Camella/Code Red POV Andito ako ngayon sa harapan ng headquarter, nakangiwi habang nakatingala sa malaking building na pinaglumaan na, “Hindi ba ako nawawala? Sigurado ka'ba talaga leo na ito ang headquarter?” tanong ko sa lalaki, nakasuot ako ngayon ng earpiece upang makausap ko si leo. Binigyan ko pala siya ng access sa mga cctv ng headquarter kaya nakikita niya ang bawat kilos sa mga tao sa loob. “Yes, hindi ka nawawala boss.“ sagot nito. “Boss umayos ka, may paparating.” Sabi ni leo na kampanti ang boses. Habang ako rito ay sobrang kaba ang nararamdaman. “Code Red?!” Gulat na sigaw ng isang lalaki. “Siya si Code C, ang malapit sayo at ka teamwork mo.” ani ni leo. “Ang kasama naman niya ay isang ka team mo rin pero hindi gaano ka close.” “Code C kumusta.” ani ko gamit ang boses na