Accidental kiss

2729 Words
“Pssst! miss puwede manligaw? Hindi ako kasing taguro nila Brent at Sir Zian pero daanin nalang natin sa performance hindi ako mapapahiya.” biro ni Daniel habang papalabas sya ng dressing room suot ang isang magarbong gown. Meron silang motorcade ngayon suot ang mga Pilipiña gown. Natawa naman si Amara sa joke ni Daniel may sapi nanaman ito. Mula pa kahapon sya pinauulanan ng joke di na nya alam kung joke pa ba yun o totoo na. Ilang beses na din kasi nyang nahuhuling nag nanakaw ito ng tingin na agad iiwas kapag napapalingon sya bagay na di naman nito ginagawa noon. “Naka droga ka ba Dan?” pabulong na tanong nya rito habang nag lalakad sila palabas. Si Rodney at Ito nalang ang bodyguard nya dahil ang haliparot na si Britany nakuhang agawin ang dalawa nyang macho guwapito na bodyguard. Aayaw ayaw pa ito ng una ng bodyguard pero dahil guwapo at yummy sina Zian at Diego. Nag kukumahog ito sa pag rerequest ng bodyguard. Well umaayon naman ang plano sa kanila. Mas napaganda pa sa original na plano na makipag kaibigan sya kay britany. Dahil sa taglay nitong katalandian mukhang mapapadali ang trabaho nila at dahil naman sa likas nyang ganda mukhang lalapit na ang una nilang target si Mayor Rupert Gallego. “Yung ganda mo kasi parang nakakasilaw tulad ng magandang sikat ng araw sa umaga.” ngisi pa ni Daniel. “Umayos ka! Daniel baka ikaw ang di na sikatan ng araw bukas.” bulong naman ni Rod sa tabi nila sabay nguso sa isang direksyon. Sabay naman sila ni Daniel na napatingin sa inginuso ni Rod. Nakita nila si Zian ilang metro ang layo sa kanila sa tabi ni Britany na panay na ang kaway habang pasakay ng floats nito sa gaganapin motorcade nila. Talagang ginastusan ng husto ang floats nito talagang aagaw ng atensyon sa ganda. Sigurado na syang ito ang mananalo sa best in pilipiṉa award. Ang sama ng tingin sa kanila ni Zian ginamit pa nito ang dalawang daliri na itinapat sa mata bago itinuro sa kanila na may kasamang pag babanta. Pigil ni Amara ang matawa sa inakto ni Zian. “Hay bakit ba ang mga almost perfect ng lalaki napaka seloso. Di ba sila marunong mag giveway sa mga nilalang na nilikha ng Diyos na tulad natin Rod.” natawa naman si Rodney nilingon si Dan. “Yung totoo. Iniisip mo bang makipag kompitensya kay Boss Z?” sandaling nag palipat lipat ng tingin si Daniel kay Rodney at sa kanya. “Wag ka ng sumagot.” mabilis na singit na nya dahil wala syang planong bigyan ng malisya ang mga ikinikilos ni Daniel. Matagal na silang mag kakasama. Sadyang friend material lang para sa kanya si Daniel. “Ang hard mo. Wala ba man lang 5% chances.” “Kahit 1% wala. Kaya tigilan mo na ang pagtira tira mo ng katol. Apektado na ang utak mo nasa mission tayo so mag focus ka hindi sa cleavage ko.” ani Amara. “Sus makapag salita ka naman akala mo ka laki ng bumper mo.” irap na bulong ni Daniel na ikinasamid naman ni Rodney kapipigil na tumawa. “Naku pasalamat ka maganda ako ngayon kundi patutubuin mo ang bala sa bunbunan mo.” “Eto naman di na mabiro. Alam kong kabado ka pinasasaya lang kita para relax ka mamaya. Baka himatayin ka nanaman sa gutom.” inirapan nalang nya ito saka dumeretso na sa floats na nakalaan sa kanya na maganda rin naman. ******* “Hi! is this sit taken?” umangat ang ulo ni Amara ng mapansin na meron isang bulto na tumayo sa tabi nya. Nasa isang resto sila after ng motorcade nila meron invitation para sa lahat ng candidate ng dinner sa isang 5 star restaurant kaya naroon sila lahat. Pagtingala nya nakita nya ang inaasahan na nyang makita si Rupert Gallego. She also heard na ito ang nag yaya na mag dinner sa coordinator nila. Matamis syang ngumiti as her mission kailangan nyang maging mabait rito at sakyan ang trip nito pero iyon ay according kung paano nya ihahandle ang pakikipaglapit rito. Kumilos lang daw sya ng na aayon sa gusto nya. “Oh! Hi Mr. Gallego, Your also here.” patay malisyang bati nya rito saka sinabi rito na bakante ang upuan sa tabi nya. Binati rin nito ang ibang candidate na kasama nya sa table. “Ah! Yes meron din kasi akong pinuntahan seminar.”pag sisinungaling pa nito na tinanguan lang nya. “You look tired. Are you okay?” wika pa nito sabay hawak sa kamay nyang nasa ibabaw ng mesa. Ngumiti naman si Amara na binawi ang kamay. “Nag alcohol ka ba? Maarte kasi ako.” bahagya naman tumawa ito at mukhang di naman na offend sa sinabi nya dahil halatang na aaliw pa ito. “Don’t worry walang ibang babae hinawakan ang kamay ko ngayon.” “I doubt it!” pagak pa itong muling tumawa. “Mukhang pangit talaga ang first impression mo sa akin. Ano ba ang kailangan kong gawin para nabura sa isip mo ang masamang imahe ko.” “Wala naman! Wala kang kailangan gawin dahil i doesn’t matter.” maasim na ngumiti si Amara. Kilala na nya ang likaw ng bituka ng mga lalaki. Kota na ang puso nya para sa mga lalaki. Hindi pa sya ready na mag pauto lalo’t higit sa tulad ng nilalang na ito sa harapan nya. Oo handa na syang mag move on at mabuhay gaya ng dati nung panahon na bago palang tumitibok ang puso nya para sa unang lalaking minahal nya si Zian. Unang pag ibig at unang kabiguan nya. Kabiguan na nagdala sa kanya ng labis na sakit at sa kagustuhan nyang makalimot muli lang syang nag kamali kaya tama na ang katangahan nya. Walang maling humanga sa opposite s*x ang mali yung alam mo ng masasaktan ka pero itinuloy mo parin. Iyon ang bagay na gusto nyang maiwasan. Bagay na alam nyang mangyayari habang nasa paligid lang si Zian dahil sigurado sya sa sarili na na still si Zian parin ang laman ng puso nya. “Nasa sabi mo lang yan kasi hindi mo pa ako lubos na kilala.” “Bakit bukod ba sa pagiging ma empluwensya mong tao, Mayaman at guwapo not to mention your performance in bed meron pa ba akong dapat malaman tungkol sayo.” “Bakit di mo nalang ako subukan para malaman mo.” hamon naman ni Rupert. Pagak naman tumawa si Amara. “ganyan ba mga linyahan mo sa mga babae. Mayor Gallego.” bigla sinapo ng binatang mayor ang dibdib sabay ngiwi. Tumaas naman ang kilay nj Amara. “It hurt know. Calling me that way pakiramdam ko 20 years ang age gap natin.” nag hagikgikan ang mga kandidata na nakarinig ng biro ng mayor. Halatang kinikilig ang mga ito. “Bigyan mo ng chance si Mayor Rupert. Khassey sayang naman ang chance mo. Imagine if ever na di ka manalo dito sure naman na may korona ka pa rin iuuwi. Ang korona bigla mayora.” gustong masamid ni Amara sa biro ni Ms. Laguna. Sa dami ng mga kandidata na nakakahalubilo nya. Di na nya matandaan ang mga pangalan ng mga ito. “Believe it or not pihikan talaga ako sa babae. Khassey bihira lang ako mag ka gusto sa isang babae. Di ko sinasabi na masuwerte ka dahil you caught my eyes but i assure you na di ka mag sisi if you give a chance.” inulan sya ng tukso ng mga kasama nya sa table dahil sa banat na iyon ng binatang mayor na talaga naman magaling din mang bola. No wonder kung bakit sa batang edad nito nanalo na agad itong mayor. He have a looks at magaling mag salita. “Ang masasabi ko lang bahala ka sa buhay mo di kita pipigilan sa gusto mo pero wag kang umasa na mag kakaroon ng tayo soon.” ngumiti lang naman si Rupert sabay kibit balikat. “Mukhang meron kang karibal ngayon boss.” pabulong na wika ni Diego habang nasa isang sulok sila malapit kay Britany na ininterview ngayon ng press. “Mukha syang paa na maraming kalyo.” sagot ni Zian. Natawa naman si Diego na saglit na nilingon ang kapitan nila. “mukhang bet ni Khassey yung mayor na mukhang paa na maraming kalyo.” masama naman ang tingin ang pinukol ni Zian kay Diego saka muling ibinaling ang tingin sa dalagang katabi ng mayor na halatang nakikipag flirt kay amara at dahil sa mission nila halatang sinasakyan ni Amara ang pakikipag flirt na mayor. Lalo lang tuloy bumigat ang pakiramdam nya. Gusto nyang lumapit sa mga ito at hilahin si Amara palayo rito. Tama ng si Brent Daxton ang minsan na nyang naging karibal na hanggang ngayon e kinaiinisan pa rin nya isipin palang na nahalikan at nakatabi ng matulog ni Brent si Amara parang gusto na nyang ubusin ang bala ng baril nya sa sintido ng lalaking yun. Iniisip nalang nya na sya ang unang nag kasala ng di nya pinaniwalaan noon na hindi ito si Tamara. Kaya nagkagulo gulo na ang lahat kung makikita lang sana nya ulit si Tamara mabjbigyan na nya linaw ang lahat pero kapag ganito naman ang mission nila pakiramdam nya maaga syang makakapatay ng tao kahit wala pang hatol galing sa taas. “Boss Z, 10 o’ clock tingnan mo si Daniel.” ngisi ni Diego. Sinundan ni Zian ang sinasabi ni Diego at nakita nga nya si Daniel na titig na titig kay Amara. Ilang araw na rin nyang na papansin ang mga paligaw ligaw na tingin ni Daniel. Lalaki din sya kaya alam nya yung mga ganun klase ng tinginan. Mukhang tinatamaan na din si Daniel kay Amara simula ng sumali itong bilang binibining pilipinas. Hindi lang ito makapag tapat kay Amara dahil palagay nya alam din ni Daniel na wala itong pag asa pero hindi sya puwedeng mag pakakampante. Hindi sya nag hintay ng mahabang panahon para lang sukuan si Amara. Nag papahinga lang sya kaya nanahimik. Gusto muna nyang bigyan ng chance si Amara na makapag isip isip pero kung dalawa naman agad na lalaki ang naka abang kay Amara parang gusto nyang mag wala. Pagkatapos lang talaga ng mission nilang ito. Di na sya papayag na mahalin lang ito mula sa malayo. He will make sure na Amara will definitely fall in love with him by hook or by crook. “Kung ako sayo kilos kilos din pag may time boss baka madagit ng iba ang prey mo. Wag tutulog tulog sa pancitan.” “Tingin mo hahayaan ko yun mangyari.” “Malakas ang saltik ng babaeng na gugustuhan mo boss in case na di mo alam. Masyado syang impulsive kaya kailangan mabilis ka rin bago sya tamaan ng kasaltikan nya at kahit mali na paninindigan ng babae yan. Nakita namin kung paano sya nagkabasag basag dahil sa pagiging impulsive nya noon boss Z at alam ko ikaw ang nag tulak sa kanya para madapa. Kaya sana ikaw na din ang tumulong sa kanya para bumangon.” ano Diego. Napabuga naman ng hangin si Zian dahil aminado syang tama ang sinabing lahat ni Diego. “Hi boys. Sabi ni Miss Eleonor after this dinner event puwede daw kaming lumabas at puntahan ang gusto namin punatahan.” masiglang bungad ni Britany ng lapitan sila nito. “Let’s go bar hoppings.” parang batang tuwang tuwa na itinaas pa ang dalawang kamay. “Tonight hindi lang kayo basta magiging bodyguard ko. You will be my escort guess as well kaya loose this tie tonight.” anito na hinawakan pa ang necktie nilang suot sabay kindat na tumalikod na. “Grabe. Ano kayang pakiramdam ni Mayor kapag nag B Bj silang dalawa. Nag eecho na yung sarili nyang boses kapag nag sasalita sya.” biro ni Diego na bahagyang tinawana ni Zian. ******** Siksikan ang mga tao sa gitna ng dance floor habang sinasabayan ang malakas na tugtugin ng Dj. Nung una nag eenjoy pa sya sa pag sayaw pero ng dumami na ang tao na raramdaman na nya ang ibang lalaki na halatang nandya at ng mamanyak na