Betty POV Nakaharap ako ngayon sa puntod ng batang si Mendez. Sobrang liit ng puntod niya, "Sana ay nakita mo ang pamilya mo diyan baby.” ani ko sa isipan. Dalawang oras kaming tumambay rito habang si manang ay ni linisan niya ang paligid dahil marami naring bagong damo ang tumubo, “Manang pagawaan ko ito ng bubong ang puntod niya para sa susunod na dadalaw tayo ay may pa silungan na tayo.” ani ko habang tinitignan ang kabuuhan ng puntod niya. Nag kamot naman ng ulo si Manang, "Yan po sana ang plano ko ma'am kaso kapus kami ng pera kaya itong trapal nalang po ang inilagay namin, pero kita niyo naman mabilis masira lalo na ulan at init lagi rito sa bukid.” ani nito. Tama siya dahil siguro sa ulat at init ay mabilis masira ang trapal na ginawa nilang bubong at tsaka mabilis lang din ang