THIRTEEN

1306 Words
"HI Lolo" ang masiglang bati ni Sara sa Lolo niya kinagabihan nang araw ring iyon. Oras na ng hapunan at gaya ng dati nasa komedor na ito at naghihintay sa kanyang pagbaba. Nakangiting siyang pinagmasdan ng matanda. "Kumusta ang pamamasyal ninyo ni Benjamin kanina?" Taka niyang nilingon ang kanyang Lolo. "S-Sorry hindi po ako nakapagsabi sa inyo" totoo iyon sa loob niya. "nahihiya naman kasi akong istorbohin kayo kasi alam kong busy kayo. Pero nagsabi po ako kay Aling Norma" paliwanag niya. Maaliwalas ang bukas ng mukhang tumango ang kanyang Lolo. "Siya nga ang nagsabi sa akin, pero bago iyon ipinagpaalam ka na sa akin kagabi pa ni Benjamin" ang matandang sinimulan na ang pagkain. Nabitin sa ere ang kutsara ng pagkain na hawak ni Sara. "He did?" "Oh, bakit parang nasorpresa ka? Hindi ba niya binanggit sayo ang tungkol doon?" Umiling siya. "Wala po siyang sinabi" aniyang lihim na kinikilig sa nalaman. Tumawa ng mahina ang matanda. "Hindi naman na nakakapagtaka, tahimik na bata si Benjamin. Kaya gustong-gusto ko siya" naramdaman niya sa tono ng kanyang lolo na totoo sa loob nito ang sinabi. "You like him?" hindi niya napigilang sabihin sa tinig na may kasiglahan. "Oo naman" nasa tono ng lolo niya ang pinalidad kaya hindi na siya nagtaka nang baguhin nito bigla ang kanilang topic. "seventeenth birthday mo na sa isang linggo hija" anito. Maluwang siyang napangiti. "Yeah." "Ipapaasikaso ko na ang party mo, ikaw na ang bahalang pumili ng isusuot mo. Kung gusto mo magpasama ka nalang kay Benjamin" ang huling sinabi ng Lolo niya ang nagpaluwang ng kanyang ngiti at totoong nagparamdam ng excitement sa kanya. "Thank you so much Lolo, you are the greatest!" ang masaya niyang isinatinig saka tuwang-tuwang niyakap ang matanda. Masaya ang tawang naglandas sa lalamunan ng kanyang Lolo. "Kahit ano, para sa'yo. Mainam narin iyong nagkakaintindihan tayo hija, alam mong may tiwala ako sa'yo. I'm willing to give you everything, hindi kita paghihigpitan pero sana know your limitations" anitong tinitigan pa siya ng tuwid sa mga mata. Nangingiti siya tumango. "Of course, sana nga kagaya ninyo ang Papa at Mama. Pero okay narin iyon dinala nila ako dito. At least nakasama ko kayo, and also nakilala ko si Roxanne pati narin si Benjie" aniya. Wala siyang narinig na anumang tugon sa sinabi niyang iyon, maliban sa kakaibang kislap sa mga mata ng kanyang Lolo nang banggitin niya ang pangalan ni Benjamin. Masaya siyang malaman na gusto ng matanda ang binata. ARAW ng Martes. Gaya ng mga nakalipas na, lumabas siya ng garahe at inabutan itong naghihintay na sa kanya. "Hi Benjie!" ang masaya niyang bati nang malayo palang ay nakita niyang abot-tenga ang ngiti nito sa kanya. "Good morning ma'am" tukso nito sa kanya. Naiiling siyang napalabi saka lang natawa ng mahina nang mapuna ang suot ng binata. "Nice shirt" aniya. Noon nahihiyang nagkamot ng ulo nito si Benjamin. "Hindi pa kasi natutuyo iyong plain kaya ito nalang, pang-ilalim lang naman. Sana lang hindi masita" anitong ang tinutukoy ay ang suot nitong white shirt na may print na image ni Superman. Sa kanang balikat nito nakasampay doon ang kulay puti nitong polo. Natawa siya ng mahina. "Okay lang iyan hindi na iyan mahahalata pag pinatungan mo ng polo. Saka maganda ang fit sayo" sa kabila ng pagsasabi niya ng totoo ay lihim parin niyang pinagalitan ang sarili nang makita niyang nangislap ang mga mata ng binata dahil sa huli niyang sinabi. "Salamat" ani Benjamin na pinagbuksan na siya ng pintuan ng kotse pero magkakasunod siya umiling. "Parang mas gusto kong umupo doon sa tabi mo" aniya. Nakita niyang natigilan at parang hindi makapaniwala ang binata sa sinabi niya. Ang totoo siya man ay nasosorpresa sa lahat ng nangyayari sa kanya. Siguro dahil iyon sa narinig niyang sinabi ng Lolo niya kagabi na gusto nito ang binata. "Hey, baka ma-late tayo" aniyang nakaikot na sa tapat ng passenger seat saka hinila ang pinto niyon at pumasok sa loob ng kotse. "Sure ka okay lang sa'yo? Baka kasi isipin ng iba, ano..." Noon niya iwinasiwas ang isang kamay. "Isipin na nila ang gusto nila at wala akong pakealam. Wala naman tayong ginagawa eh." Tumango lang si Benjamin saka na pinatakbo ang sasakyan. Nasa daan na sila ay hindi parin ito umiimik. Nasa balikat parin nito ang polo nito. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya sa ganoong ayos ang binata. Kung sa iba, hindi niya alam kung babagay ang ganoon pero kay Benjamin masasabi niyang kahit yata damitan ng basahan ang lalaki, talagang gwapo at hindi nababawasan ang appeal at dating sa kanya. "Ahm, Benjie?"sa kalaunan ay minabuti niyang basagin narin ang katahimikang iyon. "Yes?" "May party sa bahay sa Sabado, birthday ko" aniyang ngumiti ng matamis sa lalaki pagkatapos. Noon nagliwanag ang mukha ni Benjamin. "Wow, seventeenth birthday right? Tumango-tango siya. "Busy kasi si Lolo, kung okay lang pwede mo ba akong samahang bumili ng dress?" aniya. "ano kasi, nagsabi na ako kay Roxanne, kaso hindi siya pwede kasi may lakad daw sila ngayon ni Carlo, iyong boyfriend niya" ang tinutukoy niya ay ang isang mahigit isang linggo palang na nobyo ng kaibigan niyang si Roxanne. "Oo naman, walang problema" mabilis na sang-ayon ng binata. Kung gaano siya kasaya nang mga sandaling iyon hindi niya masabi. Kaya minabuti niya ngumiti nalang. "Thank you" aniya pa. "You're welcome" tipid na sagot ni Benjamin saka siya nakangiting kinindatan. Nag-iinit ang mukha niyang ibinaling ang paningin sa labas ng bintana sa kagustuhang itago ang pamumula ng kanyang mukha. Kung ano ang talagang nararamdaman niya kay Benjamin, hindi pa niya tukoy pero isa lang ang tiyak niya. Hindi na iyon umiikot sa simpleng crush lang, at kahit pa sinabi ng Lolo niyang may tiwala ito sa kanya, willing siyang magsinungaling makasama lang ang binata. Dahil sa piling nito, ngayon palang sigurado siyang magiging kumpleto at masaya siya. NASISIYAHANG ibinalik ni Benjamin sa loob ng kulay puting sobre ang mga perang papel na personal niyang ipon. Nagmamadali siyang nagbihis para lang matigilan nang mamataan mula sa maliit na drawer ng kanyang aparador ang isang pamilyar at maliit na kahon. Kinuha niya iyon saka binuksan. Alam niyang masyado pang maaga pero mukhang may palagay na siya kung sino ang dapat niyang pagbigyan niyon. Isang taon narin mula nang matagpuan niya ang singsing sa kagubatan na ngayon ay pinangalanan na nga ni Sara na Dalisay. Nakangiting ibinalik ni Benjamin sa drawer ang kahita. Pagkatapos ay namamadaling lumabas ng silid para magtungo sa bayan. Kinabukasan na ang kaarawan ni Sara at tungkol doon ang sasadyain niya sa bayan. Hanggang sa sumapit na nga ang birthday ng dalaga. Gaya ng inaasahan, karamihan sa mga bisita ay galing sa mayayamang pamilya na kaibigan mismo ni Don Antonio kasama ang kung hindi anak na lalaki ay apo ng mga ito. Sa naisip niyang posibleng dahilan ay inis na napasimangot si Benjamin. Mula sa pinagkukublian niyang malagong halaman ay malaya niyang napagsasawa ang paningin niya sa magandang mukha ni Sara habang kausap ang mga kaklase nito na bisita rin ng dalaga. Bagay na bagay rito ang suot nitong golden yellow na bestida, lalong lumutang ang natural nitong kaputian at nagkaroon din iyon ng magandng contrast sa buhok nitong tuwid at simpleng nakalugay lang. Ilang sandali ay pumailanlang ang isang malamyos na awitin. Kitang-kita niyang nilapitan si Sara ng isang gwapong lalaking alam niyang apo rin ng isa sa mga kaibigan ni Don Antonio. Natural nalang ang magpaunlak doon ang dalaga, pero dahil sa panibughong nararamdaman niya ay minabuti niyang umalis nalang. Kanina pa niya gustong isayaw si Sara, pero dahil nga sa alam naman ng lahat ng kaklase nitong driver siya ng dalaga at ayaw niyang pagtawanan ito ng iba dahil sa kanya. Isa pa, pihadong magmumukhang basahan ang suot niyang polo shirt kumpara sa mamahaling long sleeves ng mga mayayamang nakakasayaw ng dalaga. Noon mabigat ang dibdib siyang nagbuntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD