Chapter 14

397 Words
Hi, guys! This story had been free to read for over over two years already. As much as I would like to make free forever, this story has been signed in another platform. Hindi naman na siguro ako gahaman, 'no? Matagal din itong FREE-TO-READ sa Dreame. Maraming salamat. **** Sa katahimikan at kadiliman ng gabi, pumailanlang ang tunog ng mga yabag at paghabol ng hininga ni Elisa. Di niya alintana ang pagod at ang mga natamong sugat sa mga paa. Ang anging mahalaga lang sa kanya ay ang makalayo sa mga taong humahabol sa kanya. 'Tiisin mo lang, Elisa.' Pagod man ang katawan subalit nanatiling alerto ang kanyang isipan. Mas nilakihan at binilisan niya ang paghakbang. Minsan pa ay lumingon siya. Sa kanyang likuran ay naaninag niya ang liwanag na nagmumula sa mga flashlights ng mga humahabol sa kanya. Malapit na sila. Pumaibabaw man ang frustrations ngunit sumasandal siya sa natitirang lakas. Pag-asa. Ang naramdaman niya nang matanaw ang highway. Pinalis niya ang luha sa mga mata dahil pakiramdam niya ay nagiging malabo ang kanyang paningin. Sa unahan ay natanaw niya ang liwanag na nagmumula sa headlight ng papalapit na sasakyan. Makakalayo ka na rin Elisa. Iniharang niya ang katawan sa daan at ikinaway ang dalawang braso sa ere. Huminto. Nabubuhayan siya ng pag-asa nang huminto iyon at bumukas ang pintuan. Dali-dali siyang lumigid sa driver's side ng maitim na sasakyan. "Mama-" Naparam ang anumang sasabihin. Sumalakay ang kaba at takot sa kanyang puso. Sinikap niyang makalayo ngunit sadyang pinaglalaruan siya ng pagkakataon. Nakatayo ngayon sa kanyang harapan ang mismong taong sinikap niyang takasan. Ang mga mata ay nakapako sa kanya. May nagbabadyang galit. Napaatras siya. Sinikap na tumakas ulit. Pero paano ba niya iyon gagawin gayong nasa likuran na niya ang mga tauhang humahabol sa kanya. Napako siya sa kinatatayuan. Di siya makakilos, namimigat ang mga paa niya dala na rin ng pagtakbo at mga sugat. Ang tanging nagawa niya lang ay ang panoorin ang dahan-dahang paghakbang nito paglapit sa kanya hanggang sa tuluyan na itong nakatayo sa kanyang harapan. Pakiwari niya ay isa siyang maliit na langgam sa harap ng isang matatag at matayog na puno. "L-lorenzo," tila nalulunod ang boses niyang sambit sa pangalang iyon. "Parang awa mo na." Ngunit parang binging walang narinig ang lalaki. Napaigik siya nang hinaklit nito ang braso niya. "You will lead me to her, no matter what."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD