Let’s begin

2516 Words
Naka ikot lahat ng agent na under training sa traning court nila. Habang si Amara naman ay tahimik lang na nanonood sa trainor nilang si Senior Allan ang naka assign para sa kombat training habang sya naman ay sa pag hawak ng baril at iba iba pang armas. Tumaas ang kilay nya ng mapansin ang pag pasok ng isang nilalang na hindi na sana nya gustong makita pa kung puwede lang kaso paano nya ito iiwasan kung daig pa talaga nito ang alipunga kung dumikit sa kanya. Dahil wala naman talaga syang pamilya na dito sa pilipinas tanging si Tamara lang ang natira pero missing in action dahil wanted ito sa mga pulis. Si Zian ang laging kasama nya sa loob ng 4 na araw sa hospital. Hindi nya ito kinakausap mas pinipili nyang matulog nalang kesa makausap pa ito. Hindi pa sya na hihibang para sundin ang gusto nitong mag yari. Kotang kota na sya sa heartache. Tama ng dalawang beses na syang naging mahina at helpless sa dalawang lalaking minahal nya. Well technically si Brent naman naging way lang nya para takbuhan at takasan si Zian yun nga lang accidenteng nahulog din sya rito kahit sa simula palang alam naman nya ang lugar nya. “Oh look here. Ang macho guwapito na apo ng may ari.” wika ni Senior Allan na dati rin agent pero dahil matanda na ito kaya naging trainor nalang para sa mga bagong papasok na agent. “Im sorry im late.” “Nakaka disappoint iba na talaga ang panahon ngayon palakasan nalang ang laban kaya nag kakaroon ng posisyon sa ahensya. Noong panahon namin bago ko narating ang puwesto ko katakot takot na hirap ang dinanas ko pero looks here isang guwapong apo ng may ari walang kahirap hirap na nakapasok sa ahensya.” ani Allan. Natawa naman si Amara ng palihim mukhang walang idea si Sen. Allan sa professional history ni Zian. “Anong kayang gawin ng isang rescuer dito sa ahensya. Cpr.” malakas na nagtawanan ang mga ito. Pinag masdan ng palihim ni Amara si Zian nakita nya ang pag ngisi nito lalo ng tawagin ito sa ginta ni Sen. Allan. Magaling sa kombat si Sen. Allan maliit ito pero malakas at mabilis parin naman kahit matanda. Noon kabataan nito hindi matatarawan ang galing nito sa martial arts kaya ito napiling trainor para sa kombat skills. “Show us what you got Mr. Bright bawal dito ang puro guwapo lang.” nakangising turan ng matandang trainor. Napangisi naman si Amara na tumayo at namulsa habang nakatanaw sa mga ito. Never pa nyang nakita ang skills nito noon ng maging trainor nila ito. “Hinahamon ni Tanda Daddyow mo.” bulong ni Rodney ng lapitan sya nito. Sinamaan nya ito ng tingin. “Sus mag asawa ka na nga habang umiedad ka tumataray ka ng tumataray paano ka makakapag asawa kapag ganyan.” “Lumayas ka na nga sa tabi ko Rod. Sakit mo sa mata.” “Prey’ pustahan tayo.” ani Daniel na agad din nakalapit sa puwesto nila. “Kay Sir ako.” sabay na wika ng dalawa. “Dun ka kay tanda.” ani Daniel kay Rod. “Aba ayoko nga ikaw kay tanda. Makalawang na yan talo ako dyan.” “Ikaw Amara pusta ka kay Tanda. Galit ka sa daddyow mo diba.” “Nanahimik ako dito tigilan nyo ako.” mataray na sagot nya sa mga ito. Tumarak pa ang mata nya ng makita si Diego na nakangisi habang papalapit na nakatingin rin kila sen. Allan at Zian na nasa gitna na ng ground para sa duel. “Pustahan tayo.” bungad din ni Diego na tinawanan ng dalawa. Sumakit lang ang tiyan ng lahat sa kakatawa dahil di man lang natinag si Zian sa mga legend moves ni Sen. Allan. Halata din ayaw kumilos ni Zian para wag mapahiya si Sen. Allan na halatang di na komportable sa mga nagtatawanan. Agad syang umiwas n tingin ng magtama ang mata nila ng matandang trainor parang may kakaibang kislap sa mata nito ng bigla nito syang tinawag. Balak sana nyang tumakas pero nahawakan na sya ni Daniel at Rodney at nahila sa gitna sa tabi ni sen. Allan. “Let’s see kinakayakayanan mo lang ako ha dahil matanda na ako. Dapat si Diego pero baka mapahiya ka naman masyado kaya si Amara nalang para fair naman ako sayo.” napapikit naman si Amara na napahilot ng sintido. “Come on amara. Labanan mo wag mo ako ipapahiya.” anito sabay palo pa sa puwet nya. Halata naman di na gustuhan ni Zian ang nakita dahil sumama ang hitsura nito bigla kanina lang nakangisi pa ito. Nagkaingay ang buong crowd ng training ground dinig na agad ang mga pustahan ng mga ito. Na wariy mga atat na atat na mag laban sila ni Zian. “Ano amara ilampaso mo yang si Sir. Nasayo loyalty namin.” ani Rod. “Gago! Basta ako kay Sir Zian.” sigaw naman ni Daniel sabay ngisi. Napabuga naman ng hininga si Amara ng hubarin na nya ang suot na uniform at naiwan ang itim na sando na ikinaungol lalo ng buong crowd na mas na excite sa laban. Ngumisi naman si Zian sabay pa silang nag warm up muna. “Umatras ka na dahil baka masaktan ka lang iba ako kapag nasa gitna ng training.” ani Zian. “Really! Never pa akong umatras sa laban bala nga di ko inatrasan ikaw pa kaya.” “Hmmm… That’s more i like it. I have no mercy.” “I know thats why i lost my baby.” Ani Amara na mabilis na lumipad ang paa nya para sana sipain ang gitna ni Zian pero mabilis nitong napigilan ng dalawang kamay pero ang pag lipad ng isa pa nyang paa ang di nito inaasahan na tumama mismo sa ulo nito na ikinatumba ng binata. Sabay sabay na napaungol ang lahat. Hinintay muna ni Amara na tumayo si Zian na dinilaan pa ang labing pumutok sabay ngisi. “Not bad for a woman.” Sumugod ito pero dahil malaking tao si Zian at sya naman ay di katangkaran kaya mabilis syang nakakiwas sa mga galaw nito pero ang di nya inaasahan ang biglang pag lapat ng halik nito sa pisngi nya ng mahuli sya nito sa bewang. Sisikuhin sana nya ito ngunit napigilan nito at mabilis syang nahalikan sa pisngi. Napasinghap ang lahat namula naman sa galit si Amara. Kaya naman sinunod sunod nya ang sugod rito na sinasalag lang naman nito. Napasigaw pa ang lahat ng bigla nahugot ni Amara ang army knife nya at naitusok nya sa leeg ni Zian na napatingala. Oras na yumuko ito babaon iyon dumudugo na ang pinag tutusukan nya ng kutsilyo nya. Napatayo lahat ng nanonood. “Sa susunod ibabaon ko na to sa leeg mo. Don’t mess up with me Gatchalian. I lost everything in my life kaya wala na akong dapat ingatan pa kung mapapatay kita.” Mariin na bulong ni Amara. “Hey! Hey! Dude.. relax laro lang walang personal.” ani Diego na agad na nakalapit at kinuha sa kamay ni Amara ang kutsilyo. Tatalikod na sana si Amara ng pigilan sya ni Zian sa braso. “Itatama ko lahat ng ma———aghp.” napaluhod si Zian ng malakas na sikmuraan ito ni Amara. “Wala ka ng maitatama.” ani Amara saka tumalikod at bumalik na sa puwesto nyang iniwan kanina. “She’s been through a lot. Losing her baby making her toughest mahihirapan ka bago ulit maibalik ang dating amara na kilala namin.” ani Diego na tinapik sa balikat si Zian. ****** Inaayos ni Amara ang Tactical vest combat armor. Meron silang black operation ngayon kaya nag hahanda sila bilang alpha team na syang ipapadala para sa black operation. Meron nakapag tip sa kanila na meron black market smuggled gun na dadating sa isang abandonadong warehouse along quezon city. Inayos na rin nya ang suot na full face tactical headgear helmet na meron night vision. Nalaman kasi nila na meron mga tiwaling pulis na kasama sa transaction kaya kailangan nilang itago ang identity nilang mga underground agent bilang alpha team walang nakakakilala sa kanila kundi ang buong underground. “Okay team listen up. Line up!” sigaw ng chief nilang si Benjamin Torres. Tumiim ang bagang ni Amara ng makita si Zian na katabi nito na tulad rin nila ang suot. Di na nya kailangan mang hula. Iba talaga kapag malakas sa taas isa na marahil ito sa Alpha team na di man lang dumaan sa butas ng karayom bago naging top agent habang silang pinag paguran nila ang posisyon nilang iyon. Hindi birong training ang pinag daanan nilang lahat bago nya narating ang posisyon na iniwan ni Amethyst. “Agent X22 will be your captain in this mission. And no one is allowed to die understood Agent.” sigaw pa ni Benjamin. Gustong tumaas ng kilay ni Amara sa narinig Agent X22 ibig sabihin 1st batch ito sa mga naging agent ng underground kasama ni Chlodette Santillian na maagang nag file ng retirement noon bago palang sya sa service. Ibig sabihin lang matagal ng underground agent si Zian bago pa man ito maging Us Army. “Sir yes sir.” malakas na sagot nilang sabay sabay. After ng konting briefing agad na silang nag alisan. Sakay ng kanya kanyang sasakyan Diego and her naka motor lang sila na mga super bike na usually nilang ginagamit. Habang sina Rodney, Daniel at Zian isang black wrangler jeep. Ang mga back up naman nila ay nagkalat na sa paligid in case na mag kagulo. Tulad ng tip na tanggap nila totoong meron mga pulis na kasama sa transaction at di lang basta mga pulis kundi mga pulis na may mga matataas na posisyon na government. Hindi lang pala basta Smuggle gun ang transaction ngayon gabi maging Human trafficking. Nakita nila ang maraming babae na ibinababa ng isang truck puro naka piring nakatali ang kamay sa likod habang may busal sa mga bibig. Kung tama ang hinala nya mukhang mga dalagita pa ang iba na pawang mga babae lang ang sakay ng isang truck na inililipat sa isang cargo container. “In your position.” narinig nya ang boses ni Zian mula sa earpiece na nasa tenga. Labag man sa kalooban nyang sundin ito pero kailangan sa ikatatagupay ng mission nila. “Amara. 11 o clock can you shoot na crane.” tiningnan nya tinutukoy ni Zian. Meron doon isang malaking wrecking ball na nakasabit kung mapuputol nya ang heavy nylon na pinag kakabitan ng naturang malaking bolang bakal. Babagsak iyon at na dudurog niyon ang isang lamborghini sports car. Napangisi si Amara oras na mapabagsak nya ang wrecking ball na iyon tiyak na mag kakagulogulo ang lahat at mawawala sa plano ang mga ito. Mula sa likod ni Diego kinuha nya ang long range sniper gun ni Diego saka parang pusang mabilis na naka akyat sa pinakamataas na mga container saka sya dumapa roon sa puwestong walang makakapuna sa kanya habang mabilis na inaayos ang hawak nya sa naturang baril saka inasinta ang target. Tatlong magkakasunod na putok lang nag ginawa nya tuluyan nalagot ang pag kakasabit ng malaking wrecking ball at bumagsak na nga iyon sa isang napakagarang lamborghini. Gaya ng inaasahan malakas na sigawan at nag kagulo ang mga tao sa lugar dahil sa nangyari. Agad na na infiltrate nila ang buong lugar kasama ang ilan pang magagaling na agent na kasama ng team nila. Di na iwasan mag karoon ng kaguluhan at barilan. “X113 they getting away.” sigaw ni Zian sa kabilang radio nakita ni Amara ang isang hi Ace na palayo sa lugar. “Sakay.” isang motor ang huminto sa harapan nya na agad syang sumakay bago pinasibat iyon ni Zian. The mission is kill Diosdado Paraz and Alfred Geronimo. Na ngayon ay patakas na sakay ng Hi Ace.The underground society ay binuo para pumatay ng malalaking tao na di makulong kulong dahil sa malalakas na kapit sa gobyerno. Sila ang humahatol ng kamataya para sa mga taong mapepera na asal demonyo sa mundo. Walang kulungan para sa mga ito kaya sa sementeryo na ang deretso at uud nalang makikinabang sa mga katawan ng mga ito. Tanging si Diamond Da Silva lang ang naka lusot sa batas ng underground. Nagawa nitong makalusot kay kamatayan dahil sa kapatid nitong si Amethyst pero kahit papano Diamond deserve a second chance di tulad ng ibang animal na nilalang na tumanda ng animal sa pilipinas na kailangan ng mamaalam. Naramdaman ni Amara na may nakasunod sa kanila kaya ng lumingon sya bahagyang gumewang ang motor nila sinasakyan dahil pina uulanan sila ng bala ng dalawang naka motor. “X107, X101 we need immediate back up.” ani Zian sa radio. Tinapik ni Amara sa balikat si Zian saka balewalang tumayo sa likuran ng motor at umikot ng Puwesto paharap sa likuran ang upo nya. “We don’t need back.” ani Amara sabay kasa ng dalawang baril na hawak nya saka sabay nyang pinaputok iyon sa dereksyon ng kalaban at bago naman naubos ang bala nya natumba na ang dalawang motor na naka sunod sa kanila. Muli syang umupo ng paharap sa likuran ni Zian. Hanggang sa mapatapat na sila sa hi Ace na van. Binasag muna nila ang mga salamin noon para masigurado na walang ibang inosente kasama ang dalawa na halatang natataranta na kung paano sila tatakasan. Mula sa itim na tactical Vest ni Zian kinuha ni Amara ang dalawang granada na inalisan nya ng pin at inihagis sa loob ng van. “Jesus christ Amara. Isa lang dapat.” bulalas ni Zian na biglang itinodo ang pihit sa silinyador para makalayo sa Van. “Baka mabuhay pa kapag isa lang.” balewalang sagot nya. Sa lakas ng naging pag sabog ng Van hindi kinaya ng motor ni Zian ang impact. Gumewang iyon hanggang sa tumumba na sila. Naunang sumadsad ni Zian a pababang kalsada. Nahagip pa ni Zian ang Paa nya at nahila sya payakap nito habang sumasadsad sila hanggang sa nag pagulong gulong na sila sa gilid ng kalsada. Bago pa dumating ang mga pulis agad na naka pulas ang grupo nila. Hindi sila ang mga agent na humaharap sa mga pulis kaya walang nakakakilala sa kanilang bilang top agent ang society meron mga naka talagang mga agent na puwedeng humarap sa mga pulis para sa kanila. Nakalihim ang ilang sa mga agent ang personalidad nila lalo na ang buong team nila. Mission accomplished wala naman nasaktan sa kanila maliban sa kanila ni Zian na maraming galos sa katawan dahil sa pag kaka crash nila sa motor. Mga minor na galos lang naman buti nalang kakapal ang tactical uniform nila kung hindi napudpod ang balat nila ni Zian sa pag sadsad nila sa kalsada lalo na siguro si Zian dahil niyakap pa talaga sya nito para mabawasan ang injured kaya ito ang medyo na puruhan pero kahit ganun wala syang pakialam sino mag sabi na protektahan sya nito. Hindi nito iyo ikukuguwapo sa paningin nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD