“Simang! Simang! Simang! Hoy! kanina pa ako tawag ng tawag ano bingi ka na din ngayon.” bungad ng amo na pumasok ng kusina. Nagulat naman si Amara na napalingon sa amo na pumasok sa kusina na nakasimangot. Lumilipad kasi ang isip nya dahil kay Zian. Di nya sigurado kung tama ba ang ginagawa nyang pag tanggap rito ng unti unti. Nag aalangan sya pero magaan na ang pakiramdam nyang papasukin itong muli sa buhay nya di tulad noon na kinakabahan sya sa tuwing makikita nya ito. Lagi nyang iniisip kung sya ba talaga ang nakikita nito o si Tamara.
Kagabi na napatunayan nya mismo sa sarili nya na sya, Na sya talaga ang mahal ni Zian mula pa noon at nag kamali’t na linlang lang ito ng kakambal nya. Magkatabi silang natulog sa maliit nyang kama sa una kinakabahan sya pero ng yakapin at halikan sya nito sa noo. Kumalma na ang nag wawala nyang puso.
Wala naman silang ginawang kababalaghan dahil meron nga syang dalaw pero napuyat sya sa mga biro nito na di nya akalain na meron pala itong sense of humor na tinatago. Kagabi lang nya ito nakasama ng matagal at nakausap ng matagal. Akala nya seryoso lang ito palagi pero kagabi ito ang eksantong nilalang na matatawag na maginoo pero medyo bastos.
Puro ka bastusan ang kinukuwento nito pero imbis na maturn on sya tawa lang sya ng tawa. Aksidente pa nitong nahalikan ang nunal nya sa gitna ng kilay nya. Bigla itong kinilig ng tamaan ng labi nito na parang sukang suka pa ang hitsura tas sabay banat na pakagat daw sa n****e nya para daw makalimot ito. Para paraan talaga dinadaan sya sa simpleng pamamanyak. Di na nya alam kung ano oras na sila nakatulog dalawa.
Pag gising nya kanina umaga wala na ito pero may iniwang note babalik daw ito mamayang gabi at iyon ang medyo kinakabahala nya. Ewan ba nya excited sya na di nya mawari..
“E ser hindi naman kasi Simang pangalan ko . Irene po sir Irene.” kunwari ay reklamo ni amara. Inis naman napakamot ng ulo si joseph.
“E bakit nung isang araw lumilingon ka naman kapag tinatawag kitang simang.”
“E kasi ser ako lang naman katabi nyo ng tawagin nyo ako alangan naman di ako lumingon. Pangit na nga ako sir pati pangalan ko pinapapangit nyo pa.” napabuga ng hangin si Joseph na halatang nag titimpi lang.
“Hindi ka pangit simang dahil ubod ka ng pangit. Mag dala ka ng juice sa office at makakain meron akong ka meeting kumatok ka muna bago ka pumasok na iintindihan mo ba.”
“Opo ser.” sumimangot naman si Amara ng tumalikod na ang amo.
“Ganda ganda ng pangalan ko Irene. Tatawagin akong simang hmmmmp.”
Tatlong beses syang kumatok sa pinto ng office ng amo wala syang tugon na narinig kaya pinihit na nya ang doorknob pa bukas buti nalang hindi nya nabitawan ang tray na may lamang merienda ng magulat sa eksenang naabutan. Buti nalang hindi pa nya nabubuksan ng malaki ang pinto. Hindi na nya nagawang hilahin pasarado ang pinto agad na syang tumalikod babalik nalang sya kapag tapos ng mag seremonyas ang amo.
Hubo’t hubad kasi ang amo nakatalikod ito sa gawi nya puwet lang nito ang kita nya habang nakatayo merong babaeng nakaupo sa sofa na hawak hawak ng amo ang ulo. Syempre alam na nya kung anong ganap ang nangyayari idagdag pa ang maririin na unggol ng amo.
“Ang babastos.” reklamo pa nya habang pabalik ng kusina. Mamaya na sya babalik after 1 hour after nyang iwan ang tray sa counter muling lumabas si Amara para sana kunin muna sa garahe sa kotse ng amo ang gamit nito na sa inaraw araw nalang inuutos nitong kunin nya ang attaché case nito basta uuwi ito sa bahay. Ayaw pang bitbitin pag baba. Nahinto sya sandali sa pag hakbang ng makita nya ang isang malaking bulto ng lalaki sa labas ng pinto ng office ng amo. Meron itong hawak na cellphone at mukhang vinivideohan ang amo habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa harapan nito.
Lumapit sya rito at walang anuman na kinuha ang hawak na cellphone na ikinagulat at ikinagalit nito. Kung hindi sya naging mabilis sa pag atras tinamaan sya ng kamao nito na binalak syang suntukin. Ngayon lang nya ito nakita sa bahay ng amo mukhang bago siguro ito usually ang mga tauhan ng amo kapag may kasama itong nauwi hanggang labas lang ng bahay hindi napasok sa loob pero ang isang ito nasa loob at ang lakas pa ng loob na kunan ng video ang amo habang nakikipag talik.
“Akina yan.” mariin angil nito na halatang iniiwasan lumakas ang boses. Masama ang tingin na tiningnan nya ang videong ginawa nito. Hindi na sya nagulat sa malalaswang eksena pero ang ikinagulat nya e kung sino ang babae binabayo ni Joseph. Si Tamara aka Alona anong relasyon ng dalawa. Hindi sya puwedeng makita ni Tamara tiyak na makikilala sya nito kahit naka disguise pa sya.
“akina sabi yan.”
“isusumbong kita sa amo ko kinukunan mo sila ng nobya ng malaswang video.” pagak naman tumawa ang lalaki.
“tingin mo may relasyon sila. Ang amo ko ang nobyo ni Ms. Alona. Inutusan ako ng amo ko na bantayan ang kilos ng nobya nya. Unang kita ko palang sa babaeng yan alam ko ng makati at di nga ako nag kamali kaya akina yang phone ko. Titiyakin ko na lalangawin sya sa bangketa.” ngisi pa nito na lumapit sa kanya para agawin ang phone umatras naman sya.
“Amo mo? bakit sino bang amo mo mag kaiba ba tayo ng amo?” patay malisyang tanong ni Amara. Ngumisi naman ang lalaki.
“Wag mo ng kilalanin ang amo ko dahil kapag nakilala mo si Boss 50/50 na agad ang buhay mo. Kaya yan si Boss joseph di na yan sisikatan ng araw bukas. Tama lang yan sa mga taong masyadong mayabang at bilid sa sarili.” napangibit si Amara ng mahablot nito ang buhok nya at sabunutan.
“Ikaw na pangit ka wag kang masyadong mapapel kung ayaw mong masaktan.” wika pa nito habang hawak ng kaliwang kamay nito ang buhok nya habang ang kanan kamay naman ay sapilitang kinukuha ang cellphone sa kamay nya na ayaw pa rin nyang bitawan. Kung sino man ang nobyo ni Tamara na bago at kung sino man ang boss nito. Hindi maaring malaman nito ang ginagawa ng kakambal nya. Malaki ang maitutulong sa kanya ni Joseph at amara para matapos ang mission nila pero kung mamatay ang mga ito dead end nanaman back to square 1 nanaman sila. Di pa sya sigurado kung si Rupert Gallego nga ba ang hinahanap nila.
“Ayaw mo talagang bitawan ha!” inilabas nito ang baril at bago pa nito maitutok sa kanya iyon nahawakan nya ang kamay nito at mabilis na itinapat sa isang CCTV camera na nakatutok sa pinto ng opisina ng amo. Malakas na pumutok kahit ito nagulat at nawala sa konsentrasyon kaya na agaw nya ang baril at mabilis na ipinutok rito. Sakto naman bukas ng pinto ng opisina ng amo at iniluwa ang amo na halatang nagulat at basta nalang isinuot ang pantalon kahit baligtad pa.
Sunod sunod din ang pasukan ang iba pang tauhan nito galing labas. Agad syang tinutukan ng mga baril ng mga ito. Galit naman lumapit sa kanya ang amo nakatingin ito sa bangkay ng lalaki sa sahig saka galit itong bumaling sa kanya at malakas na sinampal. Sa lakas ng sampal nito napaupo sya sa sahig.
“Gaga ka talaga! alam mo ba kung sino yang pinatay mo. Letse ka! Wag ka ng umasang mabubuhay ka pa putan**** na ka.” inagaw nito ang baril na hawak nya pero bago pa nito maitutok sa kanya inabot nya rito ang cellphone na hawak.
“Ser aksidente ko lang po syang napatay kung di ko po sya pinatay kayo po ang mamatay. Hindi po kayo puwedeng mamatay. Sayo lang din po ako na asa.” wika ni Amara na nag kunwaring lumuhod at nag mamakaawa. Hinablot naman nito ang cellphone nyang inaabot saka tiningnan. Napamura ito ng makita ang video.
“Gago.” angil pa nito saka inubos ang laman ng magasine sa katawan nito. Sabay utos sa mga tauhan na gawan ng paraan at itapon na agad na tumalima ang mga tauhan nito.
“Tumayo ka dyan bumalik ka ng kusina. Mamaya tayo mag usap.” galit nitong sigaw nag kukumahog naman syang bumalik ng kusina. Makalipas lang ng halos 30 minutos pumasok ang amo nya bago na itong ligo at iba na ang suot na damit. May inihagis ito sa harapan nya na isang bundle ng pera na puro iisang lilibuhin.
Nag kunwari syang alanganin dinampot ang pera saka tumingin sa amo habang hawak ang perang inihagis nito.
“Nakita mo ba ang babaeng kasama ko?” sunod sunod ang iling nya.
“Ang video napanood mo ba?” muli syang umiling.
“Inabutan ko lang po syang nag vivideo sa inyo. Ang bilin nyo po sa akin ser kumatok muna ako bago ako pumasok kanina kaso di po kayo natugon kaya umalis na po muna ako. Lalabas lang po sana muna ako ng makita ko yung kapre nyong na tauhan na hawak hawak yung ti** nya habang vinibideohan kayo. Kaya agad kong inagaw ang cellphone na hawak nya. Puwede nyo pong panoodin sa CCtv ang nangyari para maniwala po kayo sa akin ser.” mahabang paliwanag ni Amara na kunwari ay na iiyak pa.
“San ka natutong humawak ng baril.”
“Sa lolo ko po sa probinsya. Sa hirap po kasi ng buhay pangangaso lang ikinabubuhay namin. Ngayon lang po ako nakahawak ng maiksing baril. Mahahaba po baril ang ginagamit namin noon sa probinsya.”
“Gamitin mo yan pera bumili ka ng maayos na damit. Sayo na yang lahat mula ngayon ikaw na ang look out ko kapag nandito ako sa bahay. Ayusin mo trabaho mo simang mabait akong amo pero masama akong magalit. Pinapayagan kitang patayin lahat ng makikita mong gagawa ng mali behind my back. Bawat ulo isang daan libong piso basta mapatunayan mo na gumagawa sila ng masama laban sa akin. Na iintindihan mo ba.”
“Ser Irene po.”
“Hindi bagay sayo ang pangalan Irene. Simang bagay sayo mukha ka kasing mangkukulam.” anito sabay talikod at iniwan na sya. Umasim naman ang mukha sya sabay palipad ng suntok sa hangin. Nilaro nya sa daliri ang bundel ng perang hawak.
Sa klase mukhang umiilalim ito sa amo ng di alam. Wala kayang idea si Rupert Gallego sa ginagawa ng assistant nito bukod ba kay Rupert meron pa itong ibang amo na tinutukoy kanina ng lalaki. Kailangan nyang alamin lahat at mukhang nakuha naman na nya ang tiwala nito kaya madali na mapaikot ito.
******
“Bakit di mo sinabi sa akin kahapon na kasama mo na si Daniel sa mission mo?” tanong agad ni Zian ng pagbuksan nya ito ng pinto.
“Kapag nalaman ni chief na punta ka ng punta dito sa tinutuluyan ko parehas tayong malilintikan. Alam mo naman siguro yun.” ani Amara ng isarado ang pinto pero imbis na sumagot sa tanong ng binata.
“Kapag ba niligawan ka ni Daniel may pag asa sya?” kumunot naman ang noo ni Amara pero gusto nyang mapangiti sa tanong nito pero di nya pinahalata. Mukha kasing di maganda ang mood nito.
“Marunong ka bang magluto. Bumili ako hipon i adobo mo yung tinuyo sa toyo.”
“Wala pa tayong ginagawa nag lilihi ka na agad.” sumama naman ang tingin ni Amara kay Zian.
“Joke lang masyado ka naman serious.” wika ni zian na inalis na ang suot na sumbrero at isinunod ang suot na puting long cotton longsleeve.
“Mag luluto ka lang kailangan naka hubad pa.” nakataas ang kilay na tanong ni Amara pero talagang nag rumble na ata ang mga internal organ nya habang nakatingin sa magandang katawan ng binata.
“baka kasi madumihan.” katwiran ni Zian na nakangisi.
“Style mo bulok.”
“Maupo ka nalang muna dyan pakakainin kita ng masarap baka kapag natikman mo luto ko. Bigla mo akong pikutin.. pag isipan mo muna ng 10 beses dahil kapag pinikot mo ako di ako papalag.” natawa naman si Amara.
“Daldal mo.” wika nya saka pumasok na muna ng banyo para itago ang na raramdaman kilig na ewan ba nya. Kahit anong pigil nya sa nararamdaman nya kusa na iyon lumalabas kahit nag dadalawang isip pa rin sya kung tama ba ginagawa nya.
“Amara.”
“Ano?” tanong nya kasabay ng pag bukas muna nya ng gripo.
“You didn’t answer my question?”
“Bakit ano bang tanong mo?”
“Kung manliligaw ba sayo si Daniel may pag asa sya.” hindi agad nakasagot si Amara na hihiya syang sumagot pero madali lang naman ang sagot sa tanong.
“Silent mean yes diba?” naupo sa bowl si Amara saka na ngalumbaba.
“Sana ako din bigyan mo ng chances. Be fair enough. Alam ko marami akong nagawang mali at kasalanan sayo. But im willing to wait naman hanggang sa magawa kong burahin lahat ng masasamang alala na ibinigay ko sayo. Kaya sana bigyan mo ako ng chance.” Napabuga ng hangin si Amara saka tumayo at inalis muna ang false teeth at tumingin sa kapirasong salamin na naroon bago nag decide na lumabas.
“Kaibigan ko si Daniel tulad nila Rod at Diegs.” sagot nya ng lumabas ng banyo saka lumapit kay Zian. Sumandal syang humalukipkip sa may lababo habang si Zian naman ay nag sisimula ng mag gisa ng bawang.
“Hindi ko alam kung saan mo napulot ang idea na liligawan ako ni Daniel. Dahil sa kanilang tatlo si Daniel ang madalas kong kaaway. Still were friends pa rin naman. Umabot na din kami sa punto na gusto na nila akong isuka noon bilang kaibigan but still until now mag kakaibigan pa rin kami. Kaya the answer to your question is no. Wala syang pag asa dahil what we have is intact at di yun mababago. They are my good friends at ayokong masira yun dahil lang dyan sa ideang sinasabi mo.”
“Are you still in love with Daxton?” maingat nitong tanong na sandali syang nilingon.
“Wala ka dito ngayon kung oo.” sagot nya sabay layo. Natigil naman sa pag hahalo ng hipon si Zian sa sagot nya. Nagtitigan silang dalawa pero si Amara ang unang umatras at naupo sa isang monoblock sa tabi ng dinning table.
“im giving you a chance.” wika ni Amara dahil sa sinabi nya abot tenga na agad ang ngiti ni Zian na ikinangiti na rin ni Amara.
“But after this mission.”
“Per——-
“Wag ka ng umangal o gusto mo wag nalang bawiin ko nalang ang desisyon ko.”
“Hindi! Hindi sige sige after the mission.”
“Di pa ba yan luto. Gutom na ako.”
“Luto na saglit.” tuwang tuwang sagot pa ni Zian na hinalo pa ng konti saka pinatay ang apoy at mabilis na nag hain.
“So any violent reaction.” tanong pa ni Zian habang kumakain na sya ng niluto nito.
“Puwede ka ng mag asawa.” biro ni Amara pero natawa talaga sya sa reaction ni Zian na namula ng husto hanggang sa dibdib nito at yung klase ng ngiti nito akala mo e teenager boy na kinikilig. Natigil sya sa pag tawa ng biglang ilapit ni Zian ang mukha sa kanya kaya napasinghap sya bigla at napapikit sa pag aakalang hahalikan sya nito.
“Now it’s a tie. Parehas na tayong kulay kamatis. Ang kaibahan lang ako mukhang fresh ikaw parang malapit ng mabulok.” ngising biro ni Zian. Tatalakan sana ni Amara si Zian pero bago pa sya maka imik natakpan na ng labi ito ang labi nya pero sandali lang yun at humiwalay din.
“Parang medyo maalat ata luto ko pero wala akong maalala na nilagyan ko ng asukal ang niluto ko bakit parang matamis.” tudyo pa nito na muli syang hinalikan ng sandali. Lalayo na sana ulit si Zian ng mag salita si Amara.
“Sumukan mong hindi ituloy yan halik mo hinding hindi ka na makaka——-“ naputol na ang sasabihin ni Amara ng mabilis pa sa alas kuwatro siniil na sya ng halik ng binata na agad na nyang ginantihan.