PARANG ipinako sa kinatatayuan niya si Sara nang malabasan kinabukasan si Benjamin sa garahe ng mansyon. Kinikilig siyang napangiti at nang maramdaman marahil ng binata ang presensya niya ay agad itong nagtaas ng ulo mula sa binabasang libro saka siya nginitian.
Magagaan ang mga paa siya lumapit sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang nakalutang nang mga sandaling iyon? Siguro dahil iyon sa magagandang kislap ng mga mata nito na lalong pinatingkad ng angkin at natural nitong kagwapuhan.
"Good morning Ma'am" biro nito sa kanya.
"Shut up Benjie" aniyang napabungisngis. "I'm happy to see you here."
Pinagbuksan siya nito ng backseat. "Same here, halika na?" anito."anong oras ang labas mo? Ang instruction kasi sa akin ni Don Antonio eh lagi raw tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi" tumatakbo na noon ang kotse at mula sa rear view mirror ay nakita niyang sumulyap sa kanya ang binata.
"Mamaya hanggang three ako, ang pinaka-late kong labas ng sched eh tuwing Friday hanggang four" aniyang nagbaba ng tingin.
"Three thirty naman ang last subject ko mamaya. And same here, Friday four PM lang din ako at iyon na ang pinaka-late" si Benjamin.
Napangiti siya. "Sige hihintayin nalang kita sa library" aniya nang maramdaman ang tila pagkapahiya sa tono ng binata.
"Pasensya kana, kailangan mo pang maghintay ng thirty minutes dahil sa'kin pag ganitong araw ng Miyerkules" paumanhin ni Benjamin.
"Ano ka ba Benjie, gusto ko nga iyon eh atleast hindi ako obligadong umuwi ng maaaga. Nakakainip kaya sa bahay!" pagsasabi niya ng totoo.
Nakita niyang umangat ang mga kilay ng binata nang magtama ang paningin nila sa salaming nasa ulunan nito. "Sige para hindi ka mainip sumama ka sa akin sa Sabado, may pupuntahan tayo."
Nagtatanong ang mga mata siyang nagsalita. "Saan?"
"Tsk, wala nang maraming tanong basta oo saka okay lang ang pwede mong isagot" ang binata na ngiting-ngiti.
Natawa siya doon. "Okay" aniya.
"That's my girl" hindi niya maintindihan kung bakit parang may kakaibang damdamin ang humaplos sa puso niya sa sinabing iyon ng binata. Pero totoong nag-init ng husto ang mukha niya. Lalo nang magtamang muli ang paningin niya at kakaibang lagkit sa mga titig ni Benjamin ang nakita niya.
Nagbaba siyang ng tingin saka sinikap na ikalma ang sarili. Hindi niya alam kung ano iyon pero isa lang ang tiyak niya, marahil tama nga si Roxanne sa sinasabi nitong doon na siya papunta. At hindi niya maitatangging parang gusto niya. Parang excited siya.
PRESENT DAY...
"MAUUNA na ako, sigurado ka okay kana?" nang magpilit siyang bumangon para ihatid sa may terrace ng mansyon si Benjamin ilang oras matapos ang hapunan.
"Oo naman, ikaw saan ka tutuloy niyan?"
"Sa hotel sa bayan, doon ako naka-check-in. Anyway hapon pa naman ang graduation gusto mo bang puntahan kita dito bukas ng umaga?" natawa siya ng mahina sa tono ng pananalita ng binata. "o, ba't ka natatawa?" anito pang nahawa narin sa kanya.
Umiling siya saka nagyuko sandali ng ulo para itago ang pagpipigil niyang mapabungisngis. "Sa tono mo kasi parang ako pa ang ginagawan mo ng pabor? Baka naman ganito ang gusto mong sabihin?" aniyang nangingiting tiningala si Benjamin.
Amuse na nangunot ang noo ng binata. "W-What?"
"Sara, pwede ba kitang puntahan dito bukas nang umaga?" tukso niya rito sa kalaunan.
Naiiling siyang pinakatitigan ng dating nobyo. "Right" anito. "what do you think?" anito ulit.
Wala sa loob niyang binasa ang pang-ibabang labi at nang mapuna niyang napatitig doon ang binata. Noon siya pinanuyuan ng lalamunan. "S-Sige, w-walang problema."
Tumango ang binata. "Oo nga pala, napansin ko iyong nakasabit na karatula sa gate kanina?"
Malungkot siyang napangiti sa binata. "Oo, maganda naman kasi ang takbo ng buhay namin sa Norway kaya nag-decide ang Papa na ibenta na itong mansyon pati narin ang manggahan" pag-amin niya.
"Okay lang ba iyon sa'yo?"
Umiling siya. "Pero gusto ni Papa" aniya.
"Kaya kahit ayaw mo gagawin mo? Kung nabubuhay lang ngayon si Don Antonio sigurado akong hindi iyon matutuwa sa inaasal mo" mabilis siyang naguluhan nang maramdaman ang galit sa tinig ni Benjamin.
"Excuse me?" aniya sa tono na may katarayan.
Dry ang tawa na naglandas sa lalamunan ng binata. "Sana kahit minsan sa buhay mo matutunan mong ipaglaban ang isang bagay na alam mong magpapasaya talaga sayo Sara" ang makahulugan nitong sabi.
"Deretsahin mo nga ako, ano bang tinutumbok mo?" inis niyang tanong.
"Alam mo kung anong ibig kong sabihin" anito.
Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa pagkainis. "Desisyon ni Papa ang masusunod dahil sa kanya lahat ito" aniya.
Tumango ang binata. "Yeah, pero may magagawa ka hindi ba? Pwede mo siyang kausapin, kumbinsihin mo. Wala namang hindi naidadaan sa maayos na usapan. Sana inisip mong dugo at pawis ng Lolo at Lola mo ang naging puhunan nila sa mansyon at manggahan."
"Kung magsalita ka parang ang dami mong alam, hindi mo kilala ang Papa kaya huwag mo akong diktahan!" mababa ngunit mariin niyang sabi.
Nagkibit lang ng balikat nito si Benjamin saka nagsalita na tila ba wala siyang anumang sinabi. "Kung ganoon pala, interesado ako."
"Anong sinabi mo?" ang nabigla niyang tanong.
"Bibilhin ko itong mansyon at ang buong manggahan, sabihin mo lang kung magkano at abogado ko na ang bahala sa lahat" anito niyuko siya saka pinakatitigan.
Parang nawala sa sarili niya si Sara nang muli matapos ang sampung taon ay nalanghap niya ang mabangong hininga ng binata. Wala sa loob siyang napaatras at plano pa niyang humakbang ng isang pa palikod pero impit siyang napatili nang maramdaman niya ang biglang paghapit ng binata sa kanyang baywang saka nito idinikit ng husto ang sarili nito sa kanya.
"P-Pakawalan mo ako, please" anas niya.
Noon umangat ang sulok ng labi ni Benjamin. Mabilis siyang naalarma nang bumaba ang mukha nito sa kanya. "Did you miss me?" tanong pa ng binata sa tinig na nang-aakit.
"B-Benjie, b-baka may makakita" aniya sa kagustuhang pakawalan ang sarili sa dating nobyo pero bigo siya dahil lalo lang humigpit ang pagkakahapit nito sa kanya.
"Benjie, alam mo bang ikaw lang at ang Lola ko ang hinahayaan kong tumawag sa akin ng ganyan?" nangingislap ang mga matang winika ng binata na muli ring nagpatuloy. "But, who cares kung may makakita? Na-miss kita, at gusto kitang halikan ngayon mismo" pagkasabi niyon ay bumaba na nga agad ang mga labi nito sa kanya.
Marahas siyang napahugot ng hininga sa pananalakay na iyon ni Benjamin. Inipon niya ang lakas niya sa mga kamay niyang nakatukod sa dibdib nito para sana itulak ito palayo pero bigo siya. Nanghina siya nang maramdaman niyang lumalim at naging mapusok ang mga labi nito na hindi niya maikakailang puno ng pananabik.
Habang siya, kung gaano ang pagpipigil niya sa sarili para tugunin ang maiinit na halik ng binata ay hindi niya alam. Totoong gusto niya ang ginagawa nito pero parang hindi tama. Habol niya ang paghinga nang lubayan ni Benjamin ang kanyang mga labi.
Nangingislap ang mga mata nitong hinaplos pa ng sarili nitong hinlalaki ang pang-ibaba niyang labi. "Ang totoo, hindi pa ako nakaka-move on sa lambot ng mga labi mo, sa tamis ng mga halik mo, at lalong hindi pa ako nakakalaya sa mga yakap mo."
Nang pakawalan siya ni Benjamin ay parang gusto niyang magprotesta pero nagpigil siya. At dahil narin sa pirming pananahimik niya ay muling nagsalita ang binata. "Bukas babalik ako, mag-usap tayo" anito.
Tumango lang siya na parang robot at hindi na nagsalita. Pakiramdam kasi niya ay nasa ilalim parin siya ng spell ng maiinit na labi ng binata. Matagal nang wala sa harapan niya si Benjamin ay nanatili parin siyang nakatayo doon. Kundi pa dahil sa narinig niyang ingay mula sa loob ng bahay ay hindi siya matatauhan.