kaya bago pa sya makapag pukpok ng bote ng alak sa ulo ng lalaki umalis na sya sa dance floor at nag tungo sa table nila kung nasaan si Zian at Daniel na tahimik lang na nag iinom. Hinanap ng mata nya si Rodney at Diego na meron din kasayaw na mga babaeng foreigner. Napangiwi sya sa uri ng sayaw ng mga ito at bigay todo din naman ang mga foreigner na babae sa pag dikit ng katawan ng mga ito sa mga kaibigan nya. Kung walang mga damit ang mga ito mukha mga nag mamake out ang mga ito sa public. “Nakakapangilabot sila.” wika ni Daniel. Natawa naman si Amara sa narinig na nilingon ang kaibigang nakaupo lang nasa magkabilang dulo ang dalawa ni Zian kaya nagtaka sya. “Kung di kita kilala iisipin kong ibang tao ka Dan.” ani Amara. “Matanda na ako graduate na ako sa mga kalokohan parang gusto ko nalang mag settledown.” dahil sa sinabi ni Daniel kung di lang malakas ang tugtog sa disco bar baka lumabas na ang baga nya sa lakas ng tawa nya sa sinabi ni Daniel. “Sige tawanan mo ako baka di ka na makatawa kapag nag seryoso ako.” “Ano bang nakain mo bakit parang mas nakakakilabot ka pa this past few days.” ani Amara na inabot ang isang bote ng san miglight at tinungga iyon ng deretso sa bote. “That’s mine.” wika ni Zian ng maibaba ni Amara ang bote. Saglit syang nakipagtitigan kay Zian pero umawang ang bibig nya ag pagak na tumawa ng literal na pinunasan ni Zian ng tissue ang labi ng bote na ininuman nya. “Grabe! Hiyang hiya din naman ako sa laway mong kulang nalang ipamumog mo sa akin noon.” irap na turan ni Amara na tinawanan naman ni Zian sabay lingon kay Daniel na umasim ang mukha. “Hi. Come on Z let’s dance.” ani Britany na lumapit at pilit na hinila hila sa dance floor si Zian na wala ng nagawa kundi mag patangay. Nag paalam naman si Amara na mag rerest room muna. Ngunit dahil di sya familliar sa lugar naligaw sya at ibang hallway ang napasok nga ngunit napahinto sya sa pag hakbang ng matanaw nya si Rupert kasama ng ilang bodyguard nito. Mabilis syang nag kubli ibang klase din naman ang lalaking to kung nasaan sya naroon din ito. “Hanapin nyo sya sa crowd make sure na maisasama nyo sya sa taas kung di ililibing ko kayong lahat ng buhay.” “Boss mailap si Ms. Pasig baka mahirapan kami na isama sya at dalahin sa inyo saka meron syang mga kasamang bodyguard.” wika ng isang lalaki at sya pala ang gusto nitong ipakuha sa mga tauhan nito. “Puwes gawan nyo ng paraan. Sayang lang ang malaking binabayad ko sa inyo kung isang babae lang di nyo madadala sa akin. Kumilos na kayo bilisan nyo. Here ilagay nyo sa iinumin nya para tahimik nyong madadala sya sa kin. Ipainom nuo na rin sa mga bodyguards nya para walang hassle.” utos pa ni Rupert. Di nya nakita kung anong inabot ni Rupert sa tauhan nito pero malakas ang kutob nyang meron itong masamang balak. “You mess up with the wrong person ashole.” tatalikod na sana sya ng magulat sya ng may magtakip sa bibig nya at hilahin sya sa pinakasulok sa likod ng malaking artificial plant. Hindi na sya nag tangkang pumalag dahil nakita nyang si Zian ang nagtakip ng bibig nya after nilang mag kubli nakita nya ang pag lampas ng grupo ni Rupert sa gawi nila. Lalo silang napasiksik ng biglang lumingon ang isang tauhan ni Rupert at ewan ba nya kung anong pumasok sa kokote nya at bigla nyang nahila sa buhok si Zian sabay alis ng kamay nito sa bibig nya saka siniil ito ng halik sa labi. “Putsa mga bastos kumuha kayo ng kuwarto.” sigaw pa ng lalaki sa kanila. Itutulak na sana nya si Zian pero isang lalaki na katabi naman nito ang lumingon kaya muli nyang hinila si Zian para makipag halikan ulit. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD