EIGHTEEN

1704 Words
"I'M happy for you. Mabuting tao si Benjamin kaya siguradong hindi ka niya sasaktan" masayang wika ni Roxanne nang araw ng Lunes. "Alam ko, saka nararamdaman ko namang mahal na mahal niya ako" sang-ayon niya. "Sana ganoon ka rin sa kanya. At kung sakali sana ipaglaban mo siya Sara" nakita niyang rumehistro sa mga mata ni Roxanne ang pag-aalala para sa kanyang nobyo. Noon siya nagbaba ng tingin. "Nagkasundo kasi kaming ilihim muna ang relasyon namin" aniyang nag-angat ng ulo pagkatapos. "Nandoon na tayo at iyon naman talaga ang inaasahan ko Sara. Pero alam mong wala namang lihim na hindi nabubunyag di ba? Paano kapag aksidenteng nahuli kayo ng Lolo mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng maging kapalit ng lahat ng ito?" Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay mabilis na nilamon ng pangamba ang kanyang dibdib. "Hindi naman siguro ganoon kasama ang Lolo kasi di ba kaibigan naman niya ang Lolo ni Benjie?" Tumango si Roxanne. "Pero paano ang Mama at Papa mo?" "Kaya nga huwag kang maingay, bukod sa aming dalawa ikaw lang ang isa pang nakaka-alam ng lahat"pakiusap niya sa matalik na kaibigan. "Oo naman hindi ako magsasalita kahit kanino, sana lang doble ingat ang gawin ninyo. Kabuhayan nina Benjamin ang nakataya rito." Nakuha man niya ang ibig sabihin ni Roxanne ay ayaw parin niyang isiping kayang palayasin ng Lolo niya sina Benjamin sa lupain nito kapag nalaman nito ang tungkol sa kanila. Bukod pa roon ay ayaw narin niyang isipin na hahantong sa hindi maganda ang lahat, dahil ngayon lang niya naranasan ang ganito. At ngayon lang siya naging tunay na masaya. Naging madali ang paglipas ng mga araw at masasabi niyang sa piling ni Benjamin wala siyang matandaang naging malungkot siya. Hindi nawawala ang mga pagtatalo at normal lang iyon pero hindi nila hinahayaang madaig sila nang mga di-pagkakaunawaang iyon. Sa loob ng siyam na buwan mula nang maging sila ay palagi siya nitong pinatatawa. Hindi nagbago ang binata sa kanya maliban sa nararamdaman niyang mas minamahal siya nito sa bawat araw na lumilipas at masasabi niyang ganoong din naman siya rito. Ang Dalisay ang kanilang naging kanlungan. "Benjie!" mula sa pagkakaupo nito sa ibabaw ng malaking bato ay nilingon siya ng nobyo. Nang makita siya'y nagmamadali ang mga hakbang nito siyang nilapitan. Sabado at para hindi makahalata ang Lolo niya minabuti niyang magdahilan na pupunta siya sa bahay ni Roxanne gamit ang kanyang bisikletang iniregalo ni Benjamin sa kanya. Ang tungkol sa bagay na iyon ay minabuti niyang ipagtapat nalang sa Lolo niya. "Kumusta?" si Benjamin na buong pananabik siyang hinalikan saka mahigpit na niyakap pagkatapos. Isa ang katangiang iyon ng binata kaya lalo siyang na-i-in love rito.Napakalambing nito at talagang hindi ito nawawalan ng idea kung paano siya mapapasaya. "Okay lang ako, parang kahapon lang tayo huling nagkita eh" aniyang pinakawalan ang sarili mula rito. "Alam mo namang mahal na mahal kita eh, kung pwede lang kitang pakasalan gagawin ko na ngayon mismo" anitong kinurot pa ng may panggigigil ang tungki ng kanyang ilong. Nangingiti niyang inirapan ang nobyo saka naupo sa kaninang kinauupuang bato ni Benjamin. Tinabihan naman siya doon ng binata. "Sorry ka hindi pa pwede kasi sa June pa ako mag-e-eighteen" aniyang naglalambing pang inihilig ang ulo sa balikat ng nobyo. "gagraduate kana next month Benjie, masaya ako para sayo" pagkuwan ay tinuran niya. Noon masuyong ginagap ng binata ang kanyang kamay saka iyon hinalikan. "May naisip ako"anito. Nagtatanong ang mga mata niyang nilingon ang binata. "Ano?" Nakita niyang inilabas ni Benjamin mula sa bulsa ng suot nitong pantalon ang kung isang maliit na kahon. Agad na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib. Nang iabot iyon sa kanya ng binata ay nanginginig ang kamay niyang tinanggap. At kahit nahuhulaan na niya ang laman niyon ay hindi iyon nakabawas sa kabang nararamdaman niya. Sa halip ay naging dahilan pa iyon kaya parang ibig niyang himatayin sa sobrang nerbiyos. "B-Benjie?" tuluyang na ngang humulagpos ang kanyang emosyon nang mabuksan niya ang kahon at saka tumambad sa kanya ang isang magandang singsing na batong ruby ang dulo. "Napulot ko ang singsing na ito, dito mismo sa Dalisay, nangangahoy ako noon" kwento sa kanya ng binata saka kinuha sa kamay niya ang kahon. "may kasama pa itong note, naiwala ko nalang" pagbibigay alam pa ni Benjamin. "N-Note?" aniyang nagpahid ng mga luha. Tumango-tango si Benjamin saka mula sa kahita ay kinuha nito ang singsing saka ibinaba sa lap nito ang kahita, inabot ang kanyang kamay saka itinapat sa ring finger niya ang naturang alahas. "Ang nakasulat sa note, gusto noong nagtapon nito na bigyan ko ng second chance ang singsing na ito sa iba, iyong totoo at iyong walang hanggan" sa huling tinuran ng lalaki ay impit siyang napahagulhol. "Wala naman akong ibang pinangarap kundi ang mahalin ka, forever" si Benjamin na hinaplos ang luhaan niyang mukha. "gusto kitang makasama habang buhay, at kung papayag ka, gusto kitang pakasalan? Pagka-graduate mo. Now I want to ask you this, will you marry me?" Kahit alam na niyang doon papunta ang sinasabi ng binata ay hindi parin napigilan ni Sara ang mapahagulhol sa labis na katuwaan saka magkakasunod na tumango bago nagsalita. "Oo naman, pakakasal ako sa'yo. Mahal na mahal kita eh, sobra" ang nasabi niya. Nang maisuot ng binata sa kanyang ang singsing ay siya na mismo ang unang yumakap rito ng mahigpit. Ilang sandaling nanatili sila sa ganoong ayos bago niya hinubad ang singsing na kanina'y inilagay ng binata sa kanya. Nakita niya ang pagtatakang lumarawan sa perperktong mukha ng binata kaya natawa siya ng mahina. "Ilalagay ko siya sa isang lugar kung saan siya mas safe" paliwanag niya saka hinubad ang suot na kwintas, isinama niya roon ang singsing at pagkatapos ay nakangiting nilingon ang nobyo. "Ako na" ani Benjamin na ibinalik sa pagkakasuot sa kanya ang kwintas. "Hayan," nakangiti niyang hinawakan ang singsing saka iyon inayos. "mas maganda kasi mas malapit siya sa puso ko" saka niya muling sinulyapan ang nobyo nang makahulugan. Nakita niyang kumislap ang kaligayahan sa magagandang mata ni Benjamin. At bago pa man siya nakakilos ay nagawa na siya nitong yukuin para sa isang maalab at mapusok na halik. Hindi siya nagprotesta, sa halip at tinugon rin niya iyon sa kaparehong paraan. SUMAPIT ang araw ng pagtatapos ni Benjamin kung saan tinanggap ng binata ang pinakamataas na parangal sa kolehiyo, ang Summa c*m Laude. Masayang-masaya si Sara para doon pero alam niyang kailangan niyang magkontrol. Kahit gusto niyang ipagsigawan sa lahat na magaling at matalino ang nobyo niya, hindi niya magawa dahil nga sa nananatili paring lihim ang kanilang relasyon. "Congratulations Kuya" mula sa pagkakayuko ni Sara sa plato ng pagkain ay nag-angat siya ng ulo nang marinig ang tinig na iyon ng isang babae. "Thank you Lorna" nakangiting tinanggap ni Benjamin ang regalong iniaabot ng babaeng tinawag nito sa pangalang Lorna. "oo nga pala, Sara siya si Lorna. Anak ng isa sa mga tauhan ninyo sa manggahan" baling ni Benjamin sa kanya. "Kumusta ka?" bati niya sa dalagitang sa tingin niya ay nasa fourteen to fifteen lang ang edad. Nahihiya itong ngumiti sa kanya. "Mabuti naman po, ate ang ganda niyo po. Bagay kayo ni Kuya" saka nito nanunuksong sinulyapan ang nobyo niya. Napangiti siya doon saka lang tinanguan ang dalagita nang magpaalam. "Sara?" untag sa kanya ni Benjamin nang nasa byahe na sila pabalik ng mansyon. Medyo gabi narin kasi kaya minabuti na muna ng binatang ihatid siya lalo pa at ipinagpaalam siya ng personal ng binata sa kanyang Lolo. "W-What?" Nakita niyang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi ng binata. Pagkatapos ay itinigil nito ang kotse sa gilid ng kalsada. Noon siya nagtaka. "Why are we stopping?" "May nakalimutan kasi akong ibigay sa'yo" anitong dumukot sa bulsa ng suot nitong pantalon. Nanlaki ang mga mata ni Sara nang iabot sa kanya ng nobyo ang medal na tinanggap nito mula sa university kanina. "No" aniyang magkakasunod na umiling. "sa'yo yan, iyan ang bunga ng lahat ng paghihirap at pagsisikap mo" dugtong pa niya. Tumawa ng mahina ang binata saka ginagap ang kamay niya at saka inilagay doon ang medalya. "I want you to have this kasi ang totoo, simula nang una kitang makita, like you, binigyan mo ng direksyon ang buhay ko. Ikaw, si Lolo at Lola ang naging inspirasyon ko sa lahat." Mabilis na nag-init ang mga mata niyang pinagmasdan ang nobyo. "Oh Benjie" aniyang tuluyan na ngang napa-iyak saka yumakap sa binata. Hinawakan ni Benjamin ang baba niya saka iyon itinaas, muling nagtagpo ang kanilang mga mata. "Hindi na ako magmamahal ng kahit sino, maliban sa'yo" paniniyak ng binata. Napangiti siya. "Really?" Tumango si Benjamin. "Really, kahit pa halimbawang magkahiwalay tayo. Wala na akong mamahaling mas higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko para sayo." "Kahit taon ang lumipas?" ang kinikilig niyang tanong. Tumango ang binata saka muling nagsalita. "Three, five o kahit ten years pa, ang lugar mo dito sa puso ko ay mananatiling sa'yo. Kaya kapag lumayo ka maiiwan siyang hindi buo, maghihintay ng pagbabalik mo. Because only you can fill that space." "Benjie" anas niyang nag-iinit nanaman ang mga mata. "Alam ko darating iyong panahong pwede na nating ipagsigawan sa mundo kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. Iyong hindi na tayo magtatago, magagawa kong hawakan ang mga kamay mo anywhere lalo na sa mga pagkakataong natatakot ka" si Benjamin na hinawakan ang kanyang mukha. "I love you Sara, I love you very much" dugtong pang anas ng binata saka inilapit ng husto ang mukha nito sa kanya. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang angkinin ni Benjamin para sa isang maalab na halik ang kanyang mga labi. Hindi iyon ang unang pagkakataong naranasan niya ang mahalikan ng binata. Pero siguro nga dahil nagmamahalan sila, parang laging first time. "Engage na tayo hindi ba?" nang pakawalan ni Benjamin ang mga labi niya ay nangungusap ang mga mata nitong pinakatitigan siya. Tumango siya at nagpatuloy ang binata. "Kaya kong patayin ang puso ko habang buhay kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko." Nanuot maging sa kaibuturan ng puso ni Sara ang sinabing iyon ni Benjamin. Dahilan kaya nagawa niyang itaas ang kamay nitong hawak niya saka iyong dinampian ng halik. "Same here Benjie, same here" totoo sa loob niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD