matitira sa labang ito.
Dalawang magkasunod na match ang nasaksihan ko hanggang sa biglang pumasok sa ring ang taong hindi ko inaasahan na makikita dito. Siya ang lalaking kinatatakutan ko ng husto na nagbibigay ng matinding kaba sa puso ko.
Siya ang lalaking walang habas na bumaril kay Gayuna. Madilim ang awra niya, nakakatakot ang bawat hakbang ng lalaki palapit sa akin, habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko na para bang wala akong magagawa para takasan siya sa mga oras na ito.
Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya, pero para siyang makapangyarihan na nag-uutos sa akin na huwag kong subukan, dahil siguradong masasaktan ako.
Tingin pa lang niya, nangangatog na ang mga tuhod at nanlalamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, hawak niya ang buhay ko sa mga oras na ito at kapag na galit siya sa akin, baka ito na ang huling araw ko sa mundo.
Malakas na anunsyo ng isang babae ang narinig ko, pero hindi inaalis ng lalaking nasa harap ko ang matalim na mga mata niya sa mukha ko. Lalo lamang bumilis ang tìbok ng puso ko, dahil nakita ko kung paano niya pinasadahan ng matalim na mga mata ang kabuuan ko.
Hindi maikakailang g'wapo siya. Arrogante ang dating ng almost perfect na mukha kung marunong lang siyang ngumiti. Matangos ang ilong at manipis ang mapulang labi, pero kapalit nito ay alam kong panganib ang hatid niya sa akin, kaya hangga't kaya kong umiwas ay gagawin ko, pero mukhang na ubos na ang swerte ko dahil heto, narito siya para sa akin at makuha ako.
Typical na parang leading man sa mga action movie ang dating sana niya, pero hindi ako nakakaramdam ng kilig gaya sa mga napapanood ko. Halos maputol ang hininga ko sa takot sa paraan kung paano niya ako tingnan bago nagsimula ang laban sa ring.
"For a very rare match, our deadly boxing king is fighting for a beautiful doll!" malakas na anunsyo at sigaw ng lalaking may hawak ng microphone at itinuro ang taong kinatatakutan ko ng gusto.
Kahit alam kong impossible, paulit-ulit na hiniling ko na naman sa panginoon na sana, masamang panaginip lamang ang lahat ng ito. Gusto kong takasan ang madugong laban na nagaganap sa harap ko habang parang hayop at walang awang pinaulanan ng malalakas at sunod-sunod na suntok ng lalaking pumatay kay Gayuna ang kalaban niya.
Minuto lang, natapos ang madugong labanan. Wala ng buhay na bumagsak sa paanan ng lalaking kinatatakutan ko ang kawawang kalaban niya. Sa isang iglap, na buksan ang hawla at kinalas ang tali sa mga kamay ko, sabay hatak sa braso ko palabas at dinala ako sa harap ng ring.
"Claim your beautiful prize, Mr. Madrigal!" malakas na sigaw ng announcer sa microphone kaya napa-atras ang mga para ko, pero mabilis na nahawakan ng lalaking kinatatakutan ko ang kaliwang braso ko.
"You're mine now, doll!" matigas na sabi ng tinawag na Mister Madrigal at huling narinig ko, bago biglang nagdilim ang paningin ko.
Hindi ko na namalayan kung paano ako binuhat ng bagong may ari sa katawan ko at mabilis na naglakad paalis sa gitna ng boxing ring at naka-ngising sumakay sa sasakyan nito.